Live Long and Prosper
June 20, 2009Ang blog na ito ay gagamitin ko nang tambakan ng aking personal feelings. Hindi na kasi ako nakakapagblog ng ganun simula nang hinaluan ko ng kalokohan ang mga entry ko dito, na siya namang nagpapataas ng aking page visits, kahit konti lang. Hahaha.
May bago na akong outlet ng aking kalokohan, at ito ay nasa: http://pogingestilo.blogspot.com
Ito ay isang blog na tumatalakay sa mga bagay-bagay na dapat malaman, matutunan, at maensayo ng isang lalake upang maging ganap na pogi. HAHAHA. Kung nabasa mo na yung librong The Game at Rules of the Game ni Neil Strauss, ang blog na iyan ang tinagalog rip-off version. True story.
Magsusulat pa rin ako dito. Feelings or kalokohan, akong bahala. Bumisita pa rin kayo. At ikalat ang kamandag ng aking sabaw sa iyong friends. Good day.


