Pagkatalo
May 22, 2009Di yata’t nagpapalinlang tayo sa sariling likhang mga multo na siyang mabubuhay pagdating ng panahon kung kailan wala ka nang kalaban-labang magpapaubaya sa pagpaslang na magaganap.
Game Face na Chucks
May 21, 2009Chucks. Ito ang katauhan mong takot mabatukan ng mga magulang mo. Naalala mo ba yung sabi nila?
“Kapag hindi mo natapos ang engineering in time, kapag may uulitin kang subject, hindi ka na namin pag-aaralin.”
Chucks. Kailangan mong matapos in time. Wala kang uulitin na subject. Hindi ka sasablay. Hindi ka magkaka-kwatro o singko. Dahil kahit anong mangyari, magaaral ka ng mabuti para makamtam ang una mong pinakamatamis na TRES.
Halughugin mo na ang lahat ng pwedeng mag-inspire sa yo. Ihanda mo na ang balde-balde mong kape para makapagfocus ka. Ihanda mo na ang two hundred pesos na kailangan mo para makapagpadeliver ka ng mcdo sa oras na gutumin ka sa kakaaral. Ihanda mo ang ashtray para sa yosing susunugin mo habang nag-aaral.
Dahil hindi ka pwedeng bumagsak. Ang pogi, pwedeng bumagsak dahil pogi naman sila at pwede silang mag-artista. Pogi ka naman, pero dahil Maningas ka, hindi ka pwedeng bumagsak kahit pwede ka mag-artista. Ayokong magtapos ka sa ibang paaralan. Ikaw ang unang Maningas sa family tree mo sa UP. Kaya sana, pag-igihan mo.
Mahal kita Chucks.
Love,
Chucks
Tamang Timpla
May 18, 2009Tamang timpla ang hinihingi ng mga pagkakataon. Hindi lahat nadadaan sa initial reaction.
Maling magalit. Maling hindi kumibo. Minsan, maiisip mo, ano ba kasing tamang dapat gawin?
Ewan ko rin. Bobo ako sa mga ganyang bagay.
Art Film Star
May 13, 2009Kung hindi mo pa alam, si Nana Horiuchi ang aking paboritong Art Film actress.
Hindi lang talaga siya marunong ngumiti, kaya hindi siya ganun kaganda sa picture na yan. I-Google mo siya. Seryoso. Mas okay yung iba niyang pictures, kasi, hindi siya nakangiti, at wala siyang damit.
Kasi ganito yun. Kung sa Art Film lang, mas gusto ko yung Hapon. Ayoko ng Art Film na hindi singkit. Ewan ko kung bakit. Pero ganun talaga.
At sa totoong buhay, mas gusto ko talaga yung singkit. Ewan ko kung dahil ba to sa mga napapanood kong Art Film, huwag naman sana dahil sobrang manyak ko na nun. Siguro, mana lang ako sa tatay ko kasi, nanay ko singkit. Kaya tuwing nakakakita ako ng singkit, humihinto ang oras, at after kong makita yung singkit na mata, next kong titignan ay ang kanyang mga labi, tapos, yung boobs, na normally hindi kalakihan kapag singkit,tapos,kapag lumagpas na sa akin, yung pwet, gusto ko yung firm. Yun lang. Singkit na mata. Lips. Boobs. Pwet. Ang dali ko naman palang maakit.
So yan. Si Nana Horiuchi. Ang aking Paboritong Art Film actress. Kung meron kayong kopya ng kahit anong Art Film na nandun siya, please notify me as soon as possible through whatever means basta malaman ko at mabigyan mo ako ng kopya. Gagawin kitang ninong/ninang ng magiging panganay ko, si Ely.
Happy Mother’s Day
May 10, 2009May mga araw na bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin at makikita mo ang sarili mong malungkot, binabalot ng pangungulila, at nagluluksa sa di malamang kadahilanan. Masaya ka naman dapat, pero hindi, dahil sa kabila ng mga tao o kung ano mang maaaring nagpapasaya ng buhay mo, hindi mo pa rin maiwasang maramdamang namatay ka nang konti.
Nalulungkot ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko kailangang iwasan. Hindi ko kailangang katakutan.
Pero sana, nandito ka para gawing bearable ang pinagdadaanang ka-emo-han ko ngayon. Hay.
Umuwi ka na Ma.
Happy Mother’s Day.


