Starbucks NO-NOs
March 24, 20101. Kung magpipicture ka sa STARBUCKS, huwag mo sanang gawing headshot mo sa Facebook/Friendster/Myspace/Multiply. Hindi yun cool.
2. Kung magyoyosi ka sa STARBUCKS, huwag mo naman sanang itaas ang iyong paa sa iyong upuan. Konting BREEDING naman. Nasa labas ka pa rin.
3. Kung nag-uusap kayo ng barkada mo sa STARBUCKS, huwag naman sana malakas at kung malakas man, sana, hindi puro, “DEYR LIKE SO EWW SKWATIR.” Napaghahalatang social climber kayo ng KA-BERKS mo at nag-COCONYO-CONYOHAN lang kayo sa presence ng mga taong totoong CONYO.
4. Okay lang magdate sa STARBUCKS, huwag lang sana kayong OA kung mag-PDA. No tongue action please.
5. Kung makikipagbreak ka sa STARBUCKS, sana walang EKSENANG maganap. May mga nag-aaral.
6. Huwag mong buksan ang iyong XXX folder ng iyong laptop sa STARBUCKS.
7. Kung kasama mo ang boyfriend mo sa STARBUCKS, please, wag ka nang magpalibre sa kanya. Mahal kape dito e.
8. Kung meron kang PLANNER ng STARBUCKS, huwag mo nang ipagmalaki. Oo, nakakainggit ka. Sobra.
9. Wala ka sa bahay at oo masarap nga mag-aral sa STARBUCKS, pero wag ka namang BURARA. Ang sakit sa mata e. Oo na MED STUDENT ka. Wag mo naman idisplay LAHAT ng libro mo. BS RECESS lang kami sige!
10. In relation to number 1, kung magpipicture ka sa STARBUCKS, at pasadya mong isinama ang logo ng STARBUCKS, please, pakidelete.


