Home » Archives » May 2009

Ninja Counter-attack

May 31, 2009

Ang mga babae, marunong din maging ninja yan. Marunong sila mawala nang parang bula undetected. Lalong lalo na sa YM. May mga babaeng mahilig mag-Invisible status sa mga dahilang sila lamang ang nakakaalam. Bilang isang tunay na ninja, walang babaeng dapat palagpasin dahil lahat ng babae, online o invisible man, ay babae pa rin na dapat ninjahin dahil iyon ang true calling ng isang tunay na ninja, ang mangninja ng babae sa gusto niya’t sa hindi.

Kung kaya’t bilang mga ninja ng makabagong panahon, inihahandog ko sa inyo ang isang teknolohiyang maaring hindi niyo pa alam o di kaya’y hindi naisipang gamitin sa mga hangaring pangni-ninja. Ang Yahoo Invisible Checker.

http://www.invisible-scanner.com/

Simple lang yan gamitin. Itype mo lang ang YM ID ng babaeng nais mong ninjahin subalit “offline” ang status. Dito mo malalaman kung offline nga talaga siya o kung nangni-ninja lamang bagkus ay naka-Invisible.

Question no. 1: Invisible yung lumabas na resulta, anong gagawin ko?

Sagot no. 1: Nadiskubre mong online naman pala talaga ang iyong target. Ano pang hinihintay mo? Ninjahin mo na!

Question no. 2: Online yung lumabas, at online din naman talaga siya sa YM ko, anong gagawin ko?

Sagot no. 2: Tanga ka ba? Online naman pala sa list mo, chineck mo pa sa Yahoo Invisible Checker. Gagamitin mo lamang ang armas na ito kapag offline ang target mo. Ito’y napakamakapangyarihang armas at hindi ito dapat ginagamit nang basta-basta lang.

Question no. 3: Online yung resulta, at pero offline siya sa list ko, anong ibig sabihin nun?

Sagot no. 3: Online talaga siya, pero offline siya sa yo. Ibig sabihin nun, Permanently Offline ang turing sa yo nung chicks na balak mong ninjahin. Manyak ka siguro at mali ang pangnininja mo kung kaya’t iniiwasan ka na ng babaeng ito. Palpak ka bords. Hanap na ng ibang target.

Sana’y makatulong ang teknolohiyang ito sa lahat ng ninja sa lahat ng sulok ng buong mundo. Dahil kung sa mga party ay walang shield ang mga babaeng ito sa ating pangnininja, ang Invisible status ay isang malaking balakid sa ating mga ninja sa mga babaeng nasa bahay na nagchachat lang. Ang tunay na ninja, walang pinipiling lugar at oras, kung kaya’t gamitin ang teknolohiyang ito para makarami tayong mga dakilang ninja. Nawa’y sa tulong ng teknolohiyang ito, maabot nating lahat ang Ninja Nirvana. Salamat at mabuhay ang Ninja.

Posted by chucks at 9:41 pm | permalink | comments[1]

It stopped raining na todits

May 29, 2009

11 hours ako natulog. Punyemas. Para lang akong si Sleeping Beauty. Sleeping Pogi. Pero sana, may kumiss sa akin para magising ako. Kaso wala e. Bumangon ako sa sariling gawa. Ang corny siguro ng movie ko. Sleeping Pogi, na bumangon mag-isa.

Buti na lang pala nagsummer classes ako. Kasi, hindi ko maimagine kung buong summer ganito ako. Tangina. Walang kwenta lang nang sobra-sobra e.

Mga bagay na pwede kong gawin na makabubuti sa akin or sa pamilya ko:

1. Linisin lahat ng kalat sa kwarto ko, yung mga tanginang readings, libro at kung ano-ano pang shit.

2. Tumulong sa kusina para matuto akong magluto kasi nga, nagbakasyon ang aming cook.

3. Linisin ang banyo ko para hindi na kailangang gawin ni Betty, our beloved longkatuts.

4. Maggitara. or pagpiano. As in aralin yung buong shit na yan, para “gumaling” ng kaunti.

5. Tapusin yung mga videocam tapes na pinapaconvert to DVD ng nanay mo. Kikita ka pa ng 3000 kasi, mabuti kang anak, at lahat ng inuutos sa yo, sumisingil ka pa ng bayad.

6. Maggym, regularly kahit sumakit ng todo-todo ang katawan mo, Alaxan na lang.

7. Ngumiti sa may bintana, para naman matuwa yung mga kapitbahay.

8. SIMULAN NA YUNG BLOG NIYO NI JOBIM. LOL

9. Tawagan si Patrick at ayain siyang gumimik, ang pinsan mong promdi na pasimuno ng HH no. 5, “Wala nang ibang magmamahal sa yo dahil natira na kita.” kasi nga, taga-probinsya siya at kailangan niyang ma-orient sa mga bagay na makikita mo lang sa Maynila.

10. Maging mabuting anak, at sabihan ang mga magulang at mga kapatid mo ng, “I love you”, without ulterior motives kasi, ganun parati mong ginagawa.

11. Maligo ka na.

12. Magquit sa yosi.

Okay. Wala na akong maisip. Pakicomment na lang kung wala kang magawa kung ano pang pwede kong gawin. May isa pa akong linggo bago magpasukan. Sana, may maidulot ako na pagbabago sa mundo kesa tulog na lang ako nang tulog na walang kwenta. TENKS.

Posted by chucks at 3:16 pm | permalink | comments[1]

Magpasagasa ka nga

May 28, 2009

Isa kang malabong nilalang Chucks. Dapat sa yo, binubugbog at tinatali, pinapabangga sa tren, hindi sa LRT o MRT dahil yung dapat na tren na bumangga sa yo ay yung tipong kahoy pa yung riles para mamatay ka rin sa tetano. Pagkabangga sa yo ng tren, buo pa yung katawan mo kasi mahirap tibagin ang katawan ng pogi kaya dadalhin ka sa North Korea at patatamaan ka ng nuclear missile nila total, mahilig naman sila magtest ng sumasabog na rockets at dahil napakalaki mong kupal na hipokrito at pogi, matutuwa pa ang United Nations na nagtest ang North Korea at biglang mawawal ang conflict ng North Korea sa buong mundo. Pagkatama sa yo nung nuclear missile, papasok ang NASA at ipapasok ka sa space ship na magdadala sa yo sa space at ipapasok ka sa black hole at darating ka sa dimensyon ng mga Vulcans kasi pwede ka nilang patayin kasi wala silang emosyon o kaya sa galaxy ng mga Transformer tapos gagawin kang pulutan ng mga Decepticons or nung tropa ni Optimus Prime.

Bakit ka ba ganyan magreact? Lumalabas na hipokrito ka. Hindi ka lang pala kupal. Hindi ka lang pala pogi. Hipokrito ka rin pala. Dahil ang isang bagay na pinakawalan na, dapat hinayaan nang lumipad at maging masaya. At ikaw. Hindi mo yun ginagawa. Dahil gusto mo, lahat, sa iyo. Hindi ka marunong magbigay. Madamot ka sa kaligayahan ng iba.

Hipokrito kang kupal na makasariling pogi. Fuck you. Ayusin mo buhay mo Chucks.

 

Posted by chucks at 7:14 pm | permalink | comments[3]

Usapang HH

May 26, 2009

Sa dinami-dami na ng napasukang relationship mo, at sa bawat break-up na nagaganap, hinding-hindi mawawala ang mga banat na HH. Huling Hirit.

Dahil ang isang break-up ay hindi kadalasang gusto ng parehong magsyota. Karaniwan itong hinihingi ng isa sa mags-syota dahil sa mga dahilang siya lang ang nakakaalam na siyempre, ipapaliwanag niya sa syota niyang balak niyang iwan para naman maging fair, o kung masyadong maselan ang dahilan niya, maari siyang magsinungaling at sabihing strict nga pala ang parents niya at kailangan niyang magfocus sa pag-aaral. Pero kasinungalingan ang lahat ng iyan dahil ang tunay na pag-ibig, walang sinasanto kahit nanay o tatay mo pa at walang grades na iniintindi, puro nag-uumapaw na pagmamahalan lang.

Ngayon, ano nga ba ang HH, Huling Hirit? Ito ay isang soliloquy na binibigkas ng taong iiwan para masave ang relationship na ayaw niya pang iwan kasi nga, masaya naman siya, pero yung partner niya hindi na. Kapag nasa isang relationship ka kasi, ang hirap i-apply nung kasabihang, “If you love him/her, you’ll set him/her free.” kasi sa movies lang yun nagagawa kahit alam mong sa ending, magkakabalikan din naman sila. At para sakaling mapagbago ang isip ng jowa mo, magbibitiw ka ng HH, Huling Hirit.

Ngayon, maraming klase ng HH, at kadalasan, ito lang naman ang laman o structure nila depende sa dahilang binigay sa iyo.

HH no. 1 Magbabago na ako

Jowa 1: Itigil na natin to. Nagkamali ako, hindi ko inakalang magiging ganyan ka pala.

Jowa 2: (HH SPEECH) Sorry labidabs. Aaminin ko, nagpabaya ako. Hindi ko sinasadyang maging sobrang lasinggero at hindi ko kasalanan kung napeerpressure ako nung barkada na magsimulang magyosi. Hindi ko alam kung ano ang naging problema ko. Dapat naman masaya ako kasi alam kong nariyan ka’t nagmamahal sa akin. Pangako, MAGBABAGO NA AKO, huwag mo lang sana akong iwan dahil kailangan kita.

HH no. 2 Ako ang mas nagmamahal sa iyo

Jowa 1: Itigil na natin to. Hindi na kita mahal, si Frank na ang gusto ko.

Jowa 2: Bakit? Sapat na bang dahilang iwan mo ako dahil si Frank, kayang bilhan ka ng load kapag naubusan ka na at ako, hanggang pasaload 2 pesos lang? Sapat na bang dahilan na si Frank ka sumama dahil siya yung itinutukso sa ayo ng mga kaibigan mo kapag wala ako? Sapat na bang dahilan na porket sinabi niya sa yong gusto ka niya kahit isang linggo pa lang kayong nagkakakilala kaya iiwan mo na ako? Drama lang ni Frank yan, hindi yan magtatagal sa yo dahil chickboy yan. Ako ang mas nagmamahal sa iyo. Ayokong masaktan ka sa piling ng iba, kaya dito ka na lang sa akin, ang tunay na nagmamahal sa iyo.

HH no. 3 Hindi ko siya mahal, ikaw ang mahal ko

Jowa 1: Ayoko na. Hindi mo na ako iginagalang. Buong pag-aakala ko, solid ang love team natin, pero may iba ka na pala.

Jowa 2: Huwag ka namang magselos at magduda aking crispy tuna flakes. Kailanman ay kaibigan lang ang naging turing ko sa kaniya, at ganun din naman siya sa akin. Wala akong balak ligawan siya dahil wala akong nakikitang dahilan yun. May itsura siya oo at may kotse din, pero, hindi yun ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko. Hindi ko siya mahal, ikaw ang mahal ko. Kaya’t huwag ka sanang makipagbreak sa atin. Di ba, Together forever tayo?

HH no. 4 Maghihintay ako, kahit buong buhay ko

Jowa 1: Tama na. Wala ka nang aasahan sa akin.

Jowa 2: Hindi ko kailangan ng iyong mga dahilan. Ikaw ang kailangan ko. Ang puso mo. Ang isipan mo. Ang kaluluwa mo. Ang pagmamahal mo. At iyon din naman ang kaya kong ibigay sa iyo. At sa iyo ko lang iyon balak ibigay dahil ikaw ang mahal ko. Kung kailangan mo ng oras, edi sige, pagbibigyan kita. Pero, Maghihintay ako, kahit buong buhay ko, magbalik ka lang.

HH no. 5 Sige, iwan mo ako, wala nang magmamahal sa iyong iba (P. Dela Cruz 2009)

Jowa 1: Sinaktan mo ang damdamin ko. Ayoko na. Tama na.

Jowa 2: Hindi ba ako taong vulnerable sa pagkakamali? Sorry naman a. Tao lang ako. Tao lang akong nagmamahal. Hindi ako perpekto, pero totoo akong magmahal. At kung iniisip mo na sa piling ng iba ay hindi ka magkakaroon ng mga ganitong problema, tanga ka. Dahil ang lahat ng relationship, may problema. Sige, iwan mo ako, wala nang magmamahal sa iyong iba dahil nakuha ko na ang pinag-iingatan mong puri. Wala ka na. Basura ka na lang. Kaya kung ako sa yo, tayong dalawa na lang.

Hindi limitado sa mga iyan ang mga HH na maaaring bitiwan. In general, ang layunin ng HH ay ang maconvince ang mang-iiiwan na maghunos-dili at marealize niya na mali ang gusto niyang mangyari. Dahil sa pag-ibig, mahirap maiwan ng taong mahal mo pa rin. At kung talikuran ka man niya, lalakarin mo pa ang buong mundo para magkasalubungan kayo ulit. MAhirap yata maglakad sa buong mundo. Kung kaya’t, pag-isipan ng mabuti ang HH na sasabihin mo dahil one time big time ka lang pwedeng magbitiw ng HH speech. Dalawa max. Kapag araw-araw mo na kasing kinukulit yung nang-iwan sa yo, tanga ka na nun. Magmove on ka nga.

Posted by chucks at 2:04 am | permalink | comments[3]

Bring Your Daughters to the Gym Day

May 24, 2009

Hindi ako regular kung magwork out sa gym, pero sa iilang beses na ako’y pumupunta sa gym para magpapawis sa hangaring lumabas na may katawang inukit ng mga diyos ng Bundok Olympus, wala pa akong nakikitang babaeng chicks na seksi na karaniwang model ng mga gym na ito sa kanilang mga brochures/posters/website and shit. Ito nga marahil ay isa sa mga dahilan ko kung bakit ako nagggym pero asan na ang mga chicks na ito?

Ang mga tao sa gym ay mahahati sa tatlong grupo:

Ang mga Straight na Lalake: Nagggym para maging macho sa hangaring magkaroon ng katawang pangromansa na gagamitin nila sa babae.

Ang mga hindi straight na Lalake: Naglalakad sa locker rooms na nakaPlayboy briefs lang, mabagal magbihis, tila nanonood sa ibang nagbibihis din. Naghahanap ng katawang pangromansa, ng ibang lalake, para romansahin.

Ang mga Straight na Nanay na Babae: Karaniwan silang kalahok sa mga group exercises. Aerobics. Belly Dancing. Nasa lounge, nagkakape/ibang drinks kasama ang ilang Gym Mommies buddies nila. Nakashirt na fit. Sweatpants. Nakamake-up. May headband. Minsan, pag bigtime, may machong personal trainer na siguro ay mas pogi sa asawa nila.

GYM Ratio: 1 straight na lalake: 2 hindi straight na lalake: 4 na straight na nanay na babae

Naisip ko, na ang mga Nanay na ito ay karaniwang nasa edad 40 pataas. Kung nag-asawa sila between the age of 18-24, ibig sabihin nun, meron na silang anak na pumapatak sa edad na 16 pataas. At sa dami ng Nanay sa gym, impossible namang wala ni isa sa kanila ang may anak na dalaga within that range.

Kaya dumarami ang bading dahil sa paggym ay dahil walang chicks na present sa premises. Kanino ivavalidate ng mga machong straight na lalaki ang kanilang hinubog na katawan kung walang chicks? Sa mga nanay? NO. Kailangan natin ng chicks sa gym para mas ganahan ang mga straight na lalake magbuhat at magflex kahit hindi naman kailangan para makaakit ng chicks. Dahil nakakalungkot na bading lang ang nakakapansin sa mga muscles mo.

So please. Bring your daughters to the gym. Huwag niyo silang hayaang nakaupo lang sa bahay kasi tataba sila. AT masama rin yung diet lang sila nang diet. Dapat, pinagpapawisan ang mga dalaga niyong anak. So please, do mankind a favor and take them to the gym.

 

Posted by chucks at 10:03 pm | permalink | comments[1]

     

May 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX