Home » Archives » June 2009

Snakes on the Plane

June 30, 2009

Ayoko talaga panoorin tong movie na to e. Kasi. Maraming AHAS.

Posted by chucks at 10:35 pm | permalink | comments[1]

BV

Sablay. Lagi ka na lang sablay  Chuckie-roo. Magpagupit ka na lang.

Malapit na yung eleksyon. nineteen years old na ako. Hindi pa ako nagpaaprehistro para maging botante. I guess dito makikita kung gaano ko kamahal ang Pilipinas. Ano ba ang opinyon ko sa Pilipinas.

Ang masasabi ko lang, may pag-asa pa ang Pilipinas, kung mababawasan ang mga taong tulad kong pasibo sa mga bagay-bagay na nagaganap kahit saan. Bilang isang mamamayan, kailangang maging aktibo sa mga usaping dapat ay interes ng bawat mamamayan, dahil ang mga bagay na ito ang nagpapatakbo ng kung ano-anong shit na meron dito.

Mejo sabog ako magsulat ngayon kasi kakakain ko lang, at napupunta lahat ng oxygen sa tiyan ko. 

Sa CON ASS naman. Wala akong nakikitang masama dito, pero, hindi rin naman ako para dito. Kumbaga, neutral na naman ako. Sobrang phony e no. Kasi ang naiisip ko naman, sa sistema nga ba talaga ang problema? Para sa akin, hindi naman dun nasusukat ang good governance na meron ang isang bansa. Kung kailangan ng pagbabago, at totoong kailangan nga natin ito, at kung ako ang masusunod, pagbabago sa mismong mga namumuno ang aking isusulong. Kailangan natin ng mas maraming pinunong mas pinapahalagahan ang interes at pangangailangan ng taong bayan kaysa sa mga pansariling interes niya. Tipong pinunong hindi pupunta sa Japan at may kasama pang mga kongresista habang may milyon-milyong taong nagugutom sa Pilipinas. Ganung tipong pinuno. Digs?

Posted by chucks at 7:37 pm | permalink | Add comment

Sakit

June 21, 2009

Pinaka-ayoko talaga yung may sakit ako e. Ang sakit ng ulo ko ngayon. May ubo. Mejo mainit. May sipon. 

Gusto ko nang gumaling. Ang hirap mag-aral kapag ganitong may sakit e. 

~~~~

Hi.

Ang pinaka-basic at pinaka-tried and tested na pick-up line na maaari mong gamitin.

Pick-up lines. Seryoso ka bang gagamitin mo yang finorward na “pick-up line” sa yo ng kabarkada mong tulad mo ring ZERO sa chicks, sa babaeng yun sa may bar na akala mo, nagtitipid sa tela sa sobrang liit ng suot niya? Sa totoo lang, kung merong mang isang foolproof na pick-up line kang magagamit, edi sana, hindi na mahihirapan ang milyon-milyong lalake sa mundo sa kakahanap ng chicks. Kaso, yung mga pick-up line na ganyan, wala e, wala talagang appeal, maiinis lang yung lalapitan mo. Pero kung tipong okay naman pagkadeliver mo, edi ayos, malay mo, kumagat.

Guy: Do you know how much a polar bear weighs?
Girl: Dunno.
Guy: Enough to break the ice. :)
Girl: Right. (Walkaway)

Ganito lang kasi yan. Salamat sa ating mga magulang, pinalaki tayong maging POLITE sa mga tao, kahit sa strangers. Bilang isang hunter ng pwedeng ichicks, gamitin ang impormasyong ito upang mabawasan ang kaba factor sa tuwing lalapit. Isipin mo na lang, “Walang kwenta mga magulang nito kapag dinidedma ako.”

Pero ano nga ba ang tamang sabihin?

Kahit ano. Basic na yung “Hi”. Or kung gusto mo, yung Polar bear line sa taas. Pwedeng situational line, “Grabe. Ubos na ba yung beer?” or kung nasa starbucks ka, “Anong kape yang hinihigop mo? Favorite mo ba yan?” or kapag nasa bookstore ka, “My Opinion is that Milan Kundera totally towered over the novel Mrs. Dalloway with astounding surrealism. (MIKE VILLAR)”

PERO. Ito ang pinakamahalaga mong dapat tandaan. Nakasalalay ang lahat sa delivery. Alala mo yung weak-strong men dichotomy na itinataguyod natin dito? Dapat, sa ano mang sabihin mo, dapat, MADATING, MALAKAS, at MA-APPEAL.

Mga bagay na dapat tandaan upang maging MADATING, MALAKAS, at MA-APPEAL.
1. Eye contact: Taong babaeng balak mong ichicks ang kausap mo, sa mata mo tignan, wag sa boobs. Or sa boobs pa rin.

2.Posture: Isa itong mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Magandang exhibition ng pagiging MADATING, MALAKAS, at MA-APPEAL ang magandang posture. Huwag kumuba-kuba. Itaas ang ulo, yung ulong may mata, chest out at yung kung ano-ano pang shit na nagpapaganda ng itsura ng posture.

3. Pananalita: Naririnig dapat, malinaw ang bawat salita. Hindi nabubulol. Hindi bumubulong. Hindi sumisigaw. Sakto lang, para, attractive.

4. Ngiti: Karaniwang mukha ang unang tinignan ng tao kapag may nagpapakilala sa kanya or kapag may hinahanap siyang tao. Mahalagang nakangiti ka parati, lalong-lalo na kapag papasok ka pa lang ng kwarto. It creates the impression that you are a confident, warm, and strong person to anyone who sees you. Napa-english pa ako o.

Tao ang mga babae. Sila ay nag-iisip at marunong magsalita/magrespond sa kung ano mang sasabihin mo. Bilang isang potential chickboy, kailangang madevelop ang iyong communication skillz upang maging mahusay na mangungusap ng mga babaeng kakikilala mo pa lamang. Dapat, sa bawat salitang bitiwan mo ay unti-unting nabibighani ang babaeng iyong kausap. Hence, mahalagang, alam mo ang sasabihin mo, at kailan ito sasabihin. In english, “You know what to say, and when to say it.”

Laging tandaan, when in doubt, just say “Hi,”. 

 

galing sa http://pogingestilo.blogspot.com

Posted by chucks at 2:47 pm | permalink | Add comment

Live Long and Prosper

June 20, 2009

Ang blog na ito ay gagamitin ko nang tambakan ng aking personal feelings. Hindi na kasi ako nakakapagblog ng ganun simula nang hinaluan ko ng kalokohan ang mga entry ko dito, na siya namang nagpapataas ng aking page visits, kahit konti lang. Hahaha. 

May bago na akong outlet ng aking kalokohan, at ito ay nasa: http://pogingestilo.blogspot.com

Ito ay isang blog na tumatalakay sa mga bagay-bagay na dapat malaman, matutunan, at maensayo ng isang lalake upang maging ganap na pogi. HAHAHA. Kung nabasa mo na yung librong The Game at Rules of the Game ni Neil Strauss, ang blog na iyan ang tinagalog rip-off version. True story.

Magsusulat pa rin ako dito. Feelings or kalokohan, akong bahala. Bumisita pa rin kayo. At ikalat ang kamandag ng aking sabaw sa iyong friends. Good day.

Posted by chucks at 12:16 am | permalink | Add comment

TANGINA. TATABA AKO NITO E.

June 17, 2009

MUST FIND NEW EXERCISE.

Anyway, visit this blog.

http://pogingestilo.blogspot.com

Posted by chucks at 9:10 pm | permalink | Add comment

     

June 2009
M T W T F S S
« May   Jul »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Message Board

sohbet odaları:

thanks you http://www.sohbetsi.net http://www.sohbetse.net http://www.kizlarkulubu.net http://www.chatiz.net http://www.lider100.net http://www.kalpsesi.com http://www.kalpsesi.net
http://www.kizlar.gen.tr http://www.liselikizlar.gen.tr http://www.hayalin.com http://www.chatsitelerim.com http://www.chatsayfalari.gen.tr http://www.mircsitesi.gen.tr http://www.mircindirr.net http://www.lezchat.tk

Yeast Infection Treatment:

This is a wonderful blog where we are getting more information. Keep posting on this blog and sharing such valuable information with us.

united gold direct:

http://quazen.com/shopping/donaire-vs-narvaez-ticket-sale/
http://sportales.com/boxing/pacquiao-vs-marquez-three-a-doubtful-fight/
http://trifter.com/usa-canada/nevada/marquez-concerns-with-the-catch-weight/
http://bizcovering.com/investing/united-gold-direct-is-an-option/
http://bizcovering.com/investing/united-gold-direct/
http://quazen.com/shopping/2nd-legged-of-pacquiao-vs-marquez-three-promo-tour/

tablet android honeycomb terbaik murah:

I currently use 3D Cart for my shopping cart and Order Motion for my order manager. They don’t seem to work well together even though they are suppose to.

tinnitus treatment:

thanks You sure do know what your’e talking about. Man, this blog is just great! I cant wait to read more of what youv’e got to say. Im really happy that I came across this when I did because I was really starting

2013 Mercedes Benz C Class Diesel:

blog walking

ShapesandPounds Review:

A great read. Ill definitely be back.

diskon gila disdus.com:

http://domphy.blogdetik.com/2010/12/18/diskon-gila-disduscom/
http://alfanbutway.blogspot.com/2010/12/diskon-gila-disduscom.html

hybrids cars:

i love you… so much.

jobs philippines:

newest jobs available online :)

Watch UFC 125 live stream:

Great blog here! I am very pleased in your writing! Very amazing.

UFC 125 live stream:

Hello, I was wow in this post! It is very informative. Thanks for this!

Margarito vs Pacquiao:

Big Event this coming November 13, 2010 Watch the fight between Manny Pacquiao vs Antonio Margarito live stream http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

Pinoy Online Tv:

Visit also your pinoy online tv provider, www.phnoy.com

Philippines:

thanks!

Pacquiao vs Margarito:

http://pacquiao-vs-margarito-update.blogspot.com/

Philwebservices:

keep on posting

melody:

nice site! keep on posting! :)

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

please come on my blog boss…. thanks

Yeast Infection:

this one a good blog boss.. please come. thanks

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX