Epal
December 3, 2009Nung grade school ko unang narinig yung salitang to. Nung grade four. Kasi, pagtungtong mo ng grade 4 up, cool na yung dating kapag nagsasabi ka ng mga ganitong bad words. Nung grade 3 below pa kasi, sasabihin sa yo na bad ka at ididisown ka ng classmates mo. Hindi ka na aayain magpabonggahan ng baon or hindi ka na isasali sa PE tas mapupunta ka sa dulo ng pila kahit maliit ka at by height ang arrangement.
Masakit pag nasasabihan ka na epal ka. Pero nakakainis din yung tipong naeepalan ka sa isa mong kaklase pero walang kang magawa about it. Pwede mo siyang tawaging EPAL every time may gagawin siyang nakakainis pero anong magagawa mo? Buong schoolyear mo siya kasama e. At possible pa na maging magkaklase kayo ulit.
Kailangan mo lang talagang matutong tanggapin na may mga taong epal. At magiging part sila ng buhay mo.
Add a comment


