July 1
July 1, 2009July 1 na pala. Ang bilis ng panahon. Nakakainis dahil hindi ko naabutan yung sale sa Zara, na natapos ata kahapon, kung tama pagkakarinig ko, kasi, tinanong ko yung guard, sabi niya, June 30. Saklap. Kailangan ko pa naman ng maraming pantalon.
Ang hirap mag-aral. Wala akong focus. NagMamafia wars lang ako sa Facebook.
Pano ba maging Bibo Kid?
Sa classroom kasi, hindi nawawalan ng mga Bibo Kids. Sila yung mga tipong recite nang recite at kung anoano pang shit.
Math Bibo kid: Siya yung habang nagsosolve yung prof, dinidikta niya yung steps ng equation. Tas pag may mali sa sinulat sa board, magtataas siya ng kamay at ipopoint out yun. Kapag may mas madaling paraan, itatanong niya kung pwede ba yun gawin tas siyempre pwede naman talaga. I used to be a math 17 bibo kid. Kaya na-uno ko yun e. Pero sa 53 at 54, wala, math pawn na lang ako, mangmang at walang alam.
English Bibo kid: Ang english Bibo kid, recite nang recite tungkol sa mga librong kanyang pinagbabasa, yung mga tipong out of this world reading list, meron siya, at nabasa na niya lahat ng yon. Dahil well read ang bibo kid na ito, narerelate niya ang lahat ng shit na alam niya mula sa libo-libong librong kanyang nabasa. Opinionated siya kung tutuusin dahil sa bawat tanong ng prof, may naisasagot siya, kahit, minsan, mukhang paligoy-ligoy lang.
Physics Bibo Kid: Parang math bibo kid lang din. Pero, ito naman, dala parati yung University Physics na lagpas isang dangkal ang kapal. Alam na alam ang lahat ng laws of physics, parang si Sheldon lang ng Big Bang Theory. Minsan, maiisip mo, parang prof mo yung kausap mo pag nag-uusap kayo, kasi, bawat salitang sabihin niya, tunog Physics na.
Geog Bibo Kid: Siya’y laging nasa harap. May joke pa every time na papasok ka sa classroom. Mahilig bumanat sablay nga lang most of the time. Yung ibang Geog Bibo kid naman, mahahalatang bagong dating palang sa UP, dahil pati sa pinaka-corny na joke, tumatawa pa rin nang ubod ng lakas.
Bibo kids. Sila yung mga tipong kapag tinignan mo, may alam, dahil sobrang attentive sa class. Sana, kung gaano sila kadaldal, ganun na lan ako katalino, kahit tahimik lang ako. Ayoko maging bobo. Ayko rin maging sobrang talino. Okay na akong maging Normal kid. Di kailangang maging Bibo kid. Ang normal kid, gagraduate on time, at ako yun.


