Okay talaga ang cooking ng iyong ina
July 27, 2009anong tawag sa soup na yun?
Alam ko, lola ko yung may pakana niyan originally. Minodify lang ng nanay ko tonight at nilagyan niya ng clam. Maraming natutunang putahe ang aking nanay mula sa aking lola dear at minsan, minomodify niya ito. May naaalala tuloy ako. Parang ganito.
“walang original sa mundo. Lahat ng bagay, nakukuha lang mula sa isang existing idea. At hindi pagnanakaw ang pagkuha sa ideyang yun at baguhin ang anyo nito. Hindi mahalaga kung saan mo kinuha yung inspiration. Ang mahalaga, kung saan mo ito nadala at kung anong nagawa mo dito.”
Parang ganyan. english author man yung may sabi niya. trinanslate ko sa tagalog, and into my own words. Kumbaga, Exhibit A to ng gusto niyang patunayan.
Masarap luto ng lola ko. Yung ilang recipes ng nanay ko, galing sa lola ko. And hindi masama yung kung ano-anong shit na ginawa niya sa mga recipeng ito. In the end, panalo pa rin ako. Dahil, may dalawang babae na nagpapakain sa akin ng masasarap na putahe, at dahil magkaiba ang geographic locations ng kanilang kusina, ay magkaiba rin ang luto kahit pareho lang naman silang corn soup, in general.
~~
Ito ang dahilan kung bakit ka may rules. Bat mo pa kasi sinuway this time? Noob.
Add a comment


