Physics
September 13, 2009Sana simple lang ang buhay ko sa pag-aaral. Pero hindi e. May physics pa kasi. Alam ko naman na sa buhay estudyante, hindi mawawala ang mga ganitong shit, mga shit na magpapahirap sa buhay mo. Pero iba talaga pumatay ang physics na to.
May moving charged particle di ba. Nagproproduce siya ng electric field at magnetic field. At ang sum ng forces due to these fields ay F=q(E + vxB). Dahil sa mga yan, may naiinduce na current at emf. Ngayon, hanggang jan pa lang ang naabsorb ng utak ko. Hindi naman, may iba-ibang shit pa pero sabog pa sila ngayon at hindi ko pa sila lubusang nauunawaan upang madiscuss sa blog na to.
Dahil sa kung anong biyaya ng universe, namove ang dropping sa september 16, wednesday. Most likely, maibibigay na ang standing namin by then or on the day itself. Bagsak ako nung unang test. Ito na yung pangalawang test. Napakadaling sumuko na lang at magdrop na lang ako. Pero hindi e. Ayoko sanang magdrop hangga’t maari. Sayang yung pera at oras ko kung magdrodrop ako. Pero kapag tinitignan ko ang sarili ko, parang, shet, wala na yata akong pag-asa. Gusto ko na lang sumuko. Wala tumutulak sa akin para mag-sipag pa.
Mauungkat na naman ata dito yung civil engg shit drama ko. Minsan kasi, sapat na yung mga pangarap mo para tumulak sa yong magsipag sa mga ganitong panahon. Pero, di ko naman ata talaga kasi pangarap mag-engg. Gusto lang to ng mga magulang ko. Oo, gusto nila bilang mga magulang ang makakabuti sa akin, pero, wala, hindi lang ako masaya sa tinatahak kong ito at kung titignan, wala na rin akong panahon para pag-isipan pa kung saan ako magiging masaya at lilipat ako roon. Huli na e. Nandito na ako sa engg. Magdadalawang taon na ako dito. Dapat ko itong ipagpatuloy.
Ayokong maudlot ang pagaaral ko dahil sa Physics na to. Masakit man sa loob ko ang pagmememorize ng mga formula ng magnitude ng magnetic field o kaya ng impedance ng isang LRC circuit, wala e, ito na ang laban ko bilang isang tau-tauhan sa mga pangarap ng magulang ko.
Pinaka-ayokong kumakain ng gulay, lalong lalo na ang ampalaya. Hindi masarap e.
Ihahalintulad ko na lang ang pagaaral ko ng engg sa pagkain ng gulay. Mapait ang pag-aaral ko sa engg at itong physics na to, isang subo lang sa dinami-dami ng nagaabang pa sa akin. Sana kayanin pa ng sikmura ko, dahil ngayon kasi, medyo sukang-suka na ko.
Add a comment


