ACET 2!
October 14, 2009Magtatake ulit ako ng ACET sa January. Dapat ba akong mag-ExpertsGuide or LSC or MSA ulit? Hahaha.
2 years ago, tinake ko to dahil gusto kong makapasok sa ME. 2010, itatake ko ulit for ME. Kasi ganun e, kung part lang to ng ‘confusion’ drama shit ko, well, I’m pretty excited about it. Mejo iba yung feeling e. Sa CE kasi, well, nasusurvive ko naman. It’s a given, mahirap naman talaga sa kahit anong course. Pero, somehow, lahat ng pag-aaral for CE, hindi ko maisip kung ano ba value nun sa future. Yes, it helps in my growth and it makes me a better person every step of the way, pero, I guess, I don’t really see myself as an engineer and anyone would agree when I say that if you don’t see a future in something, why pursue it?
ME. ME. ME. Ever since I was a kid, when people would ask me what course I would take, I would always answer something Business-y. And kasalanan to ng high school kung bat napasok sa kokote ko ang ME. It’s not about the money. It’s not about the prestige. It’s not about the career path/future. It’s about pursuing happiness. My happiness.
It horts
October 10, 2009puro pacute lupet!lakas ng loob na i upload pa yang video moh!pota promise lalayuan ka ng mga chiks moh!kakaturn off pinakita mo pa sa buong mundo!waaaaaaaaaaah!!!!dapat nagpacute ka nalang hindi kana kumanta!!!!! tang ina mo!dalawa pla video moh!Lupet mo tlga!pti banaman yan wala sa tono khit pag gigitara moh walang kwenta!sana naman pinaghandaan mo muna yan bgo ka nag upload!hindi naman cguro sa song kya mu inapload yan eh,i think sa muka mong gwapo!pero khit gwapo ka masasabi ko lang walang kwenta 2ng video moh!guys try niung panoorin ung isa nyang video ung mapansin na kanta ni paolo santos!pacute lang ang ota wala rin sa tono!hindi kana sana nag upload gago!pang tambay kalang hndi pang musician!ulol!
Yan yung sabi sa akin ni Youtube user marobrien06 sa isa kong video sa Youtube kung saan ako ay makikitang kumakanta with guitar. Haha. Oo kasi makapal mukha ko at wala, ginawa ko kasi yun for someone.
Masakit pala kapag crinicriticize ng tao yung gawa mo. Masarap sabihin na yun yung best mo, pero, masakit na basura ang tingin ng ibang tao sa gawa mo.
Sa totoo, tama naman siya. Wala nga yata sa tono yung guitar ko. Hindi ko kasi matono dahil nawawala yung tuner ko. By the way hindi talaga ako marunong magtono without my tuner so yeah. As an aspiring guitar player, that’s one failure. Hahaha. Also, wala rin nga yung boses ko sa tono. Kasi, mababa talaga boses ko. Sabi nga ng guitar teacher ko noon, natural second voice ang boses ko. So. Yun.
Kung gagawa man ako ng video next time, would what this person said matter? I guess not. Dahil hindi naman ako nagpopost ng video because I want the world to witness that I can play the guitar and sing, badly in both. I post them for fun, and now I know that there are some people who can’t resist to play know-it-all and shit. I don’t really need to please anyone. I do what pleases me and I don’t seek or want anybody’s approval.
Apir.
Vague Entries
October 6, 2009Hindi talaga ako dapat magbloblog today pero dahil may nagcomment sa isa sa mga entry ko dito, naaliw ako so magsusulat tuloy ako ngayon. Nakakatuwa lang kasi talaga pag may nagcocomment dito. Oo, sobrang hassle talaga magcomment pero ganun e. Somehow, naaaffirm ng comments na may nagbabasa nga nito at hindi lang mga nawawalang tao na napadpad sa site ko ang mga pinapakita ng counter.
Napabasa tuloy ako ng mga entries ko. Pansin ko, may mga vague entries ako. Tipong type ako nang type ng kung ano-anong shit pero hindi malinaw kung ano ang tinutukoy ko, o kaya, kung ano yung intensiyon ng blog ko; para kanino ba yun at sino ba ang pinatatamaan ko. Parang yung previous two entries. Ang vague di ba.
Nagsusulat yata ako ng ganyan dahil may mga bagay na bumabagabag sa akin at kapag sinulat ko siya nang direkta, may tatamaan na kaibigan ko or kung sino man. Siguro rin, may nangyari between me and another person na baka mabasa niya so vague-ify the entry para di niya magets afterwards.
So habang binabalikan ko, may mga entry ako na hindi ko na maalala kung bakit ko sinulat. Pero feeling ko may pinatatamaan ako nun e.
Kung may blog ka ba, bakit ka magsusulat ng mga bagay na ayaw mo namang makita ng ibang tao, lalong lalo na yung mga taong may kinalaman dito?
Ako, kasi nakakatulong yun sa paglalabas ng sama ng loob o ng kung ano-anong shit na nais kong ilabas. Kapag nagsusulat ako, yun yung pagrerelax ko. Dito, malaya ako at walang preno ang pagdada ko ng kung ano-anong shit na naiisip ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Para sa 5-10 Visitors ng blog na to
October 5, 2009Hi. Hindi na ako masyadong nagsusulat. Pero nakikita ko pa rin na may bumibisita nito, salamat sa sitemeter thingy na nasa baba. So, alang-alang sa 5-10 visitors ng blog na to every week, well, ito, dadaldal na muna ako.
May mga bagay kang alam mong dapat gawin, pero, dala ng iyong kaduwagan, in every applicable aspect, hindi mo ito nagagawa. Wala naman kasing mawawala kapag hindi mo ito ginawa. Yun ang nais mong isipin, na magiging matiwasay ang mga bagay-bagay kapag hinayaan mo na lang na umikot ang mundo. Darating ang panahon na mapapansin mong kinakain ka na ng dinadala mo. Kinakain ka nito dahil gusto nitong lumabas, pumakawala, maging malaya.
Hindi masayang maging bihag ng sarili mong konsensiya. Sa huli, maapektuhan na ang iyong katauhan at hindi ka na magiging isang taong kumikilos nang umaayon sa inaasahan. Magmumukha kang may topak. Baliw. Mag-isa.
Ano ba ang kinatatakutan mo at hindi mo magawa ang alam mo namang dapat ginagawa? Kapag hinayaan mong kumawala ang dinadala mo, natatakot kang masira ang kaayusan ng mga bagay-bagay. Na maging kalungkutan ang kasiyahan. Na maging matamlay ang dating kasiglahan. Na mawala ang mga nasa paligid mo, yung mga taong direktang apektado ng iyong dinadalang sikreto na sana inaasahan mong maging maunawain, ngunit, sa bigat ng iyong kasalanan, mukhang malabong maganap yun at, wala, mawawala sila dahil naging isang malaking kataksilan, mula sa kahit kaninong perspektibo, ang iyong ginawa.
Masakit ang katotohan ngunit ang pagkawala nito ang panacea sa dinadala mong kawalan ng katahimikan.



