Chucks
May 6, 2009would just let you do whatever it is you’re doing because it might change things for the better.
Manonood na lang ako.
BEST SONG EVER
May 5, 2009Lyrics: Mark Alcantara
Music: Pietro Lazatin, DJ Villeza & Randolf Constantino
Vocals: Randolf Constantino
Wala kang alam, ngunit noon pa ma’y
Ika’y lagi nang nasa’king isipan
Dahil t’wing ika’y nakikita
Anong ligaya ang aking nararamdaman
Natatakot akong masawi
Ngunit kailangan na ring matapos ang pagtitimpi
Mabuti na rin namang mabigo sa pagtataya
Kaysa namang umasa buong buhay sa wala
Tunay na ang Diyos ay matalinhaga
Nung iniutos ka niyang igawa
Kay sarap, kay tamis, kay saya
Ng buhay nung nakilala kita
Buong paligid ko’y gumanda’t lumiwanag
Bawat sulok ay kay anong bango ang halimuyak
Sa hilaga, timog, kanluran o sa silangan man
Mukha mo ang aking nasusulyapan
Lahat ng nais mo’y gagawin ko
Kung kapalit naman nito’y pag-ibig mong totoo
MBOYS 09 THE BEST. HAHAHA
Pakinggan niyo dito. http://jason30e.multiply.com/music/item/500/Matalinghaga_-_M2009


