Home » Page 3

Nurse Talk

April 9, 2010

Ang nanay ko ay isang nurse at minsan isang taon, nagkikita sila ng kanyang mga kaibigang nurses din, na mga katrabaho niya ngayon upang makipagkwentuhan, tawanan, at kung ano-ano pang shit na maaaring ginagawa ng mga taong matagal nang magkaibigan.

Limitado ang ganitong pagkikita sa isang simpleng dinner, pagkakape at pagtambay sa isang lugar na karaniwang bahay ng isang tao o di kaya’y sa lobby ng isang hotel basta kung saan sila maaring magkwentuhan nang walang pakialam sa mundo. Parati akong isinasama ng nanay ko sa mga ganitong okasyon. Iniisip ko na lang na proud siya sa akin at kailangan kong damayan ang tatay kong kasama rin dahil na-OOP siya parati.

Sa paglipas ng taon, aking napansin na may mga paulit-ulit na pakay na tinatalakay ang grupong ito sa tuwing sila’y nagkikita. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking naging karanasan kagabi sa kung ano-anong shit na aking narinig at sana, mahalata niyo kung gaano ako nabagot sa talakayang aking sinaksihan.

1. MGA SAKIT SA KATAWAN

~Bentang-benta talaga ang topic na ito sa tuwing sila’y nagkikita. Ang isa, may diabetes na raw. Yung isa, may sakit ang tuhod. Somehow, pag nakaupo ka roon ng isang oras, marami kang malalamang kung ano-anong sakit na ngayon mo lang nalaman na meron pala at kung ano ang nagdulot nito, pano ito maaagapan, anong gamot ang dapat iniinom, at kung matagal ka pa bang mabubuhay.

2. PARANOIA

~ Pag-uusapan nila ang kung ano-anong shit na nakakaparanoid sa panahon ngayon. Ewan ko lang, pero ang mga nurse, parang PARANOID talaga parati. Ang weird e. Yung isa, nag-SOLILOQUY tungkol sa LUNG CANCER at kinwento yung isang kasong alam niya na hindi naman daw smoker yung pasyente, pero nagkalung cancer pa rin at natuklasan na dulot ito ng mga kung ano-anong pabango at shit na kanyang ginagamit sa bahay. Isa pang PARANOIA talk na naganap ang sa mga instant noodles na talaga namang totoong delikado pag madalas na kinakain.

3. OLD SCHOOL

~Paguusapan nila ang nakaraan. Yung mga boss nila noon. At kung paanong nakakapagod ang buhay noong nurse pa sila, pero fulfilling naman. Ikukumpara nila ang buhay noon at ngayon at kung ano anong kadramahan ang magaganap pagkatapos nito.

4. PARENTING

~Tatalakayin ang kung ano-aong drama ng kanilang pamilya, specifically, kung paano ihandle ang kanilang mga anak. Dahil ang mga nurse na ito ay panahon pa ni Marcos nagsimulang magtrabaho, karaniwang TEENAGERS na ang kanilang mga anak ngayon at patok na patok ang paksang ito sa kanila. Mag pagkakataong magpapakita pa sila ng pictures ng kanilang mga anak para ipatunay na maganda ang mga ito at biglang magsisimula na ang pagrereto. Sa mga ganitong sitwasyon nagsisimula ang fixed marriages e.

 

Sa naalala ko, ito ang karaniwang usapan. Hindi ko na maalala ang iba dahil may mga pagkakataong hindi na lang ako nakikinig. Nakakabagot kasi talaga. BISAYA pa yung mga nurses na to. Eh pag nag-uusap kasi mga bisaya, NAGSISIGAWAN. Sobra. Kaya kumain na lang ako nang marami, tapos, dahil may kasama akong nurse, may warning na,

 

“O wag ka kumain ng marami baka magkadiabetes ka at high blood. Bata ka pa. bla bla bla bla”

God.

Posted by chucks at 5:26 pm | permalink | Add comment

We’re just friends, what are you saying?

March 28, 2010

Dalawang exams na lang. Dalawang exams na lang. Dalawang exams na exam na lang.

Kumbaga, 2 meters away na lang sa finish line. 

Dalawang exam na lang.

Posted by chucks at 5:32 pm | permalink | Add comment

A chance that you might love me too

March 26, 2010

Afraid and shy, I’d let my chance go by.

Posted by chucks at 12:30 am | permalink | Add comment

Starbucks NO-NOs

March 24, 2010

1. Kung magpipicture ka sa STARBUCKS, huwag mo sanang gawing headshot mo sa Facebook/Friendster/Myspace/Multiply. Hindi yun cool.

2. Kung magyoyosi ka sa STARBUCKS, huwag mo naman sanang itaas ang iyong paa sa iyong upuan. Konting BREEDING naman. Nasa labas ka pa rin.

3. Kung nag-uusap kayo ng barkada mo sa STARBUCKS, huwag naman sana malakas at kung malakas man, sana, hindi puro, “DEYR LIKE SO EWW SKWATIR.” Napaghahalatang social climber kayo ng KA-BERKS mo at nag-COCONYO-CONYOHAN lang kayo sa presence ng mga taong totoong CONYO.

4. Okay lang magdate sa STARBUCKS, huwag lang sana kayong OA kung mag-PDA. No tongue action please.

5. Kung makikipagbreak ka sa STARBUCKS, sana walang EKSENANG maganap. May mga nag-aaral.

6. Huwag mong buksan ang iyong XXX folder ng iyong laptop sa STARBUCKS.

7. Kung kasama mo ang boyfriend mo sa STARBUCKS, please, wag ka nang magpalibre sa kanya. Mahal kape dito e.

8. Kung meron kang PLANNER ng STARBUCKS, huwag mo nang ipagmalaki. Oo, nakakainggit ka. Sobra.

9. Wala ka sa bahay at oo masarap nga mag-aral sa STARBUCKS, pero wag ka namang BURARA. Ang sakit sa mata e. Oo na MED STUDENT ka. Wag mo naman idisplay LAHAT ng libro mo. BS RECESS lang kami sige!

10. In relation to number 1, kung magpipicture ka sa STARBUCKS, at pasadya mong isinama ang logo ng STARBUCKS, please, pakidelete.

Posted by chucks at 9:03 pm | permalink | comments[2]

PA-KIT

March 9, 2010

Andrew E., sa aking palagay, maituturin kang parang isang bayani dahil ikaw ang nagtaguyod ng eksenang HIPHOP sa Pilipinas. Kung hindi dahil sa yo, walang mga NAKA-HIFHAF look sa mga mall at hindi rin siguro mauuso yung emo para kumontra sa mga HIFHAF na yan.

Kung ikaw si Macbeth, o kung sino mang tauhan sa mga likha ni Shakespeare, o ng kung anong likhang panitikan, ikaw ay may isang malaking TRAGIC FLAW na magdadala sa iyo tungo sa iyong katapusan. Sana, gumawa ka na lang ng HIPHOP VERSION ng Bahay Kubo. O kaya ng Lupang Hinirang. O kaya nagrap ka na lang tungkol sa mga mahihirap, yung mga naligo na sa dagat ng basura, o nagpasko sa gitna ng kalsada.

“Humanap ka ng Pangit”. Sana hindi mo na lang sinulat ang kantang ito. Madadala ba ng konsensiya mo ang itsura ng mga couples ng ating henerasyon at ng mga susunod pa?

 

 

Figure 1. Typical PA-KIT Couple.

Ang kantang ito ang naging mitsa ng isang pagsibol ng isang uri ng COUPLES na sobrang laganap na sa buong Pilipinas, ang mga couple na kung tawagin ay PA-KIT. PA-ngit na may kasamang mari-KIT.

PA-KIT.

Heto ang isang letter sender:

Dear Chucks,

Bakit dumarami na ang mga PA-KIT na couples? Ayaw na ba ng mga babae sa pogi? Pogi naman sana ako, pero bakit ganun. Lahat ng ligawan ko, napupunta lang sa pangit. Hay.

Isang concerned pogi,

Mark

 
Figure 2. Celebrity PA-KIT Couple

 

Hindi naman natin masisi si Andrew E. Siya’y isang pogi rin. At marahil, may dahilan siya kung bakit niya nagawa ang kantang yon. 

 

Hindi rin natin masasabi na ang mga babaeng ito, ang mga babaeng maganda ay nagse-settle na lamang para sa mga lalakeng ito. Ang mga lalakeng ito, ang mga lalakeng hindi naman kagwapuhan, ang mga lalakeng hindi siguro descendant ni Adan, ay may kakaibang appeal na tanging magagandang babae lamang ang nakakakita o nakakaranas.

Mapait tanggapin ang katotohanang nauubos na ang populasyon ng mga magagandang babae sa populasyon ng mga taeng lalake. Kung titignan, ano ba ang pinagkaiba ng mga pogi sa pangit maliban sa gwapo yung mga pogi, at yung mga pangit ay hindi?

Ang pinakamasakit ay ang hampas sa mukha ng katotohanan pagdating sa anu mang bagay, ngunit pinakamasakit marahil ang tanggapin na OO, GUSTO NG MGA BABAE ANG MGA PANGET NA LALAKE AT SILA’Y NAGKAKATULUYAN KUNG KAYA’T NAIIWANG LUHAAN ANG MGA POGING LALAKE SA SULOK NA PARANG NAMATAYAN NG ALAGANG TUTA.

Magiging walang katuturan ang sinulat kong ito kung tatanggapin lang natin ang katotohanang ito. Isinulat natin ito dahil nais nating isamulat sa taong bayan na hindi makatarungan ang kasalukuyang nagaganap. Hindi pa nga eleksyon, may DAYAAN NANG NAGAGANAP. Patunay ang nagaganap na ito na hindi madaling abutin ang mga tala, ang mga CHICKS na ALL STAR, at tulad ng mga WAR MOVIES, ang bawat paghabol sa magandang babae ay isang PAKIKIPAGDIGMA for HONOR, for GLORY, and for FREEDOM. Tulad ng 300 Spartans, konti lang tayong mga pogi, at ating mga kalaban ay ang mga PANGIT na PERSIANS! Ang dami nila, pero pota, uubusin natin sila sa HOT GATES gamit ang ating nakagigimbal na KAKISIGAN, ang ating nakakalusaw na KILLER SMILE, ang halimuyak ng ating BREATH at ang matigas nating MASELS. 

Hindi tayo nagiging mean sa mga pangit. Bigyan natin sila, oo, madiskarte nga siguro kayo. Sige, maybe you’re funny. Maybe you’re sweet. Maybe, may-ari ka ng mall sa probinsya niyo. Pero. Ang lahat ng babae ay nangangarap maging nanay. At sa oras, na maimagine nila ang magiging itsura ng panganay nila sa inyo, na magmumukha siyang alagang ibinibenta sa isang exotic pet store, sino ang magluluksa at sino ang magwawagi? Darating din ang araw niyo, malapit na ang amin, kaming mga POGI.

Posted by chucks at 7:18 pm | permalink | Add comment

     

February 2012
M T W T F S S
« Dec    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Message Board

sohbet odaları:

thanks you http://www.sohbetsi.net http://www.sohbetse.net http://www.kizlarkulubu.net http://www.chatiz.net http://www.lider100.net http://www.kalpsesi.com http://www.kalpsesi.net
http://www.kizlar.gen.tr http://www.liselikizlar.gen.tr http://www.hayalin.com http://www.chatsitelerim.com http://www.chatsayfalari.gen.tr http://www.mircsitesi.gen.tr http://www.mircindirr.net http://www.lezchat.tk

Yeast Infection Treatment:

This is a wonderful blog where we are getting more information. Keep posting on this blog and sharing such valuable information with us.

united gold direct:

http://quazen.com/shopping/donaire-vs-narvaez-ticket-sale/
http://sportales.com/boxing/pacquiao-vs-marquez-three-a-doubtful-fight/
http://trifter.com/usa-canada/nevada/marquez-concerns-with-the-catch-weight/
http://bizcovering.com/investing/united-gold-direct-is-an-option/
http://bizcovering.com/investing/united-gold-direct/
http://quazen.com/shopping/2nd-legged-of-pacquiao-vs-marquez-three-promo-tour/

tablet android honeycomb terbaik murah:

I currently use 3D Cart for my shopping cart and Order Motion for my order manager. They don’t seem to work well together even though they are suppose to.

tinnitus treatment:

thanks You sure do know what your’e talking about. Man, this blog is just great! I cant wait to read more of what youv’e got to say. Im really happy that I came across this when I did because I was really starting

2013 Mercedes Benz C Class Diesel:

blog walking

ShapesandPounds Review:

A great read. Ill definitely be back.

diskon gila disdus.com:

http://domphy.blogdetik.com/2010/12/18/diskon-gila-disduscom/
http://alfanbutway.blogspot.com/2010/12/diskon-gila-disduscom.html

hybrids cars:

i love you… so much.

jobs philippines:

newest jobs available online :)

Watch UFC 125 live stream:

Great blog here! I am very pleased in your writing! Very amazing.

UFC 125 live stream:

Hello, I was wow in this post! It is very informative. Thanks for this!

Margarito vs Pacquiao:

Big Event this coming November 13, 2010 Watch the fight between Manny Pacquiao vs Antonio Margarito live stream http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

Pinoy Online Tv:

Visit also your pinoy online tv provider, www.phnoy.com

Philippines:

thanks!

Pacquiao vs Margarito:

http://pacquiao-vs-margarito-update.blogspot.com/

Philwebservices:

keep on posting

melody:

nice site! keep on posting! :)

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

please come on my blog boss…. thanks

Yeast Infection:

this one a good blog boss.. please come. thanks

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX