Couple Mismatch Theory
March 1, 2010Ano ang COUPLE MISMATCH THEORY? Ito ay isang teorya na tumatalakay sa napamaselan at napakakomplikadong siyensa sa likod ng pagsusuri sa mga COUPLES. Ang couple ay dalawang indibidwal, lalake at babae, na, sa kanilang paniniwala, ay DAPAT magkasama dahil sila’y NAGMAMAHALAN.
Iba ang COUPLE na ito sa ‘COUPLE’ na pinaguusapan ng mga PHYSICISTS or ENGINEERS na maari niyong matutunan sa site na ito.
Hindi saklaw ng COUPLE MISMATCH THEORY ang batayan nang kung ang isang COUPLE ay tunay nga bang nagmamahalan dahil ang PAG-IBIG ay may iba’t ibang anyo na maaaring sabihing unique sa bawat COUPLE. Ang masasabing BULK ng COUPLES MISMATCH THEORY ay ukol sa KABAGAYAN ng isang COUPLE sa isa’t isa ayon sa kanilang PISIKAL NA ASPETO.
Heto ang iilang KONDISYON upang masabing BAGAY nga ang isang COUPLE at sila’y MARAPAT na magsama:
1.) Sila ay nabibilang sa iisang RACE.
~ Bagay ang isang couple kapag silang dalawa ay parehong INTSIK, KANO, HAPON, ALEMAN o PILIPINO. Ito ang masasabing pinakabasic na batayan upang masabing BAGAY nga ang isang COUPLE. Masakit kasi sa mata ang makakita ng COUPLE na Aprikanong lalakeng nakabahag at may kasama siyang European MODEL GODDESS. Hindi ba’t unfair yun?
23.) Hindi lalagpas ng isang talampakan ang kanilang HEIGHT DIFFERENCE.
~ Alala mo si Mahal at yung Boylet niya? May sex video sila di ba? Napanood mo na ba? Ako hindi pa. Pero isipin mo. Ang pangit nun. Parang may tinitirang tuta yung lalake. SI JIMBOY! JIMBOY ata ang pangalan nung lalake ni Mahal. Anyway, hindi dapat lalagpas sa one foot ang HEIGHT DIFFERENCE dahil mas okay manood ng SEX SCANDAL na magkaheight ang couple. (Kung nais niyong magsubmit o magshare ng inyong SEX SCANDAL sa blog na ito, huwag kayong mag-alinlangan at isulat lamang ang email address niyo sa bandang kanan at ako cocontact sa inyo.)
27.) Magkahawig sila pag NAKANGITI.
~ Self-explanatory. Necessary for AWESOME COUPLE PICTURES.
42.) Same range dapat ang kanilang BMI.
~ Body Mass Index. Mainam ang couple na perhong payat, or parehong chubby, or parehong malusog. Katanggap-tanggap ang payat-chubby, chubby-macho, sexy-macho. Hindi katanggap-tanggap ang SEXY-BABOY, SEXY-MALUSOG, SEXY-CHUBBY. Okay lang ang payat-sexy. Ahihihi.
Mayroong 100 batas na dapat maperfect ang isang COUPLE upang mapatunayang sila’y BAGAY at DAPAT sa isa’t isa. Nais natin makakita ng mga magsyotang bagay sa isa’t isa kung kaya’t iminumungkahing ipalaganap at ipatupad ang mga batas na ito sa lahat ng tao! Sa TV, magiging importanteng elemento ang mga BATAS na ito sa plot ng TELESERYE. Sa mga magulang, kung sakaling UNIBROW (Rule 59: Unibrow Rule. Unibrows were meant for each other.) ang manliligaw ng anak niyong NON-UNIBROW, ipahabol niyo na kaagad sa ASO niyo or sa BISAYANG MABAGSIK NA YAYA.
Pasaload Dilimma
Sa isang committed relationship, parte ang paguusap dahil isang mahalagang elemento ng kahit anong relationship ang matibay, matatag, at di natitibag na communication sa pagitan ng dalawang nag-iibigan. Sa pag-uusap na ito nagaganap ang ilang mahahahalagang bagay na dapat nagaganap sa isang relationship tulad ng pagpapalitan ng ideya, pagkwekwentuhan ng kung ano-anong karanasan, pagsasambit ng nararamdaman (naks) at kung ano ano pang nagtutulak para maging attracted o di kaya’y mas komportable sa isa’t isa.
Maraming mediums ang pagmamaintain ng sistema ng communication na ito.
Nung unang panahon, nariyan ang YELLOW PADS na kung madrama kayong couple ay may mga patak pa ng luha ang bawat pahina ng inyong liham sa isa’t isa. Kung pang sari-sari store naman kayo, may LANDLINE, 5 pesos kada 3 minutes. Kung gusto niyo yung nakikita ang isa’t isa, pwede rin namang yung SKYPE na pinaghalong chat, VoIP, at may webcam pa!
Pero ang pinakaconvenient na siguro ay ang PAGTETEXT, lalong lalo na dahil sa mga naglipanang iba’t ibang IMMORTAL, UNLIMITED or SULIT services na prinoprovide ng mga networks. Pero gaya ng kahit anong bagay, hindi ito nagtatagal kung kaya’t mauubos ito.
Pano kung gabi na? Tas hindi ka na makakapunta ng tindahan? Wala kang nakareserbang call card sa wallet mo? Tapos sobrang importante ng pinag-uusapan niyo ng jowa mo? Hindi ka na makareply!
Well. Dito na pumapasok ang dilemma ng kung magpapapasaload ka ba o hindi sa iyong labidabs, at kung ikaw na man yung magpapasa, magkano ang dapat mong ipasa?
MAGPAPAPASA KA BA?
-Maari. Oo, dyahe sa jowa. Kaya sana, huwag mong dinadalalasan ang pagpapapasa dahil magmumukhang ginagamit mo na ang girlfriend mong ATM ng load. At kapag pinasahan ka na niya, sana bilisan mo rin magreply kasi kawawa naman siya, pinasahan ka na nga, natulog ka naman so parang wala ring kwenta ang pinasa niya sa yo. Kapag siya naman yung naubusan, dapat bongga ka magload para naman maging GALANTE ang tingin niya sa yo at sa ganitong paraan, hindi halatang bumabawi ka lang sa mga panahong siya yung nagpasaload sa yo.
MAGKANO ANG IPAPASA MO?
-Tricky ang part na ito dahil kahit mahal ka ng taong papasahan mo ng load, tao siya, at ang tao, may tendency na maging judgemental. “Tangina, ang kuripot ng taong to magpasa ah.” Ikaw na nga ang tumulong, ikaw pa tong naagrabyado. Kapag ganito ang jowang pinapasahan mo, iwan mo na siya at maginvest ka na lang sa bagong textmate.
-SCENARIO 1: Nagtext ang boypren mo ng groupmate niya na ibang network kaya nadisable bigla ang kanyang UNLIMITED texting service. Sa ganitong okasyon, acceptable ang magpasa ng 2 to 5 pesos dahil yun lang naman ang kailangan niya.
-SCENARIO 2: Nag-expire na ang unlimited load niya, pero may 10 pesos pa siyang load. Acceptable magpasa ng 10 pesos dahil 15 naman ang SULITXT15 ng globe. See. May pasobra ka pang 5 pesos. Tawag jan pagmamahal.
-SCENARIO 3: ZERO balance talaga si jowa. Ewan mo kung engot lang ba talaga siya o naghihirap na, kaya talagang mapipilitan kang pasahan siya ng load. Sa ganitong mga scenario ka maaaring majudge. May dalawang paraan para i-approach ang scenariong ito. Una, pasahan siya ng sapat lamang, tipong 20 pesos. Yung isa, gamitin ang equation na to.
IPAPASA = ((0.5)(LOAD MO))(0.5)
So bale. Imumultiply mo by 0.5 yung load mo twice. Ang gulo shit. Para isang multiplication lang, multiply mo na lang ng 0.25. Ganun din pala yun. Hahaha. Sa ganitong sistema, hindi ka majujudge ng jowa mo at magmumukha ka pang galante.
~~~ Sa isang committed relationship, hindi maiiwasan ang mga ganitong eksenang dulot ng kaengotan ng jowa mo o kakulangan ng panahon para gawin ang mga certain na bagay para masigurong swabe ang takbo ng buhay niyo. Pero, maliit na bagay lamang ito na dapat mong matutunang matanggap dahil ang pag-ibig ay isang network na may dalawang subscribers na puso ang sim cards.
Buhay Crammer
February 5, 2010Sa bawat exam, hindi naman laging nasusunod ang ideyal na mag-aaral ka ng isang linggo bago ang nasabing exam. Dahil marami kang bagay na ginagawa bago ang araw ng test na yun. Nagaaral ka para sa ibang subject. Nanood ka ng usong sine. Nag-outing kayo ng pamilya mo sa isang malayong lugar. Nagdate kayo ng jowa mo. Nanood ka ng concert. Nangopya ka ng notes ng kaklase mo kasi madalas ka magcut.
Face it. Masyadong masaya ang buhay para ibuhos ang lahat ng panahon sa pag aaral. Kung kaya’t sa panahon ng exam, ayaw mo man aminin, mapapacram at mapapacram ka lang.
Mga bagay na di dapat ginagawa ng isang taong magcracram:
1.) Ang taong nagcracram ay wala nang panahon gumawa ng ibang bagay.
- Huwag ka ng manood ng tv o maglakwatsa o tumae. Ang taong magcracram ay nasa ilalim ng sobra-sobra psychological stress na dulot ng libo-libong formulas at constants na kailangang isaulo. Oo, ending na ng Santino show kanina pero dahil kailangan mo magpractice ng ES problems, maiintindihan ni BRO kung bakit hindi tumaas ang rating niya dahil sa hindi mo pagnood ng season finale Niya.
2.) Hindi humihiga ang taong nagcracram.
- Hindi ka maaaring humiga sa kahit anong malambot (i.e. unan, sofa, kama, floor na may kutson, floor na may carpet, tiyan ni majin boo, boobs ng BEBE mo) or anything comfortable. Una, ang paghiga ay magdudulot ng pagkawala ng mga bagay na maaaring naalala mo na dahil napupunta sila sa black hole of comfortness. Pangalawa, kahit sabihin mong 15 minutes ka lang hihiga, hindi nalalayo ang possibility na ikaw ay mageextend ng another 15 minutes at isa pa ulit 15 minutes hangga’t ikaw ay makatulog na.
3.) Hindi kumakain ang taong nagcracram.
- Kapag kumain ka ng pagkaing nakakabusog habang nagcracra, ikaw ay makakatulog. Napupunta ang karamihan ng oxygen mo sa digestive system dahil kailangan ito upang tunawin ang kinain mo. Nababawasan ang oxygen sa utak at sooner or later, aantukin ka na. Ilimit ang CRAMMING DIET sa mga bagay na maalat at hindi mabigat sa tiyan tulad ng chips o kaya MANI.
4.) Bawal mag-Facebook.
-Self-explanatory.
Mga bagay na makakatulong sa epektibo at garantisadong swabeng pagcracram
1.) Uminom ng power drinks!
- Maghanda ng Coke, kape, o kaya Extra Joss kung extreme ka. Mainam na uminom ng coke lalong lalo na kung nasosobrahan ka na sa kape na nakapagdudulot ng dehydration at palpitations. Buti pa ang coke, diabetes lang.
2.) Magpakabulag sa sandamakmak na ilaw.
- Siguraduhing maraming ilaw sa iyong mesa. Lampshade. Ilaw sa kisama. Isa pang lampshade. Makakatulong ito para madali mong mabasa ang mga bagay na dapat masaulo at pangalawa, mahirap makatulog pag nakakasilaw ang paligid.
3.) Huwag tumingin sa orasan.
- Hindi ka dapat aware na habang abala ka sa pagcracram ay lumalalim na ang gabi. Lumalakas ang temptasyong matulog kapag updated sa oras. Pagdating sa cramming, mas mainam tratuhin itong, “Time flies when cramming.” .
4.) Magbuffer ng kahit anong movie.
- Kapag nagcracram ka, mainam na may hinihintay kang bagay to help keep you awake. Idownload mo yung Karate Kid dahil panalo ang movie na yun at sa buhay, nakatutuwa kung meron kang Mr. Miyagi figure na nagtuturo sa yo ng kung ano anong shit. Okay rin magbuffer ng PORN dahil kung di mo kayang magstay up, at least, mananatiling nakatayo si JUNIOR.
I start the year blogging about acads
January 24, 2010Ang weekend na to ay madrama academically. Marami akong dapat aaralin pero dala ng signal number 4 na katamaran, 3 out of 8 na mga dapat kong gawin lamang ang na-accomplish ko. At ang mga bagay na ito, hindi ko pa kailangan in the near future, dahil ang mga ito ay due pa next weekend.
Hindi ako nagaral ng mga para sa dalawa kong exam bukas at sa wednesday.
Hindi ko ginawa ang problem set na isusubmit ko sa friday.
Hindi ako nagnotes ng Physics na hindi ko pa rin magets hanggang ngayon.
Ayoko nang mabuhay nang ayon sa batas ng cramming dahil epektibo man ito, parating kapit sa patalim lang ang nakukuha ko. Gusto ko naman makatikim ng markang swabe at walang kahahassle-hassle na magagawa ko lamang kapag hindi pagcracram ang inaatupag ko.
Hindi ko alam kung anong petsa na ngayon, pero, hindi pa naman huli dahil January pa rin naman at uso pa rin kahit papaano ang mga New Year’s resolution kahit magbebente anyos na ko sa Marso.
Magbabago na ako.


