It stopped raining na todits
May 29, 200911 hours ako natulog. Punyemas. Para lang akong si Sleeping Beauty. Sleeping Pogi. Pero sana, may kumiss sa akin para magising ako. Kaso wala e. Bumangon ako sa sariling gawa. Ang corny siguro ng movie ko. Sleeping Pogi, na bumangon mag-isa.
Buti na lang pala nagsummer classes ako. Kasi, hindi ko maimagine kung buong summer ganito ako. Tangina. Walang kwenta lang nang sobra-sobra e.
Mga bagay na pwede kong gawin na makabubuti sa akin or sa pamilya ko:
1. Linisin lahat ng kalat sa kwarto ko, yung mga tanginang readings, libro at kung ano-ano pang shit.
2. Tumulong sa kusina para matuto akong magluto kasi nga, nagbakasyon ang aming cook.
3. Linisin ang banyo ko para hindi na kailangang gawin ni Betty, our beloved longkatuts.
4. Maggitara. or pagpiano. As in aralin yung buong shit na yan, para “gumaling” ng kaunti.
5. Tapusin yung mga videocam tapes na pinapaconvert to DVD ng nanay mo. Kikita ka pa ng 3000 kasi, mabuti kang anak, at lahat ng inuutos sa yo, sumisingil ka pa ng bayad.
6. Maggym, regularly kahit sumakit ng todo-todo ang katawan mo, Alaxan na lang.
7. Ngumiti sa may bintana, para naman matuwa yung mga kapitbahay.
8. SIMULAN NA YUNG BLOG NIYO NI JOBIM. LOL
9. Tawagan si Patrick at ayain siyang gumimik, ang pinsan mong promdi na pasimuno ng HH no. 5, “Wala nang ibang magmamahal sa yo dahil natira na kita.” kasi nga, taga-probinsya siya at kailangan niyang ma-orient sa mga bagay na makikita mo lang sa Maynila.
10. Maging mabuting anak, at sabihan ang mga magulang at mga kapatid mo ng, “I love you”, without ulterior motives kasi, ganun parati mong ginagawa.
11. Maligo ka na.
12. Magquit sa yosi.
Okay. Wala na akong maisip. Pakicomment na lang kung wala kang magawa kung ano pang pwede kong gawin. May isa pa akong linggo bago magpasukan. Sana, may maidulot ako na pagbabago sa mundo kesa tulog na lang ako nang tulog na walang kwenta. TENKS.
Previous Comments
Add a comment



ehehehe. Napadaan lang nang tumingin ako sa i.ph. katuwa tong blog mo, a. Makapagsimula ngang magbasa-basa. Hehe.
Tsk, tsk. Nga pala, isang linggo na lang pasukan na ulet. ambilis!
Posted by xdalisayx at May 29, 2009, 5:18 pm