Home » Page 7
Si Tito Jun part 2
November 22, 2009Nagblog na ako dati about tito jun noon. nung one time na nagmcdo ako tas di ko siya binigyan. nandito lang yun sa blog ko somewhere di ko na maalala which month though. If you’re curious, look for it.
So bumili ako ng sardines sa Pan de Manila. May binibenta sila dun e. Yung nasa garapon. Siguro pang pandesal lang yun kasi maliliit yung sardinas sa loob, pero, dahil hardcore ako at may sakit, naisip kong gawing comfort food ang sardinas at inulam ko siya. Kung ang ibang tao, namomroblema sa kung ano anong shit, tulad ng grades nila or ng love life nila, ako, pinopoblema ko ang sakit ko sa lungs ko ngayon, kaya, bumili ako ng pagkaing magpapasaya sa akin.
Bumili rin pala ako ng Pepsi kasi, ganun akong tao, mahilig sa softdrinks.
Pagdating kong bahay, pinatong ko sa mesa akong binili kong sardines at softdrinks. Naghanap muna ako ng chili flakes na ilalagay ko sa sardines para umanghang ito tapos, ilalagay ko sa microwave para uminit.
Pumasok si Tito Jun ng bahay, walang shirt, pawisan dahil naglinis ata siya ng mga oto, at bigla siyang lumapit sa pagkain ko. Malamang, gutom siya, at nagka-interes sa sardinas ko. Bumulaga sa akin ang tiyan niyang tila may lamang 12 months old na sanggol.
Nag-offer siyang kumain kami, so siyempre, makikihati na siya sa sardines ko.
Madamot akong bata. Pag kumakain ako tas biglang lalapit ang mga kapatid kong bata para humingi, magagalit ako, at pag humihingi pa rin sila, mapipiss off ako at ibibigay ito sa kanila nang padabog. Minsan, nakokonsensiya sila at hindi na lang hihingi so matutuwa naman ako, pero kung makapal talaga sila at gutom, kakainin sabay tenk yu.
Nainis ako na makikihati sa akin si Tito Jun. Kaya wala akong magawa.
Nung binubuksan ko na yung garapon ng sardinas, hindi ko mabuksan. Tangina. Bat ba kasi ako pumayat. Ang dami ko nang di mabuksan ngayon. Kahit yung Coke bottle di na rin.
Nakakainis man aminin, si Tito Jun ang nagbukas ng garapon. Ang taong ayaw kong bigyan ng sardinas ko, siya pa ang nagbukas ng sardinas ko. Si Tito Jun.
Minsan, ang mga taong kinaiinisan mo, sila pa yung maaasahan mo sa mga ganitong pagkakataon. Sila pa yung magbubukas ng sardinas mo. At pag natulungan ka nila, tama na lang na isali mo sila sa kasiyahang iyong nadarama.
Naghati kami ni Tito Jun. Sa sardinas at sa Pepsi na binili ko. Okay rin pala na may kahati ako. Dahil hindi ko rin naman naubos yung share ko ng sardinas, at marami pang Pepsing natira.
Sana maging lesson to sa ating lahat, na kapag sardinas na ayaw kong ihati sa iba ang usapan, laging may darating para makihati, dahil ganun ang batas ng universe.
Lunch
November 17, 2009Today, kumain ako ng Chili Mansi Pancit Canton with matching kikiam at Pepsi. Solb e. 52 pesos lang ang naging damage sa bulsa ko.
Habanga kinakain ko, masarap e. Kinikiliti ng tamis ng kikiam sauce ang anghang ng Lucky Me Chilli Mansi. Kumbaga sa loob ng bibig ko, nagmomoan sa sarap ng orgasmic taste ang aking mumunting mga tastebuds.
Maswerte ako dahil meron akong nakakain. Subalit, ngayon, nararamdaman ko, na parang hindi naman talaga yun nakakabusog at hindi nutritious. Kulang pa rin. Malungkot kapag alam mong meron, pero hindi pa rin sapat.
Chucks. MSG pancit canton at kikiam lang ang kinain mo. Huwag masyadong taasan ang expectations.
Kung tatanungin mo ako
November 15, 2009Kung sino ang mas cute, pipiliin ko ang Moffatts kaysa sa Hanson.
Ang Moffatts, apat sila, ang Hanson, tatlo lang. Mas gusto ko yung mga kanta ng Moffatts. Yung Hanson, hindi e.
Kapag nakikinig ako ng Moffatts, gusto kong maging girl para maging acceptable tumili kapag kumakanta na yung dude na long hair at may kulay yung buhok.
Sana sa bachelor party ko, tumugtog yung Moffatts habang may stripper na naglalapdance sa akin.
Tatlong Araw
November 8, 2009Tatlong araw na akong hindi naliligo. Tangina kasi yang mga DVD series na yan. Pag pinapanood mo, tuloy-tuloy. Hindi mo na mapapansin ang oras dahil ang sukatan ng universe mo ay kung ilang episodes pa bago matapos ang isang disc at kung pwede ka bang magpause muna para umihi or kumain.
May naaamoy akong mabaho ngayon. Sana, hindi ako yun.


