Merry Christmas
December 25, 2009Merry Christmas! Nawa’y naubos ang laman ng wallet mo, kakabili ng regalo para sa mga taong mahalaga sa yo, kahit wala kang natanggap. Ganyan talaga. Next time, magkalat ka na ng wishlist mo, November pa lang! Apir!
Pasko
December 18, 2009Sa pasko, hindi nawawala ang mga regalo. Isa siguro to sa mga dahilan kung bakit popular ang pasko, dahil ito lang ang okasyon, liban sa kaarawan mo, kung saan ka makatatanggap ng regalo, for free, even if you were naughty or nice.
Today, tatlong bagay ang natutunan ko.
Una, masarap ang pakiramdam ng magbigay ng regalo. Masaya makita ang ngiti sa mukha ng taong bibigyan mo ng regalong pinag-isipan mo at inaasahan mong magugustuhan niya, or at least, gamitin man lang in the future. Walang katumbas ang ngiting yun.
Pangalawa, bano ako magbigay ng regalo. Random. Pero sana gamitin mo pa rin si Darth Vader.
Pangatlo,
Maarte ako e
December 6, 2009Maarte ako pagdating sa pagkain. Lalo na kapag yung pagkain dito sa bahay. Somehow I expect to see something good on our dining table. Siyempre it wouldn’t be what you usually get in restaurants di ba, pero gets mo yun. Sana masarap na lutong bahay man lang na usually prepared by my mother.
Yung yaya yung nagluto today e. So. Blah.
I remembered my foster mother back in that place dun sa tabi ng riles ng tren. Umaalog yung bahay nila whenever the train passes. Pero. Masarap yung niluluto niya parati. Sana siya na lang yung nagluluto dito.
I remembered promising her that I would visit. Tatlong taon na di ko pa sila nabibisita ulit. Fail.
Epal
December 3, 2009Nung grade school ko unang narinig yung salitang to. Nung grade four. Kasi, pagtungtong mo ng grade 4 up, cool na yung dating kapag nagsasabi ka ng mga ganitong bad words. Nung grade 3 below pa kasi, sasabihin sa yo na bad ka at ididisown ka ng classmates mo. Hindi ka na aayain magpabonggahan ng baon or hindi ka na isasali sa PE tas mapupunta ka sa dulo ng pila kahit maliit ka at by height ang arrangement.
Masakit pag nasasabihan ka na epal ka. Pero nakakainis din yung tipong naeepalan ka sa isa mong kaklase pero walang kang magawa about it. Pwede mo siyang tawaging EPAL every time may gagawin siyang nakakainis pero anong magagawa mo? Buong schoolyear mo siya kasama e. At possible pa na maging magkaklase kayo ulit.
Kailangan mo lang talagang matutong tanggapin na may mga taong epal. At magiging part sila ng buhay mo.
Bat ako pumayat
November 29, 2009Maraming nagtatanong kung bakit ako pumayat. Kung makikita mo kasi ako, mataba ako noon, tas, pumayat ako ng todo. Dati 32 waistline ko, tas ngayon 28 na. so ito ginagawa ko.
One meal per day lang.
~~~ Sa umaga kasi, hindi ako nagbrebreakfast. KAPE lang. Ang unang meal ko, sa hapon pa. Around 5 dahil tuloy tuloy ang klase ko sa school. In between classes, pag maswerte, makakabili ako ng tubig or Pepsi/Coke at kwek-kwek or pansit canton or fishballs.
Kape
~~~ Maraming beses ako magkape. Isa sa umaga. Isa sa gabi para pag nag-aaral ako. Yung “isa” na yan, dalawang tasa ng kape. So sa isang araw, kahit twice lang ako magkape, apat na tasa pa rin yun. Imagine my palpitations.
Puyat
~~~ I sleep at 3. Basta yung tulog ko sa gabi, minimum ang 3 hours, max ang 5, maswerte pag nag 6 up. Ganito ako sa Engg because I’m a chronic crammer.
Yosi
~~~ Ito rin talaga e. Tumigil na ko though dahil sa ubo and shit. Pero, during the process of my inexplicable weight loss, there was yosi.
Walking
~~~ Naglalakad ako. Cardio yun. At yung nilalakad ko pa, malalayo. Yeah, typical walking distance siya for a UP student but if you’re from UP, you’d understand how much distance I cover in a day by walking from Melchor, to AS, then Math, back to AS again, then to Melchor. Also, 3rd floor up ang classes ko.
So yeah. If you plan on having a 28 as your waistline, try to adapt my lifestyle. Thank you.


