Para sa 5-10 Visitors ng blog na to
October 5, 2009Hi. Hindi na ako masyadong nagsusulat. Pero nakikita ko pa rin na may bumibisita nito, salamat sa sitemeter thingy na nasa baba. So, alang-alang sa 5-10 visitors ng blog na to every week, well, ito, dadaldal na muna ako.
May mga bagay kang alam mong dapat gawin, pero, dala ng iyong kaduwagan, in every applicable aspect, hindi mo ito nagagawa. Wala naman kasing mawawala kapag hindi mo ito ginawa. Yun ang nais mong isipin, na magiging matiwasay ang mga bagay-bagay kapag hinayaan mo na lang na umikot ang mundo. Darating ang panahon na mapapansin mong kinakain ka na ng dinadala mo. Kinakain ka nito dahil gusto nitong lumabas, pumakawala, maging malaya.
Hindi masayang maging bihag ng sarili mong konsensiya. Sa huli, maapektuhan na ang iyong katauhan at hindi ka na magiging isang taong kumikilos nang umaayon sa inaasahan. Magmumukha kang may topak. Baliw. Mag-isa.
Ano ba ang kinatatakutan mo at hindi mo magawa ang alam mo namang dapat ginagawa? Kapag hinayaan mong kumawala ang dinadala mo, natatakot kang masira ang kaayusan ng mga bagay-bagay. Na maging kalungkutan ang kasiyahan. Na maging matamlay ang dating kasiglahan. Na mawala ang mga nasa paligid mo, yung mga taong direktang apektado ng iyong dinadalang sikreto na sana inaasahan mong maging maunawain, ngunit, sa bigat ng iyong kasalanan, mukhang malabong maganap yun at, wala, mawawala sila dahil naging isang malaking kataksilan, mula sa kahit kaninong perspektibo, ang iyong ginawa.
Masakit ang katotohan ngunit ang pagkawala nito ang panacea sa dinadala mong kawalan ng katahimikan.
Add a comment


