update
September 10, 2007wow. grabe. i don't blog that much anymore. it seems that my enthusiasm in the art of blogging has finally run out. as you can see, I'm still on my third entry this month. I'm really not that busy since first term just ended last week.
the exams. @_@ 'twas, stressful. results were returned and i didn't get any failing scores. hoorraayy! <:) i passed math, passed TD, got a decent score for filipino, got a B+ for physics and, out of chamba, passed english. hahaha!
( Dito na magtatapos ang aking effort na um-english. tae, nabobo ako. =)) )
pumunta ako sa rizal library nung sabado for physics. pero, dahil 6 pm na, kinailangan kong umalis na isa lang yung nakuhang reference. tapos. nag-stay ako til 9.
bumalik na naman ako today, umaasang mahanap ang mga bagay na kailangan for physics
. may nahanap naman ako. hahaha! yes. tapos na ako dun.=))
okay. ayaw ko na. tamad na magkwento. tawagan mo na lang ako o kaya kekwentuhan na lang kita sa ym knug gusto mo. labo.
) bye! >:D<
third
September 6, 2007ipopost ko to ng twelve.
third day of exam :
Yay! tapos na! =)) hmmm, i guess okay lang yung physics test kanina. walang panic na nangyari. tama lang. hindi xa ganon kahirap. tama lang. feeling ko hindi ako babagsak dun. hahah! sana mapasa ko lahat. para maghonor ako. hayyy. wag naman sanang manatiling pangarap ang paghohonor ko. at yun. masaya ako dahil tapos na lahat. haha. pwede ko nang ilagay sa recycle bin yung mga natutunan ngayong first term. joke. hahaha
Mag-aababu dapat kami ni lex, angelo, ej, bj, sprix at ako pero, dahil sa akin, di kami nakasama ni lex. kasi. dapat dun kami sasakay sa kotse ko, pero, umalis pala si tito jun. hindi rin makapunta sa ababu dahil masyadong malayo sa ateneo. so, pumunta na lang kami ni lex sa red ribbon at kumain ng palabok. grabe, ang init kanina. tangenang global warming yan. nilakad namin ang katipunan papuntang condo ni lex at nanood kaming movie. hahaha. hindi ko natapos so, hiniram ko na lang.
third monthsary:
Yay! 3rd monthsary na.
parang super tagal na eh. hahaha. masaya ako na magkasama tayo kanina.
sana parati na tayong magkasama at magkita.. at sana. next time, hindi lang isang oras. joke! hahaha. =)) mahal na mahal kita. happy monthsary. <3
iwas antok
September 1, 2007magboblog ako ngayon para maiwasang makatulog. kasi, maguusap pa kami ni lalabs later. hahaha!
ang tagal ko na palang hindi nagblog. kasi naman, ilang araw ring nawala yung internet ko. dahil nasira yung LAN Card ko.
kailangan ko pang magpabili ng bago. Buti na lang, gumagana pa rin yung Wifi kaya nakakapag-internet pa ako gamit ang laptop.
Dahil nakapag-internet na ulit ako, ano bang natural na gagawin ko? >:D
Siyempre, nag-multiply.
at nanood ng youtube. hahaha! hinanap ko sa youtube yung nangyari sa wowowee. well, kaduda-duda nga naman. tapos, hinanap ko rin yung video ni Joey de Leon. yung sinabi niya sa mga paratang ni Papi. ang benta niya. " Matutunan mo sanang umiyak ng may luha. " natawa ako dun.
) napanood ko rin pala yung 300 na ginawang ilonggo. hahaha! ang kulit eh.
hmmm
Nung thursday, pumunta akong gateway.
super saya. <3. sana makalabas na tayo ulit. SOON. at maging everyday na sana yung ganun. or kahit once a week man lang. hahaha.
napanood ko na yung the invasion. tapos, ngayon, gusto ko na ring panoorin yung 1408. hahaha!
september na. maraming gagawin. exams this week. waaah! di pa ako nag-aaral. mahirap mag-aral lalo pa't may internet na ulit ako. kulang talaga ako sa disiplina. ewan ko ba. siguro, kung iiwan mo ako sa isang kwarto na may marshmallow at sasabihin mong wag ko itong kainin hanggang di ka pa nakabalik, pag katalikod mo palang, kinain ko na.
May problema nga pala ako. pero. hindi ko muna isusulat dito. para naman, may topic pa ako for the next blog entry. =)) nambitin amp.
winner!
August 22, 2007yay! andaming napalanunan sa Pinoytuntunan! Tulad ng hinala ko, yes, we won first place sa Pistambayan.
kanina, naalala ko na naman na last year ko na to sa high school. nakakalungkot kasi, next year, wala na akong Pinoytuntunan na pupuntahan at papanoorin. sad.
pero yun, masaya yung takbo ng pinoytuntunan kanina at masaya ako na hindi ko tinulugan yun.
Pinakapatalong nangyari today :
Kanina, pinagsisihan kong makatulog( okay, tulugan ) yung TD. Hindi naman ako tulog sa buong period, sa bandang dulo lang ng class. Pero, ang galing talaga ng timing kong matulog. Habang natutulog ako, dinidiscuss ng teacher namin yung project ata yun or something kung saan kailangan naming gumawa at magsulat ng kanta. Ang pinakamasaklap, isa pala ako sa mga pinili ng teacher namin para maging pinuno sa isa sa mga grupo. Takte, yari ako. Hindi ko alam ang gagawin. Groupmates! Sa inyo ako umaasa.=))
galit ako
August 20, 2007kararating ko lang galing sa nueva ecija. birthday kasi nung lolo ko. 69 na siya.
okay naman. masaya. masarap yung pagkain. tapos. yun. inuman! =)) sayang, gusto ko pa naman itry kung anong pakiramdam ng lumangoy sa pool habang basag/wasak. ewan ko. siguro malulunod ako o kaya susukahan ko yung pool at mandidire lahat ng tao at aahon at dun na magsisimula ang pagkalugi ng negosyo ng tito ko.
dun kami natulog. sobrang nabadtrip talaga ako. gusto ko kasi umuwi. at hindi natuloy yung night swimming namin.
pagdating ko sa bahay, bad news.
sira yung internet namin. waaa.
i tried to fix it. hinaham pas ko yung router. inunplug tapos plug yung router. tapos, tinanggal ko yung cable tapos nilawayan ko tapos kinabit ulit ( JOKE! =)) ). nirestart yung pc. nag-hail mary sandali. tapos, ni right click yung internet connection icon sa system tray na parang may alam talaga at may magagawa talaga sa pag right click na yun. walang nangyari.
letseng smart bro yan. mamatay na sila. nagbabayad naman kami every month eh. keep the change pa nga kasi 999 tapos 1000 ipinambabayad namin. tangena, anong silbi nung "panatang smart bro" eklat nila. di ba? kalokohan yun. pogi pa man din endorser nila sa tv sabay sablay services nila, sinisira nila credibility nung poging bagets na yun mehn.
sinubukan kong tawagan yung smart bro customer care hotline dahil kailangan ko ng taong makikinig sa aking mga hinaing patungkol sa kanilang walang kwentang serbisyo at matatanungan ng kung ano na bang latest sa showbiz happening ngayon. pero walang sumasagot. tae. holiday nga pala.
so, ayun, nandito ako sa netopia ngayon. =)) kailangan ko kasing magprint ng english exercises para maaral para sa long test namin bukas. waah. tapos. titignan ko rin pala ang bagong album ng aking bebs my lab. tapos. yun. naisipan ko rin magblog. haha! tae, nagboblog sa internet cafe amp. skwater. haha. joke. =))
tapos na yung 6 day weekend. Muntik na akong mabulok at kainin ng earthworms, centipede, langaw, bangaw, at nung anak nilang maggots sa sobrang pagkainip. Di man lang ako nakalabas. Di man lang ako nakapanood ng bagong movie. di man lang ako nakipagkita sa mga kaklase ko para gumimik o kaya magdota o kaya kumain o kaya uminom o kaya magstudy group man lang. di man lang ako nakipagkita sa aking bebs my lab. hay. ang walang kwenta ng long weekend na to. sana hindi na lang bumagyo. tapos na sana yung english lt, td lt, math lt, cat exams. tapos, exams na lang this week.
so yun. back to school na bukas. hit the books. aral ulit para sa exams sa september. tae. hahaba coverage and all. aral to da max o aral after relax. that is the question. hahaha! =))
okay tama na. mapapabayad ako ng mahal dito. sa skies ako member eh. HAHA! okay bye.


