Bumabagyo sa labas
April 19, 2009At yung batang Chucks sa loob ng aking katauhan ay humihiyaw ng,
“SANA WALANG PASOK BUKAS!”
HAHAHAHA.
Minsan, nakakamiss yung pagiging bata. Kahit tanga ka pa noon, tipong kapag pinapili ka between candy o 500 pesos, pipiliin mo yung candy. Pero, masaya maging bata kasi wala kang pinopoblemang exams, projects, gasoline prices, parties na pupuntahan, parties na hindi mapupuntahan, or pano sasabihing magiging tatay o nanay ka na. Kasi nung bata ka, pinopoblema mo lang kung ano kaya ang iniisip nung crush mo nung chinuchu ka nung bestfriend mo sa kanya at sinabing siya yung crush mo, na sana hindi gulay ang ulam mamaya, na sana may pasalubong na toy yung tatay mo sa yo, na sana magkatotoo yung wish mo sa falling star kagabi at sana, matalo ni Son Gokuo si Cell para hindi pumunta sa Pilipinas si Cell at higupin ka.
Matanda ka na. Matanda na ako. At nakakainis na ang daming dapat harapin kung kelan summer at masarap tumunganga na lang at magswimming sa kung saan. Ang sarap takasan ng mga bagay-bagay at lumipad patungo sa mga alapaap. Pero hindi e. Matanda ka na kasi. At matanda na kasi ako. At ang mga bagay na hinaharap natin ay mga bagay na kakailanganin natin para maging masaya balang araw at kung sweswertihin, ang susi natin para maging bata ulit.
Mag-aaral na ako ng Physics ulit kahit alam kong hindi ko naman kailangan to para gumawa ng anak o ng pancakes. Tangina yan. hahaha
Take all the sorrows from every goodbye
April 18, 2009Ang init. Nakakainis. Kapag nagbrown out, ano na lang ang gagawin ko? Aalis na lang ako.
Kantahan mo pa ako, Paula
April 16, 2009Kaibigan mo ang isang tao kapag kaya niyang maging nariyan para sa iyo, kapag kasama mo siya sa mga oras ng kasiyahan o kalungkutan, at kapag kaya niyang sabihin sa iyo ang mga bagay na mali sa iyo nang hindi ka iniiwasan o itinataboy na babalikan lang kapag magiging kapakipakinabang ka sa kanilang mga interes.
Kilala ko ang mga tunay kong kaibigan. At kaibigan ako sa kanila.
Kapag ang Pniya biniyak, masarap
April 6, 2009Tingin mo, manyak ba ako?
Hindi naman siguro. Pero dahil may kaibigan akong itatago na lang natin sa pangalang Christopher at iminungkahi niyang isulat namin ang isang bagay na dapat alam ng bawat mamamayan, ang Friends With Benefits Unspoken Ethics.
Ang Friends with Benefits ay isang sagradong relasyong pinapairal ng mga patakarang dapat sinusunod upang maging maayos ang takbo ng buhay ng isa’t isa. Tanong: Ano ang ipinagkaiba ng Fuck Buddy/Booty Call sa Friends with Benefits? Sagot: Walang batas o patakarang sinusunod ang realm ng Fuck Buddy/Booty Call dahil unlike Friends with Benefits, wala itong FRIENDSHIP. FRIENDSHIP. Ang Friends with Benefits ay nagsimula muna sa pagiging Friends na nadagdagan ng Benefits. Parang Student-Athlete. Student muna, bago naging Student-Athlete.
Mahalagang talakayin ang Friends with Benefits Unspoken Ethics dahil una, ito ang pwersang nagpapatakbo ng bawat relasyon na may ganitong sistema, at pangalawa, dahil Unspoken ito, hindi ito karaniwang pinag-uusapan at maaaring hindi masunod ang ilan sa mahahalagang batas na isinasaad ng Unspoken Ethics na ito.
1. UNSPOKEN EXCLUSIVITY
~~~ Dahil karaniwang transition phase ang Friends with Benefits papuntang Kami Na phase, mahalagang maensayo na ang ang mga indibidwal sa certain level of UNSPOKEN EXCLUSIVITY. Dahil aminin na natin, tao tayo, na marunong masaktan, at sooner or later, isa sa dalawang taong nasa ganitong relasyon ang magsisimulang umasa. Hindi kailangang mahal, basta Friends with Benefits, umeffort ka man lang na ipadamang siya lang.
2. EXPIRATION
~~~ Ang Friends with Benefits phase ay maaring magkaroon ng EXPIRATION sa mga pagkakataong: 1) Tigang lang talaga kayong dalawa dahil kagagaling niyo lang sa break up at makakatulong ang Friends with Benefits dahil aminin na natin, mahirap ang hindi nagsesex, 2) Hindi ito ginagamit na transition papuntang Kami Na phase at 3) Ang isa ay nag-eensayo lamang ng sex skills upang humusay at ang Friends with Benefits phase ay ginagawa niyang Training Ground. Mahalagang i-establish ang EXPIRATION na ito upang manatiling puro ang hangarin ng Friends with Benefits phase ng relasyon at hindi hahantong sa mga hindi inasahang kalalabasan tulad ng anak o ng pag-ibig. Para itong kontrata na hindi maaaring iwan basta-basta at dapat umabot sa araw ng EXPIRATION. Tulad rin ng isang totoong kontrata, maaring magkaroon ng EXTENSION kung nanaiisin.
3. THE RULE OF NON-DISKARTE
~~~ Ang FWB ay isang sagradong relasyon sa pagitan ng dalawang magkaibigan at kailanmang hindi maaaring gamiting DISKARTE, o paraan upang mapalapit sa kabilang party na involved. May ibang paraan para gawin iyon tulad ng paglalakad sa beach nang magkaholding hands o kaya’y ang pagkikiliti sa kili-kili ng bawat isa dahil iyon ay mga valid na DISKARTE. HINDI DISKARTE ANG PAGTIRA O PAGPAPATIRA dahil aminin na natin, ito ang isa sa advantages ng FWB, sex with no strings attached. Huwag pumasok sa FWB kung ang motibo mo ay ang DUMISKARTE dahil aasa ka lang, at masasaktan.
4. EXPECTATION MANAGEMENT
~~~ Ang FWB ay maaring maging isang maselan at mahirap na relasyon kung hindi maisasaayos nang malinaw ang EXPECTATIONS ng bawat isa. Nagiging FWB ang isang couple dahil sa mga dahilang sila lang ang nakakaalam at mga hangaring nais nilang makamit at mabuting malinaw ang mga ito sa bawat participantes. Dapat maging REALISTIC ang EXPECTATIONS ng bawat isa dahil sa FWB, walang umuuwi nang luhaan, lahat umuuwing kuntento, masaya at hinihingal.
5. NON-STD, SAFETY, AND HYGIENE CONTROL (N-SSH CONTROL)
~~~i) NON-STD Control- dito pumapasok ang batas ukol sa UNSPOKEN EXCLUSIVITY. Hindi maaring pumasok ang ano mang anyo ng STD sa relasyong ito dahil nakamamatay ito at pangalawa, ang STD ay maaring maging dahilan ng FWBO, Friends with Benefits Over na pupuntang sa mas malalang FO, Friendship Over. Isang mainam na paraan upang masunod ang NON-STD Control ay ang pagiging exclusive niyo sa isa’t isa.
~~~ii) SAFETY Control- Ang FWB ay isang relasyon na pinapasok para may masex, hindi para maging instant magulang. Kung kaya’t, mahalagang maging SAFE. Sa mga lalake, magdala parati ng condom, at magmasturbate bago magjogging ng tatlong oras dahil nakakababa raw yun ng sperm count. Daw. Nabasa ko sa TIKTIK. Sa mga babae, maging OC sa cycle, aralin ito ng mabuti, at hanapin ang ang mga sumusunod na araw: First Day of Menstruation, First Day of Ovulation at kung maari, kumuha ng birth control pills sa pinakamalapit na doctor o pharmacy.
~~~iii) HYGIENE Control- Ang FWB sex ay mas enjoyable kapag walang anghit, libag, pawis, at kulugong involved sa pagtatalik. Mainam na MALIGO, MAGTOOTHBRUSH, MAGSABON, MAGDEODORANT at MAGPABANGO sa bawat pagkikitang maaaring humantong sa pagtatalik. Alalahaning FRIENDS kayo ng iyong kasiping at kung mabaho ka, pwede ka niyang ibackstab sa iba niyong kaibigan na amoy tinga 24/7 ang hininga mo.
Ito ay ilan lamang sa mga batas na umiiral at nagpapainog sa mahalagang relasyon na Friends with Benefits. Alalahaning sundi ang mga ito dahil ang nariyan ang mga batas na iyan upang mapanatili ang kaayusan ng FWB. Kung sa tingin mo ay masyadong mahirap ang sinisingil ng FWB UNSPOKEN ETHICS, magCallboy ka na lang o MagEscort girl. Hindi nga lang kasing sarap, dahil hindi kayo FRIENDS. AT may bayad pa.
Matindi Matindi
April 2, 2009
Ang friendly talaga ng mga baristas, and cute pa. May nakilala na akong barista noon, sa Starbucks siya nagtatrabaho, pero she got fired, kasi maganda raw siya, at naiinsecure ang boss niya sa kanya. Huling usap namin, naaliw siya na may kotse na ako, at sabi niya, pasakay naman. Sabi ko. Sige. Pasasakayin kita. hahahaha
Today, nagkaroon na naman ako ng engkwentro sa isang barista, ng Seattle’s Best Coffee, siguro dahil 10:45 am noon at ako pa lang ang customer pero mostly, dahil pogi ako at hindi niya napigilang makipagkwentuhan sa akin. Nakita niya rin siguro kotse ko. Ito ang kwento ng barista na itatago na lang natin sa pangalang, Barista Cheska.
Chucks: Ano bang mas masarap, Cappucino o Americano?
BC: Mas okay po yung Cappucino sir.
Chucks: Ah ganun? O sige. Americano na lang.
BC: Tinanong niyo pa ako. Mukhang antok na antok kayo a.
Chucks: Oo. Kakatest ko lang kasi ng Chem. Nakakabobo, kailangan ko magkape.
BC: Ah talaga sir? Ang dami talagang nagtetest ngayon no.
Chucks: Oo. At sa wakas tapos na ako. Huling test ko na yun e.
BC: Sana ginalingan niyo sir.
Chucks: Siyempre ako pa.
Nangyari to sa counter. Inabot niya yung sukli sa akin, tapos, lumipat na siya dun sa spot na magtitimpla na siya ng kape ko. So, sumunod ako.
Chucks: Masarap ba yan?
BC: Okay naman tong Americano sir. Kaya lang usually, nilalagyan to ng syrup, pampalasa, para mas masarap.
Chucks: Ah ganun. Palagay naman o.
BC: Sir may bayad ho yun e.
Chucks. Ngek. Hindi ba pwedeng free na lang?
BC: Sir may bayad talaga e.
Chucks: Sige na, free na lang, ngingitian naman kita e.
BC: (Lumingon sa likod, ngumiti) Sir, nandiyan kasi manager ko e. Next time na lang.
Chucks: Yay. Osige.
So inabot niya na sa akin yung kape ko. Humingi ako ng lid tas sabi niya nasa counter. Pagpunta ko sa counter, hindi siya nakapagpigil at tinawag ulit ako, at inabutan ako ng lid na galing yata sa ilalim ng mesa niya. So siyempre, hinaplos ko muna yung kamay niya nung kinuha ko yung lid. Manyak. So umakyat ako, kasi magyoyosi ako dun sa lugar na aircon. Pero, kinailangan ko na umalis kaya bumaba ako. Pagbaba ko, nakitang kong may benta pala silang chocolates kaya bumili muna ako.
Chucks: Ay isa nga rin nito.
BC: Wow. Nice combination sir. Coffee at chocolates.
Chucks: Thank you. Magaling ako e.
BC: Sa inyo ba talaga yung chocolate o para sa akin? (Ngiti)
Chucks: Ay. Pwede rin. Hahaha. Assuming ka a.
BC: (Ngiti. Pindot sa cash register) Sukli niyo sir.
Chucks: Okay. Thanks Cheska. Bye.
At diyan nagtatapos ang engkwentro ko with Cheska. Cute siya. Sayang nagmamadali ako, kinulit ko pa sana siya, at kung umepekto na ang kape sa utak ko, hiningi ko sana number niya. Aww. Babalik na lang ako, tas ipapaalala ko sa kanya yung ipinangako niyang free syrup.
Sana, nabuo ng kapogian ko ang araw niya kung kaya’t ginanahan siyang magtimpla ng kape buong shift niya. Tumalab ata ang kamandag ng ngiti ko sa kanya. Amp. Kapal. HAHAHA
~~~~~~~~
Pagdating kong bahay, dahil wala nang exams, nakatunganga na lang ako. Namiss ko to. Yung tumunganga lang na walang iniisip na kailangang gawing homework.
So binuksan ko yung iTunes, at nagplay ng mga kanta in shuffle, ganun naman parati e, para interesting. Tapos, nagplay yung isang kanta ng Silent Sanctuary. Yiz. May OPM library ko e, pasensya na. HAHAHA
O kay bilis naman magsawa ng puso mo, ganyan ka ba talaga, bigla na lang naglalaho, para bang walang nangyari, di mo man lang sinabi
So basically, pinagsawaan ‘yung persona ng song. Yun yung dahilan kung bakit siya kumakanta.
Napaisip ako. Masakit naman talaga pagsawaan, or iwan, kasi parang same thing lang naman yun. Pag pinagsawaan na, itataboy. Darating sa point na mapapaisip ka, kung saan ka ba nagkulang o kung saan ka ba nagkamali, at malungkot man aminin, sisisihin mo ang sarili mo dahil feeling mo, kasalanan mo kung bakit ka pinagsawaan kaya ka iniwan. Pero kasalanan mo nga ba? Siguro, baka kasi pangit ka. HAHA de joke lang.
Pero yun nga. Ikaw na pinagsawaan, malamang, binigay mo yung sarili mo sa taong gusto mo, which is not entirely wrong dahil part naman yun e, yung pagpapakita ng what you have to offer, the real you kumbaga sa taong gusto mo. Hindi yun equal sa usual na ginagawa ng iba, yung pinapakita lang nila yung best side nila, at mas okay pa nga yung ginagawa mo, yung simula pa lang, alam na ng taong gusto mo na may body odor ka at barok ka talaga pag sinasabi mo yung mga salitang French na hindi naman alam ng maraming tao dito sa Pilipinas.
So pagkukulang mo nga ba na pinagsawaan ka? Kasalanan mo ba na hindi ka naging sapat?
Feeling ko hindi. Oo, nakakalungkot ma-reject, kasi, dahil nga the whole time, ipinapakita mo yung true self mo sa taong gusto mo dahil yun yung tama at logical na gawin, at dahil nireject ang totoo mong sarili, masakit dahil hindi pala katanggap-tanggap para sa isang tao ang buong katauhan mo. Pero, kakulangan niya iyon, nung bumasted sa yo. Dahil hindi niya nakita ang isang totoong taong walang maskara na ang tanging nais lamang ay maipakita ang kung ano mang meron siyang maibibigay. Oo. Siguro nga kulang ka sa maraming aspeto, dahil hindi maipagkakailang merong someone better than you, at marahil, yun yung hanap nung bumasted sa yo.
Well. Tanga siya. Kasi, yung someone better na yun ay nasa Africa, nagtatanim ng kamote sa disyerto at pinaplano nang kainin ng lions at hyenas, ng tropa ng Lion King Simba. Kasalanan niya na pinakawalan ka niya at hindi ka na dapat magluksa ng sobra-sobra. Tanga siya at bulag at tanga at tanga ulit dahil pinakawalan niya ang isang gwapitong tulad mo. Hahaha. Pero yun nga, walang problema ang katauhan mo. Walang problema ang itsura mo, well, minsan baka rason to. Walang problema ang ugali mo. Hindi ka lang talaga pasok sa hinihanap nung nangbasted sa yo, at hindi mo yun kasalanan, dahil issue niya yun na masyadong mataas ang standards niya at siguro, siya mismo hindi alam kung ano ba talaga hanap niya kung kaya’t papalit-palit na lang siya. Cool daw kasi siya that way.
Alam mo naman kung anong hanap mo e. At kung anong meron ka. Huwag mong baliwalain kung ano ka tulad ng pagbabalewala nito ng taong bumasted sa yo, dahil kung ikaw mismo hindi mo mahal o gusto ang sarili mo, talagang walang magkakagusto sa yo. Nanay mo lang. Kasi, anak ka niya.


