Home » Archives » December 2009

Merry Christmas

December 25, 2009

Merry Christmas! Nawa’y naubos ang laman ng wallet mo, kakabili ng regalo para sa mga taong mahalaga sa yo, kahit wala kang natanggap. Ganyan talaga. Next time, magkalat ka na ng wishlist mo, November pa lang! Apir!

Posted by chucks at 12:55 am | permalink | Add comment

Pasko

December 18, 2009

Sa pasko, hindi nawawala ang mga regalo. Isa siguro to sa mga dahilan kung bakit popular ang pasko, dahil ito lang ang okasyon, liban sa kaarawan mo, kung saan ka makatatanggap ng regalo, for free, even if you were naughty or nice. 

Today, tatlong bagay ang natutunan ko.

Una, masarap ang pakiramdam ng magbigay ng regalo. Masaya makita ang ngiti sa mukha ng taong bibigyan mo ng regalong pinag-isipan mo at inaasahan mong magugustuhan niya, or at least, gamitin man lang in the future. Walang katumbas ang ngiting yun.

Pangalawa, bano ako magbigay ng regalo. Random. Pero sana gamitin mo pa rin si Darth Vader.

Pangatlo, 

Posted by chucks at 10:32 pm | permalink | Add comment

Maarte ako e

December 6, 2009

Maarte ako pagdating sa pagkain. Lalo na kapag yung pagkain dito sa bahay. Somehow I expect to see something good on our dining table. Siyempre it wouldn’t be what you usually get in restaurants di ba, pero gets mo yun. Sana masarap na lutong bahay man lang na usually prepared by my mother. 

Yung yaya yung nagluto today e. So. Blah.

I remembered my foster mother back in that place dun sa tabi ng riles ng tren. Umaalog yung bahay nila whenever the train passes. Pero. Masarap yung niluluto niya parati. Sana siya na lang yung nagluluto dito. 

I remembered promising her that I would visit. Tatlong taon na di ko pa sila nabibisita ulit. Fail. 

Posted by chucks at 1:35 pm | permalink | Add comment

Epal

December 3, 2009

Nung grade school ko unang narinig yung salitang to. Nung grade four. Kasi, pagtungtong mo ng grade 4 up, cool na yung dating kapag nagsasabi ka ng mga ganitong bad words. Nung grade 3 below pa kasi, sasabihin sa yo na bad ka at ididisown ka ng classmates mo. Hindi ka na aayain magpabonggahan ng baon or hindi ka na isasali sa PE tas mapupunta ka sa dulo ng pila kahit maliit ka at by height ang arrangement.

Masakit pag nasasabihan ka na epal ka. Pero nakakainis din yung tipong naeepalan ka sa isa mong kaklase pero walang kang magawa about it. Pwede mo siyang tawaging EPAL every time may gagawin siyang nakakainis pero anong magagawa mo? Buong schoolyear mo siya kasama e. At possible pa na maging magkaklase kayo ulit. 

Kailangan mo lang talagang matutong tanggapin na may mga taong epal. At magiging part sila ng buhay mo.

Posted by chucks at 11:46 pm | permalink | Add comment

     

December 2009
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX