Okay talaga ang cooking ng iyong ina
July 27, 2009anong tawag sa soup na yun?
Alam ko, lola ko yung may pakana niyan originally. Minodify lang ng nanay ko tonight at nilagyan niya ng clam. Maraming natutunang putahe ang aking nanay mula sa aking lola dear at minsan, minomodify niya ito. May naaalala tuloy ako. Parang ganito.
“walang original sa mundo. Lahat ng bagay, nakukuha lang mula sa isang existing idea. At hindi pagnanakaw ang pagkuha sa ideyang yun at baguhin ang anyo nito. Hindi mahalaga kung saan mo kinuha yung inspiration. Ang mahalaga, kung saan mo ito nadala at kung anong nagawa mo dito.”
Parang ganyan. english author man yung may sabi niya. trinanslate ko sa tagalog, and into my own words. Kumbaga, Exhibit A to ng gusto niyang patunayan.
Masarap luto ng lola ko. Yung ilang recipes ng nanay ko, galing sa lola ko. And hindi masama yung kung ano-anong shit na ginawa niya sa mga recipeng ito. In the end, panalo pa rin ako. Dahil, may dalawang babae na nagpapakain sa akin ng masasarap na putahe, at dahil magkaiba ang geographic locations ng kanilang kusina, ay magkaiba rin ang luto kahit pareho lang naman silang corn soup, in general.
~~
Ito ang dahilan kung bakit ka may rules. Bat mo pa kasi sinuway this time? Noob.
Hope dangles on a string
July 12, 2009Yan yung lyrics na naririnig ko habang tinatype to.
May ginagawa akong paper sa english. Tumigil muna ako sa worksheet dahil kain sa oras masyado. Di ko ma-analyze yung drama ng Current, Resistors, at Potential Difference. Hassle sa masel ang next week. Mga shit na dapat kong asikasuhin.
1) Physics Lab Worksheet: Kupal yung instructor namin dito. Walang tinuturo. Nakakaburat. Mukha siyang inaantok.
2) Physics Problem Set: Every week to e. Yung chapter 24 yung cover nito. So siyempre, babasahin ko yung libro dahil tulog ako sa lecture.
3) Math Long Test: Una to. Kailangan kong galingan. Kasi math to. At dapat, mataas ako. Uubos ako ng problems bukas. Dapat lang talaga kumuha ako ng sample exam. Pero, nakalimutan ko. Titan Fail pota.
4) English Paper: Nung una, masaya ako na take home siya. Pero ngayon, hassle pala. Sana nung Friday na lang.
5) ES 1 plate: Okay lang sana magdrawing. Kung naiintindihan ko. Kulang ako sa atensyon sa prof. At yung prof din naman, hindi ko magets magturo.
6) ES 1 quiz: Quiz to. Hindi drawing. So shit. Babasahin ko yung mga shit tungkol sa mga rules/postulates ng pagdradrawing ng mga hugis.
Ang dami kong shit na gagawin. Tapos, nagmamafia wars lang ako. Masipag akong bata. hahaha.
Okay. Game face. Paper na ulit.
Love is fleeting, and it only makes you tingle, when the ecstasy of it all is new
July 6, 2009I really am just laughing about it nowadays. How convenient the power of the Delete button is. Every last bit of it, the multitudes of ones and zeros combined to form that which has been left long ago, gone eternally. For entertainment’s sake, let one remain for within it lies one’s cries of anguish and love forlorn. It is saved not so that it may conjur tragic pictures of yesterdays but to remind one of past foolishness and from it, learn. There is no remedy for ego obliterated but a new beginning with reformed perspective. To forward one must and the act of looking back should only be done when what’s present requires of you the past to pass. Life is yet to be written; make it legendary.
Kinausap ako ni Lord, sa Facebook
July 5, 2009As usual, sinermonan na naman ako ng magulang ko tungkol sa kung ano-anong shit na mali sa buhay ko. For example, ang buhok ko. I love my hair. I love how it looks. I love every aspect of it. Sadly, my parents do not share the same sentiment. Hence, they ask me, on a regular basis, to change my ways, and get a haircut.
I’m depressed naturally. Along with this depression is my tendency to entertain thoughts one may consider emo. And, it is emo. But, not emo enough to make me laslas myself. And that sentence was conyo. Do I get conyo when sad?
I checked out Facebook, saw this application, “God wants you to know”.Clearly, these things are computer generated. And so, I made a bet, that if this thing tells me something that is related to what I’m going through right now, then, there is a God. Check it out.
You can either transform your Self inside, and have your new being flow outside and reshape your environment. Or you can first reshape your environment, and have it initiate and guide the transformation of your Self. Lots of people get stuck on trying to change the external only. But you have the knowledge that can readily reshape the external by transforming the internal.
So there. There is a God. And He’s on Facebook.
July 1
July 1, 2009July 1 na pala. Ang bilis ng panahon. Nakakainis dahil hindi ko naabutan yung sale sa Zara, na natapos ata kahapon, kung tama pagkakarinig ko, kasi, tinanong ko yung guard, sabi niya, June 30. Saklap. Kailangan ko pa naman ng maraming pantalon.
Ang hirap mag-aral. Wala akong focus. NagMamafia wars lang ako sa Facebook.
Pano ba maging Bibo Kid?
Sa classroom kasi, hindi nawawalan ng mga Bibo Kids. Sila yung mga tipong recite nang recite at kung anoano pang shit.
Math Bibo kid: Siya yung habang nagsosolve yung prof, dinidikta niya yung steps ng equation. Tas pag may mali sa sinulat sa board, magtataas siya ng kamay at ipopoint out yun. Kapag may mas madaling paraan, itatanong niya kung pwede ba yun gawin tas siyempre pwede naman talaga. I used to be a math 17 bibo kid. Kaya na-uno ko yun e. Pero sa 53 at 54, wala, math pawn na lang ako, mangmang at walang alam.
English Bibo kid: Ang english Bibo kid, recite nang recite tungkol sa mga librong kanyang pinagbabasa, yung mga tipong out of this world reading list, meron siya, at nabasa na niya lahat ng yon. Dahil well read ang bibo kid na ito, narerelate niya ang lahat ng shit na alam niya mula sa libo-libong librong kanyang nabasa. Opinionated siya kung tutuusin dahil sa bawat tanong ng prof, may naisasagot siya, kahit, minsan, mukhang paligoy-ligoy lang.
Physics Bibo Kid: Parang math bibo kid lang din. Pero, ito naman, dala parati yung University Physics na lagpas isang dangkal ang kapal. Alam na alam ang lahat ng laws of physics, parang si Sheldon lang ng Big Bang Theory. Minsan, maiisip mo, parang prof mo yung kausap mo pag nag-uusap kayo, kasi, bawat salitang sabihin niya, tunog Physics na.
Geog Bibo Kid: Siya’y laging nasa harap. May joke pa every time na papasok ka sa classroom. Mahilig bumanat sablay nga lang most of the time. Yung ibang Geog Bibo kid naman, mahahalatang bagong dating palang sa UP, dahil pati sa pinaka-corny na joke, tumatawa pa rin nang ubod ng lakas.
Bibo kids. Sila yung mga tipong kapag tinignan mo, may alam, dahil sobrang attentive sa class. Sana, kung gaano sila kadaldal, ganun na lan ako katalino, kahit tahimik lang ako. Ayoko maging bobo. Ayko rin maging sobrang talino. Okay na akong maging Normal kid. Di kailangang maging Bibo kid. Ang normal kid, gagraduate on time, at ako yun.


