Ninja Counter-attack
May 31, 2009Ang mga babae, marunong din maging ninja yan. Marunong sila mawala nang parang bula undetected. Lalong lalo na sa YM. May mga babaeng mahilig mag-Invisible status sa mga dahilang sila lamang ang nakakaalam. Bilang isang tunay na ninja, walang babaeng dapat palagpasin dahil lahat ng babae, online o invisible man, ay babae pa rin na dapat ninjahin dahil iyon ang true calling ng isang tunay na ninja, ang mangninja ng babae sa gusto niya’t sa hindi.
Kung kaya’t bilang mga ninja ng makabagong panahon, inihahandog ko sa inyo ang isang teknolohiyang maaring hindi niyo pa alam o di kaya’y hindi naisipang gamitin sa mga hangaring pangni-ninja. Ang Yahoo Invisible Checker.
http://www.invisible-scanner.com/
Simple lang yan gamitin. Itype mo lang ang YM ID ng babaeng nais mong ninjahin subalit “offline” ang status. Dito mo malalaman kung offline nga talaga siya o kung nangni-ninja lamang bagkus ay naka-Invisible.
Question no. 1: Invisible yung lumabas na resulta, anong gagawin ko?
Sagot no. 1: Nadiskubre mong online naman pala talaga ang iyong target. Ano pang hinihintay mo? Ninjahin mo na!
Question no. 2: Online yung lumabas, at online din naman talaga siya sa YM ko, anong gagawin ko?
Sagot no. 2: Tanga ka ba? Online naman pala sa list mo, chineck mo pa sa Yahoo Invisible Checker. Gagamitin mo lamang ang armas na ito kapag offline ang target mo. Ito’y napakamakapangyarihang armas at hindi ito dapat ginagamit nang basta-basta lang.
Question no. 3: Online yung resulta, at pero offline siya sa list ko, anong ibig sabihin nun?
Sagot no. 3: Online talaga siya, pero offline siya sa yo. Ibig sabihin nun, Permanently Offline ang turing sa yo nung chicks na balak mong ninjahin. Manyak ka siguro at mali ang pangnininja mo kung kaya’t iniiwasan ka na ng babaeng ito. Palpak ka bords. Hanap na ng ibang target.
Sana’y makatulong ang teknolohiyang ito sa lahat ng ninja sa lahat ng sulok ng buong mundo. Dahil kung sa mga party ay walang shield ang mga babaeng ito sa ating pangnininja, ang Invisible status ay isang malaking balakid sa ating mga ninja sa mga babaeng nasa bahay na nagchachat lang. Ang tunay na ninja, walang pinipiling lugar at oras, kung kaya’t gamitin ang teknolohiyang ito para makarami tayong mga dakilang ninja. Nawa’y sa tulong ng teknolohiyang ito, maabot nating lahat ang Ninja Nirvana. Salamat at mabuhay ang Ninja.


