Home » Archives » 19. August 2010
Relationship Cons Book
August 19, 2010Every time naghihintay kami sa mall ni Anna, tumitingin lang kami ng mga libro sa Fully Booked. Kasi ganun kaming couple, mahilig magtalaktakan tungkol sa kung ano anong mga bagay at usually, opener ang mga libro o ang mga title nito. Also, pag nasa Fully Booked, pwede magdeposit ng bag so wala kaming bitbit na mabibigat. Kami ay huwarang mamimili ng SM.
Mapapansin sa Fully Booked na merong section na naglalaman ng mga RELATIONSHIP books. Karamihan ng mga tinatalakay nito ay mga bagay na dapat mong tandaan upang 1) makapasok sa isang relationship, 2) magmove on from a relationship, 3) save a relationship and 4) things to do to spice up your relationship. Hindi sila nauubusan ng mga ganitong klase ng libro at aaminin ko, nakakatawang basahin ang ilan sa mga bagay na nakasulat dito, lalo na yung mga nasa number 4.
Pero, wala pang book na tumatalakay ukol sa mga bagay na HASSLE sa isang relationship. Karamihan ng libro, nilalarawan kung bakit MASAYA at FULFILLING mapunta sa isang relationship.
Hindi ito fair. Sa bawat desisyon na dapat ginagawa ng isang tao, at least, dapat may ideya siya tungkol sa bawat panig ng hakbang niyang balak gawin, para naman, matimbang niya nang maigi ang kanyang magiging desisyon.
Dapat magkaroon ng, “MGA HASSLE SA RELATIONSHIP KO” book.
For example, gagamit ako ng something hassle about me.
~~~ HASSLE ANG RELATIONSHIP KO CHAPTER 1: PURO NA LANG ______ (Insert work stories here)
Hassle talaga kapag wala nang ibang dinada ang boyfriend ko, kundi puro engg stuff.
Sa tanghalian, kinikwento niya ang kung ano anong bakal at bakit to nababaluktot kapag hinihila ko iniipit. Tapos, magPhophotoBooth na nga lang kami sa laptop niya, nakaminimize pa yung kung pagkahaba-habang codes ng program na ginagawa niya. Kapag nagdadate kami, either tuliro at halatang iniisip yung problem na hindi niya nasolve sa quiz sa klase niya, or katext yung mga groupmate niya at nagpaplano ng mga meetings nilang hindi na naubos-ubos. Minsan na nga lang siya maging sweet, ang ihihiirit pa, “Napapa-accelerate talaga ng ngiti mo ang tibok ng puso ko.”
Araw-araw na lang ganyan. Ni hindi niya na ako tinatanong kung kamusta na ba ako. Kung kamusta ako sa klase ko. Kung ano ba ang gusto ko kainin namin. Wala. Lahat, sa kanya lang umiikot at sa mga pinagkakaabalahan niya.
HASSLE.
~~~~
Siyempre pwede ring manggaling to sa point of view ng lalake. Pero siguro one liner lang kasi hindi madada ang mga lalaki.
~~~~ (BOY) HASSLE ANG RELATIONSHIP KO CHAPTER 45: NAKALIMUTAN KO MONTHSARY NAMIN AT ADIK SIYA ABOUT THIS
Patay.
HASSLE.
~~~~


