I start the year blogging about acads
January 24, 2010Ang weekend na to ay madrama academically. Marami akong dapat aaralin pero dala ng signal number 4 na katamaran, 3 out of 8 na mga dapat kong gawin lamang ang na-accomplish ko. At ang mga bagay na ito, hindi ko pa kailangan in the near future, dahil ang mga ito ay due pa next weekend.
Hindi ako nagaral ng mga para sa dalawa kong exam bukas at sa wednesday.
Hindi ko ginawa ang problem set na isusubmit ko sa friday.
Hindi ako nagnotes ng Physics na hindi ko pa rin magets hanggang ngayon.
Ayoko nang mabuhay nang ayon sa batas ng cramming dahil epektibo man ito, parating kapit sa patalim lang ang nakukuha ko. Gusto ko naman makatikim ng markang swabe at walang kahahassle-hassle na magagawa ko lamang kapag hindi pagcracram ang inaatupag ko.
Hindi ko alam kung anong petsa na ngayon, pero, hindi pa naman huli dahil January pa rin naman at uso pa rin kahit papaano ang mga New Year’s resolution kahit magbebente anyos na ko sa Marso.
Magbabago na ako.


