Hapag ng Pinoy
April 25, 2009Sa hapag ng isang pamilyang Pinoy, sari-sari ang ulam. At sa hapag ng karaniwang pamilyang Pinoy, may mga bisitang nakaupo, nakikisalo. Sa mata ng mga bisita, sari-sari ang ulam ang iba ngayon lang nakita. Sa hapag ng Pinoy, mahalang mag-alok ng ulam sa mga bisita. Dahil hindi nila matututunang magustuhan ang mga ulam na takot silang tikman. At kung ikaw yung ulam, hindi naman pwedeng ikaw yung mag-aalok ng sarili mo sa kanila. Yung nagluto sa yo ang mag-aalok sa mga bisitang mapanghusga, inosente, at gutom.


