Home » Archives » 05. February 2010

Buhay Crammer

February 5, 2010

Sa bawat exam, hindi naman laging nasusunod ang ideyal na mag-aaral ka ng isang linggo bago ang nasabing exam. Dahil marami kang bagay na ginagawa bago ang araw ng test na yun. Nagaaral ka para sa ibang subject. Nanood ka ng usong sine. Nag-outing kayo ng pamilya mo sa isang malayong lugar. Nagdate kayo ng jowa mo. Nanood ka ng concert. Nangopya ka ng notes ng kaklase mo kasi madalas ka magcut.

Face it. Masyadong masaya ang buhay para ibuhos ang lahat ng panahon sa pag aaral. Kung kaya’t sa panahon ng exam, ayaw mo man aminin, mapapacram at mapapacram ka lang.

Mga bagay na di dapat ginagawa ng isang taong magcracram:

1.) Ang taong nagcracram ay wala nang panahon gumawa ng ibang bagay.

- Huwag ka ng manood ng tv o maglakwatsa o tumae. Ang taong magcracram ay nasa ilalim ng sobra-sobra psychological stress na dulot ng libo-libong formulas at constants na kailangang isaulo. Oo, ending na ng Santino show kanina pero dahil kailangan mo magpractice ng ES problems, maiintindihan ni BRO kung bakit hindi tumaas ang rating niya dahil sa hindi mo pagnood ng season finale Niya.

2.) Hindi humihiga ang taong nagcracram.

- Hindi ka maaaring humiga sa kahit anong malambot (i.e. unan, sofa, kama, floor na may kutson, floor na may carpet, tiyan ni majin boo, boobs ng BEBE mo) or anything comfortable. Una, ang paghiga ay magdudulot ng pagkawala ng mga bagay na maaaring naalala mo na dahil napupunta sila sa black hole of comfortness. Pangalawa, kahit sabihin mong 15 minutes ka lang hihiga, hindi nalalayo ang possibility na ikaw ay mageextend ng another 15 minutes at isa pa ulit 15 minutes hangga’t ikaw ay makatulog na.

3.) Hindi kumakain ang taong nagcracram.

- Kapag kumain ka ng pagkaing nakakabusog habang nagcracra, ikaw ay makakatulog. Napupunta ang karamihan ng oxygen mo sa digestive system dahil kailangan ito upang tunawin ang kinain mo. Nababawasan ang oxygen sa utak at sooner or later, aantukin ka na. Ilimit ang CRAMMING DIET sa mga bagay na maalat at hindi mabigat sa tiyan tulad ng chips o kaya MANI.

4.) Bawal mag-Facebook.

-Self-explanatory.

Mga bagay na makakatulong sa epektibo at garantisadong swabeng pagcracram

1.) Uminom ng power drinks!

- Maghanda ng Coke, kape, o kaya Extra Joss kung extreme ka. Mainam na uminom ng coke lalong lalo na kung nasosobrahan ka na sa kape na nakapagdudulot ng dehydration at palpitations. Buti pa ang coke, diabetes lang.

2.) Magpakabulag sa sandamakmak na ilaw.

- Siguraduhing maraming ilaw sa iyong mesa. Lampshade. Ilaw sa kisama. Isa pang lampshade. Makakatulong ito para madali mong mabasa ang mga bagay na dapat masaulo at pangalawa, mahirap makatulog pag nakakasilaw ang paligid.

3.) Huwag tumingin sa orasan.

- Hindi ka dapat aware na habang abala ka sa pagcracram ay lumalalim na ang gabi. Lumalakas ang temptasyong matulog kapag updated sa oras. Pagdating sa cramming, mas mainam tratuhin itong, “Time flies when cramming.” .

4.) Magbuffer ng kahit anong movie.

- Kapag nagcracram ka, mainam na may hinihintay kang bagay to help keep you awake. Idownload mo yung Karate Kid dahil panalo ang movie na yun at sa buhay, nakatutuwa kung meron kang Mr. Miyagi figure na nagtuturo sa yo ng kung ano anong shit. Okay rin magbuffer ng PORN dahil kung di mo kayang magstay up, at least, mananatiling nakatayo si JUNIOR.

 

Posted by chucks at 10:57 pm | permalink | Add comment

     

February 2010
M T W T F S S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX