Ang nangyari kay Pogi
August 31, 2009Mag-iisang buwan na kong di nagsusulat ng kahit sa dalawang blog na pinatatakbo ko. Sadyang mapaningil sa oras ang kurso kong ito at minsan, di ko na magawa ang mga bagay na gusto ko, tulad ng pagbloblog o pagtulog nang alas-nuwebe ng gabi after ng isang glass of warm milk na tinimpla ni mommy.
Magulo ang buwan na to. Maraming shit na nangyari sa loob at labas ng paaralan, mga bagay na bumubugbog sa aking katauhan na sana’y di ko na pinagdadaanan. Pwede naman sana kasi akong tumaya na lang sa lotto at umasa na mananalo ako ng pera, di na magaaral, bibili ng isla, maghahakot ng chicks, lilipat sa isla, magiging polygamous, at mamamatay nang may halos 200 nang anak. The life. Pero hindi. Ni minsan ay hindi ako umapak sa lotto store para tumaya dahil batid kong sa oras na makuha ko yung jackpot na yun, magsisimula nang maging boring ang takbo ng buhay ko, kung kaya’t kung nakita niyo ako nitong nakaraang buwan, parating puyat, nagbabasa ng kung anoanong shit, nagsosolve, nagmememorize, o gumagawa ng notes, ninalalasap ko lang ang sarap ng aking college life.
Stressful ang buhay sa kaleyds, subalit, ganun naman ata talaga. Huwag na natin pagusapan kasi ako mismo, naririndi na sa topic na to. Tangina yan. Like ngayon, may homework ako sa Math, sa Physics, at sa English. Parang kinakain na ng pag-aaral ko kaluluwa ko e.
May girlfriend na ako. Isang pagtataksil sa kaayusan ng lahat ang detalyadong pagsasalarawan ng mga nagaganap, kung kaya’t, iiwan ko na lang sa pagsasabing masaya ako na nariyan siya. Minsan na kong umibig, nasaktan ng kung ano-anong shit, natakot/natrauma, tas ngayon, dahil sa pandak na yun, ninais kong muling umibig.
So yun. Ang tagal ko nang di nagbloblog. Busy e. Basta buhay pa ko.
Add a comment


