Home » Archives » September 2009

Excrement

September 25, 2009

I went to the woods because I wanted to live deliberately.

I wanted to live deep and suck out all the marrow of life.

To put to rout all that was not life;

and not when I had come to die, discover that I had not lived.

 

Posted by chucks at 12:20 am | permalink | Add comment

Payo sa iyo

September 18, 2009

Mag-alay ka ng itlog kay Sta. Clara. Yun ginawa namin ng nanay ko bago ako mag-ACET. I was totally against it, but then again, you really can’t beat my mother’s faith with my craving for Mcdo, which she relentlessly didn’t approve of.

Sinusukat ng ACET ang natutunan mo, hindi ang katauhan mo. So yeah. Chillax, it’s just a test, no pressure.

Posted by chucks at 10:26 pm | permalink | comments[2]

Macbook Pro

Nakuha ko tong Macbook Pro na to, kasi nagpustahan ata kami ng tatay ko. Sabi niya kasi, kapag pumasa raw akong UP, bibilhan niya ako ng laptop. Gusto ko pa noon, HP na laptop e. Yung super media laptop. Yung may iba’t ibang suksukan ng kung anong anong shit, basta kaya nun mag-edit ng videos kasi may suksukan ng video jacks. Tapos, malaki pa screen. So masaya nga kung mag-eedit man ako ng videos. At masaya rin magporn dun. Kasi nga, big ass screen. 

Pero yun. Alam ko, weekend nilabas yung UP results nun e. Nung nagtext sa akin na labas na raw sa OUR, inaya ko agad nanay ko para icheck out yung list. Una, excited ako kasi siyempre, gusto kong makita kung pumasa ako, at excited din ako kasi kung oo, may bago na akong laptop. Ang bagal kasi nung laptop ko nun e. HP siya, na may 256 MB for RAM. Puta, san ka pa.

Wala pang isang linggo, nagpabili na ako agad ng Macbook Pro. Sa totoo lang, spoiled ako, in a way na, ginagamit yung yung mga “academic achievements” ko to get stuff na I want. Hence the Macbook Pro. And Shirley, for getting uno in math. HAHAHA. Mali nga yun e, kasi, obligasyon ko namang bilang isang estudyante na mag-excel para sa kinabukasan ko at para naman matuwa parents ko, pero yun, wala e, may mga bagay akong gusto na hindi ko pa kayang bilhin.

Ngayon, napapaisip ako. Gusto ko yung bagong Macbook Pro. Tae na, OA kasi yun sa features e, na hindi ko naman talaga magagamit dahil hindi naman ako graphic artist para masulit yung kick ass graphics, or hindi rin naman ako productive masyado with a laptop, dahil pang Mafia Wars ko lang siya most of the time. Pero the reason that I really like the Pros is its better battery life. 7 HOURS. Tangina, mine only lasts for 2:30 hours right now, and this is the battery I bought 2 weeks ago. If I hadn’t replaced it, the battery life is just 30 minutes to 1 hour.

So yeah. Sana magka-academic achievement na ako. Susubukan kong magpabili ng bagong Macbook pro kasi may cool yun kesa sa current macbook pro ko. Gusto ko na ng bago. GREEDY BASTARD E.

Posted by chucks at 2:19 am | permalink | Add comment

Physics

September 13, 2009

Sana simple lang ang buhay ko sa pag-aaral. Pero hindi e. May physics pa kasi. Alam ko naman na sa buhay estudyante, hindi mawawala ang mga ganitong shit, mga shit na magpapahirap sa buhay mo. Pero iba talaga pumatay ang physics na to.

May moving charged particle di ba. Nagproproduce siya ng electric field at magnetic field. At ang sum ng forces due to these fields ay F=q(E + vxB). Dahil sa mga yan, may naiinduce na current at emf. Ngayon, hanggang jan pa lang ang naabsorb ng utak ko. Hindi naman, may iba-ibang shit pa pero sabog pa sila ngayon at hindi ko pa sila lubusang nauunawaan upang madiscuss sa blog na to. 

Dahil sa kung anong biyaya ng universe, namove ang dropping sa september 16, wednesday. Most likely, maibibigay na ang standing namin by then or on the day itself. Bagsak ako nung unang test. Ito na yung pangalawang test. Napakadaling sumuko na lang at magdrop na lang ako. Pero hindi e. Ayoko sanang magdrop hangga’t maari. Sayang yung pera at oras ko kung magdrodrop ako. Pero kapag tinitignan ko ang sarili ko, parang, shet, wala na yata akong pag-asa. Gusto ko na lang sumuko. Wala tumutulak sa akin para mag-sipag pa.

Mauungkat na naman ata dito yung civil engg shit drama ko. Minsan kasi, sapat na yung mga pangarap mo para tumulak sa yong magsipag sa mga ganitong panahon. Pero, di ko naman ata talaga kasi pangarap mag-engg. Gusto lang to ng mga magulang ko. Oo, gusto nila bilang mga magulang ang makakabuti sa akin, pero, wala, hindi lang ako masaya sa tinatahak kong ito at kung titignan, wala na rin akong panahon para pag-isipan pa kung saan ako magiging masaya at lilipat ako roon. Huli na e. Nandito na ako sa engg. Magdadalawang taon na ako dito. Dapat ko itong ipagpatuloy. 

Ayokong maudlot ang pagaaral ko dahil sa Physics na to. Masakit man sa loob ko ang pagmememorize ng mga formula ng magnitude ng magnetic field o kaya ng impedance ng isang LRC circuit, wala e, ito na ang laban ko bilang isang tau-tauhan sa mga pangarap ng magulang ko. 

Pinaka-ayokong kumakain ng gulay, lalong lalo na ang ampalaya. Hindi masarap e. 

Ihahalintulad ko na lang ang pagaaral ko ng engg sa pagkain ng gulay. Mapait ang pag-aaral ko sa engg at itong physics na to, isang subo lang sa dinami-dami ng nagaabang pa sa akin. Sana kayanin pa ng sikmura ko, dahil ngayon kasi, medyo sukang-suka na ko.

Posted by chucks at 7:32 pm | permalink | Add comment

Humanap ka muna ng Panget

September 10, 2009

Mahirap manligaw ng chicks, lalong lalo na kung itong chicks na pinoprospect mo ay clinassify mo na as RESERVE chicks.

Ano nga ba ang RESERVE chicks? Sila yung mga chicks na tipong hindi mo muna liligawan agad dahil sa mga dahilang ikaw lang ang nakakaalam. Pero kaya naman nabubuo ang mga dahilang ito dahil ginagamit lamang ang mga ito bilang palusot dahil kung hahalungkatin ang pinag-uugatan ng pag-RERESERVE na naganap, mahahanap ang TAKOT.

Bakit naman nakakatakot? Una, dahil RESERVE chicks nga e. Mataas ang kaledad ng mga babaeng ipinapasok sa RESERVE chicks, at sila yung tipo ng chicks na hindi ka dapat MABASTED dahil masakit yun at sila yung mga tipo ng babae na gusto mong maka-HAPPY ENDING mo, one way or another. Pangalawa, aminado kang wala ka pang karanasan pagdating sa panchichicks, kung kaya’t kapag bihasa ka na sa sining ng pangchichicks ay saka mo pa lamang i-eexplore ang possibilities with the RESERVE chicks.

Hindi madaling mamaster ang estilo ng mahusay at garantisadong pangchichicks. Para sa ilang payo, bumisita sa http://pogingestilo.blogspot.com . Kailangan mo ng matinding practice para mamaster ang mga hokus pokus ng panchichicks kabilang na dito ang paggamit ng kung ano-anong ninja tools o di kaya ng mga panalong banat na paniguradong kikiliti sa funny bones ng iyong RESERVE chicks.

Para maensayo ang mga ito, mainam na magpractice muna sa PANGET chicks bago maglevel-up sa iyong mga RESERVE chicks. Una, dahil panget sila, malamang lamang na wala kang seryosong competition at kung meron mang, marahil iisa ang inyong hangarin, ang mapractice ang inyong CHICKS skills. Pangalawa, hindi gaanong masakit ang mabasted ng PANGET dahil panget siya at dahil nagprapractice ka lang nga. Pangatlo, tao rin ang mga PANGET kung kaya’t ang karanasan ay di magkakalayo sa mararanasan mo kapag RESERVE chicks na ang minomoves mo.

Matapos pumatol ng at least 5 PANGET, garantisadong buo na ang tapang ng iyong hiya, ang kapal ng yong mukha, at tibay ng iyong sikmura. Kung hindi pa iyon sapat, pumatol pa ng MAS PANGET chicks, upang lalo kang tumibay. Kapag sa RESERVE chicks ka na, hindi ka na mahihirapan dahil nabuo na ang iyong confidence at bawat galaw mo, alam mo na ang mangyayari dahil sa dinami-daming PANGET na napatumba mo sa iyong pag-eensayo.

But beauty is skin deep. Huwag mong pigilan ang iyong sariling mahulog sa isang PANGET dahil malay mo, siya napala ang hinihintay mong APOL OF YOUR EYES. Dahil ang PAG-IBIG ay hindi nasusukat sa ganda ng kutis o sa hubog ng katawan o sa haba ng alaga. Ang PAG-IBIG ay nakasalalay sa kung ano ang kayang mong ibigay sa RESERVE o PANGET na mahal mo, at ano ba ang ibinibigay mo dapat? Ang PUSO mo. Shet.

 

Posted by chucks at 12:51 am | permalink | comments[1]

     

September 2009
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX