Home » Archives » 09. April 2010
Nurse Talk
April 9, 2010Ang nanay ko ay isang nurse at minsan isang taon, nagkikita sila ng kanyang mga kaibigang nurses din, na mga katrabaho niya ngayon upang makipagkwentuhan, tawanan, at kung ano-ano pang shit na maaaring ginagawa ng mga taong matagal nang magkaibigan.
Limitado ang ganitong pagkikita sa isang simpleng dinner, pagkakape at pagtambay sa isang lugar na karaniwang bahay ng isang tao o di kaya’y sa lobby ng isang hotel basta kung saan sila maaring magkwentuhan nang walang pakialam sa mundo. Parati akong isinasama ng nanay ko sa mga ganitong okasyon. Iniisip ko na lang na proud siya sa akin at kailangan kong damayan ang tatay kong kasama rin dahil na-OOP siya parati.
Sa paglipas ng taon, aking napansin na may mga paulit-ulit na pakay na tinatalakay ang grupong ito sa tuwing sila’y nagkikita. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking naging karanasan kagabi sa kung ano-anong shit na aking narinig at sana, mahalata niyo kung gaano ako nabagot sa talakayang aking sinaksihan.
1. MGA SAKIT SA KATAWAN
~Bentang-benta talaga ang topic na ito sa tuwing sila’y nagkikita. Ang isa, may diabetes na raw. Yung isa, may sakit ang tuhod. Somehow, pag nakaupo ka roon ng isang oras, marami kang malalamang kung ano-anong sakit na ngayon mo lang nalaman na meron pala at kung ano ang nagdulot nito, pano ito maaagapan, anong gamot ang dapat iniinom, at kung matagal ka pa bang mabubuhay.
2. PARANOIA
~ Pag-uusapan nila ang kung ano-anong shit na nakakaparanoid sa panahon ngayon. Ewan ko lang, pero ang mga nurse, parang PARANOID talaga parati. Ang weird e. Yung isa, nag-SOLILOQUY tungkol sa LUNG CANCER at kinwento yung isang kasong alam niya na hindi naman daw smoker yung pasyente, pero nagkalung cancer pa rin at natuklasan na dulot ito ng mga kung ano-anong pabango at shit na kanyang ginagamit sa bahay. Isa pang PARANOIA talk na naganap ang sa mga instant noodles na talaga namang totoong delikado pag madalas na kinakain.
3. OLD SCHOOL
~Paguusapan nila ang nakaraan. Yung mga boss nila noon. At kung paanong nakakapagod ang buhay noong nurse pa sila, pero fulfilling naman. Ikukumpara nila ang buhay noon at ngayon at kung ano anong kadramahan ang magaganap pagkatapos nito.
4. PARENTING
~Tatalakayin ang kung ano-aong drama ng kanilang pamilya, specifically, kung paano ihandle ang kanilang mga anak. Dahil ang mga nurse na ito ay panahon pa ni Marcos nagsimulang magtrabaho, karaniwang TEENAGERS na ang kanilang mga anak ngayon at patok na patok ang paksang ito sa kanila. Mag pagkakataong magpapakita pa sila ng pictures ng kanilang mga anak para ipatunay na maganda ang mga ito at biglang magsisimula na ang pagrereto. Sa mga ganitong sitwasyon nagsisimula ang fixed marriages e.
Sa naalala ko, ito ang karaniwang usapan. Hindi ko na maalala ang iba dahil may mga pagkakataong hindi na lang ako nakikinig. Nakakabagot kasi talaga. BISAYA pa yung mga nurses na to. Eh pag nag-uusap kasi mga bisaya, NAGSISIGAWAN. Sobra. Kaya kumain na lang ako nang marami, tapos, dahil may kasama akong nurse, may warning na,
“O wag ka kumain ng marami baka magkadiabetes ka at high blood. Bata ka pa. bla bla bla bla”
God.


