Pasaload Dilimma
February 7, 2010Sa isang committed relationship, parte ang paguusap dahil isang mahalagang elemento ng kahit anong relationship ang matibay, matatag, at di natitibag na communication sa pagitan ng dalawang nag-iibigan. Sa pag-uusap na ito nagaganap ang ilang mahahahalagang bagay na dapat nagaganap sa isang relationship tulad ng pagpapalitan ng ideya, pagkwekwentuhan ng kung ano-anong karanasan, pagsasambit ng nararamdaman (naks) at kung ano ano pang nagtutulak para maging attracted o di kaya’y mas komportable sa isa’t isa.
Maraming mediums ang pagmamaintain ng sistema ng communication na ito.
Nung unang panahon, nariyan ang YELLOW PADS na kung madrama kayong couple ay may mga patak pa ng luha ang bawat pahina ng inyong liham sa isa’t isa. Kung pang sari-sari store naman kayo, may LANDLINE, 5 pesos kada 3 minutes. Kung gusto niyo yung nakikita ang isa’t isa, pwede rin namang yung SKYPE na pinaghalong chat, VoIP, at may webcam pa!
Pero ang pinakaconvenient na siguro ay ang PAGTETEXT, lalong lalo na dahil sa mga naglipanang iba’t ibang IMMORTAL, UNLIMITED or SULIT services na prinoprovide ng mga networks. Pero gaya ng kahit anong bagay, hindi ito nagtatagal kung kaya’t mauubos ito.
Pano kung gabi na? Tas hindi ka na makakapunta ng tindahan? Wala kang nakareserbang call card sa wallet mo? Tapos sobrang importante ng pinag-uusapan niyo ng jowa mo? Hindi ka na makareply!
Well. Dito na pumapasok ang dilemma ng kung magpapapasaload ka ba o hindi sa iyong labidabs, at kung ikaw na man yung magpapasa, magkano ang dapat mong ipasa?
MAGPAPAPASA KA BA?
-Maari. Oo, dyahe sa jowa. Kaya sana, huwag mong dinadalalasan ang pagpapapasa dahil magmumukhang ginagamit mo na ang girlfriend mong ATM ng load. At kapag pinasahan ka na niya, sana bilisan mo rin magreply kasi kawawa naman siya, pinasahan ka na nga, natulog ka naman so parang wala ring kwenta ang pinasa niya sa yo. Kapag siya naman yung naubusan, dapat bongga ka magload para naman maging GALANTE ang tingin niya sa yo at sa ganitong paraan, hindi halatang bumabawi ka lang sa mga panahong siya yung nagpasaload sa yo.
MAGKANO ANG IPAPASA MO?
-Tricky ang part na ito dahil kahit mahal ka ng taong papasahan mo ng load, tao siya, at ang tao, may tendency na maging judgemental. “Tangina, ang kuripot ng taong to magpasa ah.” Ikaw na nga ang tumulong, ikaw pa tong naagrabyado. Kapag ganito ang jowang pinapasahan mo, iwan mo na siya at maginvest ka na lang sa bagong textmate.
-SCENARIO 1: Nagtext ang boypren mo ng groupmate niya na ibang network kaya nadisable bigla ang kanyang UNLIMITED texting service. Sa ganitong okasyon, acceptable ang magpasa ng 2 to 5 pesos dahil yun lang naman ang kailangan niya.
-SCENARIO 2: Nag-expire na ang unlimited load niya, pero may 10 pesos pa siyang load. Acceptable magpasa ng 10 pesos dahil 15 naman ang SULITXT15 ng globe. See. May pasobra ka pang 5 pesos. Tawag jan pagmamahal.
-SCENARIO 3: ZERO balance talaga si jowa. Ewan mo kung engot lang ba talaga siya o naghihirap na, kaya talagang mapipilitan kang pasahan siya ng load. Sa ganitong mga scenario ka maaaring majudge. May dalawang paraan para i-approach ang scenariong ito. Una, pasahan siya ng sapat lamang, tipong 20 pesos. Yung isa, gamitin ang equation na to.
IPAPASA = ((0.5)(LOAD MO))(0.5)
So bale. Imumultiply mo by 0.5 yung load mo twice. Ang gulo shit. Para isang multiplication lang, multiply mo na lang ng 0.25. Ganun din pala yun. Hahaha. Sa ganitong sistema, hindi ka majujudge ng jowa mo at magmumukha ka pang galante.
~~~ Sa isang committed relationship, hindi maiiwasan ang mga ganitong eksenang dulot ng kaengotan ng jowa mo o kakulangan ng panahon para gawin ang mga certain na bagay para masigurong swabe ang takbo ng buhay niyo. Pero, maliit na bagay lamang ito na dapat mong matutunang matanggap dahil ang pag-ibig ay isang network na may dalawang subscribers na puso ang sim cards.
Add a comment


