Masakit ang dugs dugs dugs at kagat sa tenga
June 14, 2009Sira ang aking cellphone na globe. Hindi ko alam kung may problema ba ang sim ko. Feeling ko yung sim ko. Kailangan ko na talagang kumuha ng bagong numero. Ata. Or yung patalo lang na Sulitxt ang may pakana ng lag na nararanasan ng aking selepono. Parating “Unable to send text messages”. Yung mga text tuloy, sa Outbox tumitira. Pati pagtawag, hindi ko magawa. Ayayay. Globe failz. Kung iisipin, tatlong taon na tong number na to. Baka madededz na siya.
Hindi ako magaling magtago at hindi ko rin balak magsinungaling sa yo. Sinabi ko yun sa yo kahit alam kong hindi yun exactly ang bubuo ng araw mo dahil ayokong itago yun sa yo at mas ayokong mula sa iba mo pa mababalitaan. Sumablay ako. At kasalanan ko yun. Hindi yun kasalanan nung mga kasama ko. Dahil, ako ang may alam ng mga dapat na limitasyon ko, at ako dapat ang nagpapatakbo ng mga gagawin ko. Kaya yun. Patawad. Paumanhin.
It was never my intention to tarnish what we have. I know that our relationship is weird on so many levels. Honestly, it really doesn’t bother me at all whenever people point it out to me because inspite of the fact or the possiblity that people do find it distasteful, I’m having it with you and that’s all I need to know to make every moment worthwhile. I don’t want to hurt you. You deserve better than to be treated second-rate. You’re special and I intend to make it right with you because logic and my heart dictate it so.
Ikaw ang gusto kong bidang artista, at sana, hayaan mo akong maging leading man mo.
P.S. Dahil hindi ka pa nga pala bihasa pagdating sa mga shit ng mga taong nasa isang relationship, ito ang isang clue. Dahil para sa ikabubuti mo yung nagaganap na state of “space”, nakasalalay sa kamay mo kung kelan to matatapos. So yun.


