Payo sa iyo
September 18, 2009Mag-alay ka ng itlog kay Sta. Clara. Yun ginawa namin ng nanay ko bago ako mag-ACET. I was totally against it, but then again, you really can’t beat my mother’s faith with my craving for Mcdo, which she relentlessly didn’t approve of.
Sinusukat ng ACET ang natutunan mo, hindi ang katauhan mo. So yeah. Chillax, it’s just a test, no pressure.
Macbook Pro
Nakuha ko tong Macbook Pro na to, kasi nagpustahan ata kami ng tatay ko. Sabi niya kasi, kapag pumasa raw akong UP, bibilhan niya ako ng laptop. Gusto ko pa noon, HP na laptop e. Yung super media laptop. Yung may iba’t ibang suksukan ng kung anong anong shit, basta kaya nun mag-edit ng videos kasi may suksukan ng video jacks. Tapos, malaki pa screen. So masaya nga kung mag-eedit man ako ng videos. At masaya rin magporn dun. Kasi nga, big ass screen.
Pero yun. Alam ko, weekend nilabas yung UP results nun e. Nung nagtext sa akin na labas na raw sa OUR, inaya ko agad nanay ko para icheck out yung list. Una, excited ako kasi siyempre, gusto kong makita kung pumasa ako, at excited din ako kasi kung oo, may bago na akong laptop. Ang bagal kasi nung laptop ko nun e. HP siya, na may 256 MB for RAM. Puta, san ka pa.
Wala pang isang linggo, nagpabili na ako agad ng Macbook Pro. Sa totoo lang, spoiled ako, in a way na, ginagamit yung yung mga “academic achievements” ko to get stuff na I want. Hence the Macbook Pro. And Shirley, for getting uno in math. HAHAHA. Mali nga yun e, kasi, obligasyon ko namang bilang isang estudyante na mag-excel para sa kinabukasan ko at para naman matuwa parents ko, pero yun, wala e, may mga bagay akong gusto na hindi ko pa kayang bilhin.
Ngayon, napapaisip ako. Gusto ko yung bagong Macbook Pro. Tae na, OA kasi yun sa features e, na hindi ko naman talaga magagamit dahil hindi naman ako graphic artist para masulit yung kick ass graphics, or hindi rin naman ako productive masyado with a laptop, dahil pang Mafia Wars ko lang siya most of the time. Pero the reason that I really like the Pros is its better battery life. 7 HOURS. Tangina, mine only lasts for 2:30 hours right now, and this is the battery I bought 2 weeks ago. If I hadn’t replaced it, the battery life is just 30 minutes to 1 hour.
So yeah. Sana magka-academic achievement na ako. Susubukan kong magpabili ng bagong Macbook pro kasi may cool yun kesa sa current macbook pro ko. Gusto ko na ng bago. GREEDY BASTARD E.


