Magpasagasa ka nga
May 28, 2009Isa kang malabong nilalang Chucks. Dapat sa yo, binubugbog at tinatali, pinapabangga sa tren, hindi sa LRT o MRT dahil yung dapat na tren na bumangga sa yo ay yung tipong kahoy pa yung riles para mamatay ka rin sa tetano. Pagkabangga sa yo ng tren, buo pa yung katawan mo kasi mahirap tibagin ang katawan ng pogi kaya dadalhin ka sa North Korea at patatamaan ka ng nuclear missile nila total, mahilig naman sila magtest ng sumasabog na rockets at dahil napakalaki mong kupal na hipokrito at pogi, matutuwa pa ang United Nations na nagtest ang North Korea at biglang mawawal ang conflict ng North Korea sa buong mundo. Pagkatama sa yo nung nuclear missile, papasok ang NASA at ipapasok ka sa space ship na magdadala sa yo sa space at ipapasok ka sa black hole at darating ka sa dimensyon ng mga Vulcans kasi pwede ka nilang patayin kasi wala silang emosyon o kaya sa galaxy ng mga Transformer tapos gagawin kang pulutan ng mga Decepticons or nung tropa ni Optimus Prime.
Bakit ka ba ganyan magreact? Lumalabas na hipokrito ka. Hindi ka lang pala kupal. Hindi ka lang pala pogi. Hipokrito ka rin pala. Dahil ang isang bagay na pinakawalan na, dapat hinayaan nang lumipad at maging masaya. At ikaw. Hindi mo yun ginagawa. Dahil gusto mo, lahat, sa iyo. Hindi ka marunong magbigay. Madamot ka sa kaligayahan ng iba.
Hipokrito kang kupal na makasariling pogi. Fuck you. Ayusin mo buhay mo Chucks.


