Extra Joss
October 18, 2009Dati, suminghot ako ng Extra Joss. Yung yellow powder na hinahalo mo sa water, tapos bumubula.
Nasa Mcdo ako nun e. Tas may isang dumating na bata. Sabi niya, may bago daw siyang cool na activity. Naglabas siya ng Extra Joss, tas sininghot niya. Tawa siya nang tawa. Hindi siguro dahil may tama yung Extra Joss singhot trip niya, pero dahil, nakakatawa naman talaga yung pagsinghot nun mismo. Stupid, pero, nakakatawa.
So ginawa ko rin one time. High school shit talaga e. Marami kang ginagawa.
Pagkasinghot mo, parang weird e. Biglang bubula sa loob ng nostrils mo. Tas siyempre, nakakakiliti yun di ba. So dun tatawa ka na. Tas bigla kang sisipunin, makikita mo, yung sipon mo, kulay yellow. O di ba? Funny ulit yun. Kelan ka ba magkakasipon ng yellow. Pagkatapos nun, mararamdaman mo na yung ulo mo, parang iba na. PArang mejo magaan. Siguro dahil may Extra Joss na tumagos sa utak mo tapos naging active bigla yung utak mo and shit.
After ng ilang oras, mangungulangot ka, tas makikita mo, yung kulangot mo, yellow at matigas. Tangina. So tatawa ka na naman dun. Adik ka talaga kung kinain mo pa yun, tas nasabi mo sa sarili mong lasang Extra Joss pa rin.
Bakit ba gumagawa ng mga ganitong shit ang mga tao? Patapon ba sila? Walang direksyon sa buhay? Walang nagmamahal? Walang pangarap?
Ako. Hindi. May iba akong dahilan. Parang nung isang beses na nagpabutas ako ng tenga.
Matagal ko na talaga gusto gawin yun e. Simula nung nakita kong may ganun yung isang naging kaklase ko sa review shit para sa mga college entrance tests. Kumpleto siya e. Meron sa tenga. Tapos, meron din sa dila. O san ka pa pag ganun di ba.
Kapag sobrang routine na ng buhay mo, parang patay na ang dating mo e. Nawawalan ng kulay ang buhay. Nawawalan ng kilig ang mga sandali. Nawawalan ng misteryo. Babangon ka at alam mo na ang mangyayaring shit buong araw. Dahil routine na nga e.
Minsan, kailangan mong gumawa ng crazy shit. Nagpabutas ako ng tenga, because, I wanted to feel alive again. At nung mga panahong iyon, yun talaga kailangan kong gawin. Dahil araw-araw, bugbog na ako sa acads at sa kung ano-anong shit na araw-araw nangyayari. Hindi naman masamang may routine, pero, kapag sobra na, papatayin ka na nun.
Ang buhay ng tao, iisa lang. Nanjan yung shit na Carpe Diem. Pero ito ang bagong shit: Minsan, gumawa ka naman ng kalokohan.


