Bat ako pumayat
November 29, 2009Maraming nagtatanong kung bakit ako pumayat. Kung makikita mo kasi ako, mataba ako noon, tas, pumayat ako ng todo. Dati 32 waistline ko, tas ngayon 28 na. so ito ginagawa ko.
One meal per day lang.
~~~ Sa umaga kasi, hindi ako nagbrebreakfast. KAPE lang. Ang unang meal ko, sa hapon pa. Around 5 dahil tuloy tuloy ang klase ko sa school. In between classes, pag maswerte, makakabili ako ng tubig or Pepsi/Coke at kwek-kwek or pansit canton or fishballs.
Kape
~~~ Maraming beses ako magkape. Isa sa umaga. Isa sa gabi para pag nag-aaral ako. Yung “isa” na yan, dalawang tasa ng kape. So sa isang araw, kahit twice lang ako magkape, apat na tasa pa rin yun. Imagine my palpitations.
Puyat
~~~ I sleep at 3. Basta yung tulog ko sa gabi, minimum ang 3 hours, max ang 5, maswerte pag nag 6 up. Ganito ako sa Engg because I’m a chronic crammer.
Yosi
~~~ Ito rin talaga e. Tumigil na ko though dahil sa ubo and shit. Pero, during the process of my inexplicable weight loss, there was yosi.
Walking
~~~ Naglalakad ako. Cardio yun. At yung nilalakad ko pa, malalayo. Yeah, typical walking distance siya for a UP student but if you’re from UP, you’d understand how much distance I cover in a day by walking from Melchor, to AS, then Math, back to AS again, then to Melchor. Also, 3rd floor up ang classes ko.
So yeah. If you plan on having a 28 as your waistline, try to adapt my lifestyle. Thank you.
EIGHTEEN K
November 25, 2009Alam mo yung mga kotseng may nagbo-BOOM na speakers? Nakakairita sila di ba?
PERO POTA. GUSTO KO NG GANUN. SO PLEASE. HELP ME RAISE EIGHTEEN THOUSAND PESOS.
Negging
November 24, 2009Okay mag-neg kasi lumalabas sa chicks na hindi ka masyadong giveaway. Minsan lang, sumasablay.
Girl: Am I pretty?
Boy: I’ll give you a chance to fix yourself.
Girl: Ang sama mo! *walkaway*
Boys and girls, remember, negging is cute, in moderation.
Si Tito Jun part 2
November 22, 2009Nagblog na ako dati about tito jun noon. nung one time na nagmcdo ako tas di ko siya binigyan. nandito lang yun sa blog ko somewhere di ko na maalala which month though. If you’re curious, look for it.
So bumili ako ng sardines sa Pan de Manila. May binibenta sila dun e. Yung nasa garapon. Siguro pang pandesal lang yun kasi maliliit yung sardinas sa loob, pero, dahil hardcore ako at may sakit, naisip kong gawing comfort food ang sardinas at inulam ko siya. Kung ang ibang tao, namomroblema sa kung ano anong shit, tulad ng grades nila or ng love life nila, ako, pinopoblema ko ang sakit ko sa lungs ko ngayon, kaya, bumili ako ng pagkaing magpapasaya sa akin.
Bumili rin pala ako ng Pepsi kasi, ganun akong tao, mahilig sa softdrinks.
Pagdating kong bahay, pinatong ko sa mesa akong binili kong sardines at softdrinks. Naghanap muna ako ng chili flakes na ilalagay ko sa sardines para umanghang ito tapos, ilalagay ko sa microwave para uminit.
Pumasok si Tito Jun ng bahay, walang shirt, pawisan dahil naglinis ata siya ng mga oto, at bigla siyang lumapit sa pagkain ko. Malamang, gutom siya, at nagka-interes sa sardinas ko. Bumulaga sa akin ang tiyan niyang tila may lamang 12 months old na sanggol.
Nag-offer siyang kumain kami, so siyempre, makikihati na siya sa sardines ko.
Madamot akong bata. Pag kumakain ako tas biglang lalapit ang mga kapatid kong bata para humingi, magagalit ako, at pag humihingi pa rin sila, mapipiss off ako at ibibigay ito sa kanila nang padabog. Minsan, nakokonsensiya sila at hindi na lang hihingi so matutuwa naman ako, pero kung makapal talaga sila at gutom, kakainin sabay tenk yu.
Nainis ako na makikihati sa akin si Tito Jun. Kaya wala akong magawa.
Nung binubuksan ko na yung garapon ng sardinas, hindi ko mabuksan. Tangina. Bat ba kasi ako pumayat. Ang dami ko nang di mabuksan ngayon. Kahit yung Coke bottle di na rin.
Nakakainis man aminin, si Tito Jun ang nagbukas ng garapon. Ang taong ayaw kong bigyan ng sardinas ko, siya pa ang nagbukas ng sardinas ko. Si Tito Jun.
Minsan, ang mga taong kinaiinisan mo, sila pa yung maaasahan mo sa mga ganitong pagkakataon. Sila pa yung magbubukas ng sardinas mo. At pag natulungan ka nila, tama na lang na isali mo sila sa kasiyahang iyong nadarama.
Naghati kami ni Tito Jun. Sa sardinas at sa Pepsi na binili ko. Okay rin pala na may kahati ako. Dahil hindi ko rin naman naubos yung share ko ng sardinas, at marami pang Pepsing natira.
Sana maging lesson to sa ating lahat, na kapag sardinas na ayaw kong ihati sa iba ang usapan, laging may darating para makihati, dahil ganun ang batas ng universe.
Lunch
November 17, 2009Today, kumain ako ng Chili Mansi Pancit Canton with matching kikiam at Pepsi. Solb e. 52 pesos lang ang naging damage sa bulsa ko.
Habanga kinakain ko, masarap e. Kinikiliti ng tamis ng kikiam sauce ang anghang ng Lucky Me Chilli Mansi. Kumbaga sa loob ng bibig ko, nagmomoan sa sarap ng orgasmic taste ang aking mumunting mga tastebuds.
Maswerte ako dahil meron akong nakakain. Subalit, ngayon, nararamdaman ko, na parang hindi naman talaga yun nakakabusog at hindi nutritious. Kulang pa rin. Malungkot kapag alam mong meron, pero hindi pa rin sapat.
Chucks. MSG pancit canton at kikiam lang ang kinain mo. Huwag masyadong taasan ang expectations.


