Words of Beerdom
April 30, 2009Natapos akong maggym sa Fitness First ng SM North EDSA around 9. Okay naman. Sana lang talaga, maging macho na ako. So far this week, twice na akong nagwork out, pero parang walang improvement. Payat pa rin ako na may tiyan. Buti na lang pogi ako, kung hindi, mukha siguro akong batang hindi pinapakain ng mabuti at mukhang tae na niliyaban ng gasolina.
Pauwi na ako, tumawag ang nanay ko, sabi niya, umuwi na ako. Tinanong ko kung nasa bahay na ba si Daddy Orly pero wala pa raw, gumigimik. So ako naman, tinawagan ko tatay ko, at nasa may Quezon Avenue lang pala siya, so naisipan ko siyang sundan dahil nagugutom ako para makalibre sa kanya, at kung swertihin, magkaraon kami ng Ultimate Father and Son Bonding Moment, UFSBM for short, sa Pegasus, dahil debut na nito, 18 years of quality service and chicks, kasi magpapalapdance kami together. Aww. Love you Dad. Pero hindi yun nangyari, dahil hindi pa siya ganun kalasing. SAYANG
So pagdating ko sa inuman place na tinambayan niya, kasama niya ang kanyang bestfriend na si Mario. BFF. May BFF din pala tatay ko. hahaha. Nice. One on One sila e. So anyway, ito ang ilang mga bagay na natutunan ko sa kanila habang nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga buhay-buhay nila habang ako’y kumakain ng Chicken Curry na inorder ko, na lasang papaya.
Orlando: Masyado na akong matanda para mag-entertain pa ng bagong trabaho na makakapagod lang sa akin, kaya habang bata pa, dapat talaga, todo kayod na.
Mario: Unang kotse ko noon, 33 years old na ako. Kaya ikaw, maswerte ka kasi 19 ka palang, may tsikot ka na.
Orlando: Mahirap yung hindi naranasang maging binata. Mahirap mag-asawa agad pagkatapos na pagkatapos mong grumaduate. Hindi mo masusulit ang buhay binata.
Mario: Ang buhay binata, dapat kaliwa’t kanan ang babae mo. Pag naka-sampung gerlpren ka na, pwede ka na mag-asawa.
Orlando: Kapag binata ka, yung kita mong 10 pesos, pwede mong ubusin. Kapag may asawa ka na, yung piso, pang good time, yung 9 pesos, para sa college tuition ng anak mo.
Mario: Okay yang civil enng na course mo, para ituloy mo na lang yung negosyo ng tatay mo.
Orlando: Maswerte nga talaga ang mga bata ngayon, madali lang para sa kanila ang mga bagay.
Mario: Madali lang ang babae.
Orlando: Madali lang mag-asawa.
MArio: Kapag binata ka, pwede kang magpanggap na may-asawa, good time yun. Pero pag may asawa ka na, at nagpanggap kang binata, aba, bad yun.
Orlando: Pero nong nag-asawa ako, natuto akong mag-ipon.
Mario: Hindi problema ang chicks kapag LOADED ka (MAY PERA).
Orlando: Kami ng Tito Mario mo, kahit hindi LOADED, may chicks pa rin, kasi, MAGANDA KAMING LALAKE.
HAHAHAHA. Okay. Mana ako sa tatay ko. Pogi ko.


