Manyak kasi ako
June 9, 2009Kung kaya’t kung ikaw ay isang babaeng may itsura, huwag na huwag kang kakain ng ice cream sa harap ko. Dahil magiging awkward. Tititigan lang kita. Manonood. Sa aking utak tumatakbo ang kung ano-anong bagay na kung alam mo lang, di ka na kakain ng ice cream, ever. Pasintabi lang sa mga mahilig sa ice cream. Lalo na yung nasa cone.
Mga bagay na di nangyari kung natuloy akong magaral sa States
June 7, 2009Kung hindi mo pa alam, natanggap akong magaral sa States noong August 2008 sa institusyon na kung tawagin ay Stevens Institute of Technology. Hindi naman siya bigating school kung tutuusin. Sikat daw siya sa New Jersey. At maganda daw siyang Engineering school. Sakto, kasi, Civil Engineering din ang course ko dun at 4 years lang siya doon. Sa UP, 5 e. Pero, di ba. States yun e. Kaya nakakahinayang lang talaga noong ayaw akong payagan ng parents ko na dun mag-aral.
Dahil late na. Naaalala ko ulit ang pangyayaring ito. So yeahhhh. Isusulat ko ang mga bagay na di siguro nangyari kung natuloy ako dun. Cause I’m bored at gusto ko balikan ang nakaraan.
1. Hindi ako nagsimulang magyosi. Naalala ko na hindi lang pala yung break-up yung dahilan ko para magyosi. Ito rin pala, yung di ako pinayagan. Nung hindi ako payagan, the next day, bumili ako ng isang pack ng Dunhill at nag-eksperimento sa hatid na tama ng Nicotine.
2. Hindi ko mapapanood ang Eraserheads. Dapat akong umalis for States around August 23. August 31 yung una nilang reunion e. Isa ito sa mga bagay na nagpagaan ng pakiramdam ko na di ako natuloy sa SIT. Tapos siyempre, napanood ko rin sila ulit nung March 7. Di ko magagawa yun kasi nasa States ako nun malamang.
3. Hindi na ako sa UP nagaaral. Hindi ko na pinagdaanan yung shit na Chem 16 at lahat ng kung ano-ano pang shit na yan. Hindi ko mararanasan yung mga tanginang pila na yan lalong lalo na kung enrollment. Pero ayos lang. Masaya naman pala sa UP kahit papaano.At dumami rin ang friends ko sa UP.
4. Hindi ko nakuha si Shirley. Yay! May kotse na ako. hahaha
5.Hindi ako madalas sermonan ng mga magulang ko. Seryoso. Araw-araw na yata nila ako kung pagalitan nowadays. Siguro, kung natuloy akong States, di ko nararanasan ang mga masasakit na salitang normal lang bitiwan ng mga magulang ko, lalong lalo na ni daddy-o.
6. Hindi ako papayat. Ang taba ko noon e. At tumaba ako nung nagbakasyon kami sa States. SO kung natuloy ako dun, mataba pa rin ako, or mas mataba pa.
7. Hindi ko mamemeet ang mga UP friends ko. Wala lang. Nabanggit ko na to sa 3 e. Pero, siyempre, mahalaga to. Kasi, friends ko yang mga yan. hahaha. Sila ang nagpapasaya ng araw araw ko.
8. Hindi ko makikilala si pocketbook. POTAAAA.
9. Hindi ko mauuno yung Math 17 na yan. HAHAHA. nagyabang e.
10. Hindi ako muntik makulong twice! Oo. Muntik na ako makulong. Yung isa, dahil sa ginawa ko sa mall. Yung pangalawa, dahil sa pagparada ko sa hindi naman aking parking space.
11. Hindi siguro ako nagbloblog ng ganito. Kasi, busy sa States. AT ENGLISERO NA AKO. PAKSHIT NAMAN. DUDUGO ILONG KO DUN E.
wala na. Late na. Saka ko na lang itutuloy to. Kapagod mag-isip e. hahaha
Kupal ba ako
Kung sa pagbabagong nangyayari sa yo, ayawan na kitang maging kaibigan ko? Mahirap mangialam sa nagpapasaya sa yo.
Mahirap Painitin ang Lumamig na
June 4, 2009Naranasan mo na bang kumain ng spaghetti for lunch at dahil hindi ka naman masyadong gutom, hindi mo ito naubos. Come dinner time, at para makatipid, yun na lang yung iinitin mo para maubos na. Pero, mahirap initin ang malamig na spaghetti. Kung sa kawali mo siya iinitin, matutuyo yung sauce na kumapit na sa pasta at didikit pa ito sa kawali na siyempre, mahirap hugasan kasi nga, tumigas na ulit siya, at magiging dry pa yung pasta. Kapag sa microwave mo naman iniinit, mageevaporate lahat ng tubig sa loob ng spaghetti at kakapit siya sa takip nung microwavable container na ginamit mo, at hahalo na naman ulit yung tubig na yun pag nilabas mo na siya sa spaghetting may sauce na parang natuyong kamatis na hinaluan ng tubig at may pasta itong malutong.
Para lang yang pag-ibig.
Kasi ang pag-ibig, hindi yan spaghetti na kapag busog ka na, pwede mong ilagay sa ref para balikan na lang pag gutom ka na ulit. Hindi yan basta-basta inaayawan dahil ang tunay na pag-ibig ay parang spaghetti na niluto ni Virgin Mary para kay Jesus Christ, mapapamura ka sa milagrosong sarap ng bawat kagat. Kung may similarity ang pag-ibig at spaghetti, hindi na sila masarap kainin matapos itong lumamig at initin.
Dahil ang pag-ibig, dapat, constantly pinapainit. Parang yung spaghetti sa buffet na may apoy sa ilalim. Ganun dapat.
Or para mas simple. Yung pag-ibig dapat, parang yung soup sa Tong Yang, nakatutok parati sa apoy para laging mainit, tapos, pwede mo pang lagyan ng kung ano-anong gulay, o paa ng palaka, o isda, o pusit, o karne ng baboy, ng manok o ng baka para lalong sumarap yung soup. Ang pag-ibig, hindi dapat hinahayaang lumamig at kailangan nito ng constant pampainit. Ang pag-ibig, hindi hinahayaang maging boring, kaya dinadagdagan ng kung ano-anong sangkap para lalong sumarap.
Wag palamigin ang init ng spaghetti. Wag palamigin ang init ng pag-ibig. Kumain sa Tong Yang, 500 pesos lang per head, amoy soup ka pa paglabas mo.
Shet. Gutom lang ata ako.


