Bumabagyo sa labas
April 19, 2009At yung batang Chucks sa loob ng aking katauhan ay humihiyaw ng,
“SANA WALANG PASOK BUKAS!”
HAHAHAHA.
Minsan, nakakamiss yung pagiging bata. Kahit tanga ka pa noon, tipong kapag pinapili ka between candy o 500 pesos, pipiliin mo yung candy. Pero, masaya maging bata kasi wala kang pinopoblemang exams, projects, gasoline prices, parties na pupuntahan, parties na hindi mapupuntahan, or pano sasabihing magiging tatay o nanay ka na. Kasi nung bata ka, pinopoblema mo lang kung ano kaya ang iniisip nung crush mo nung chinuchu ka nung bestfriend mo sa kanya at sinabing siya yung crush mo, na sana hindi gulay ang ulam mamaya, na sana may pasalubong na toy yung tatay mo sa yo, na sana magkatotoo yung wish mo sa falling star kagabi at sana, matalo ni Son Gokuo si Cell para hindi pumunta sa Pilipinas si Cell at higupin ka.
Matanda ka na. Matanda na ako. At nakakainis na ang daming dapat harapin kung kelan summer at masarap tumunganga na lang at magswimming sa kung saan. Ang sarap takasan ng mga bagay-bagay at lumipad patungo sa mga alapaap. Pero hindi e. Matanda ka na kasi. At matanda na kasi ako. At ang mga bagay na hinaharap natin ay mga bagay na kakailanganin natin para maging masaya balang araw at kung sweswertihin, ang susi natin para maging bata ulit.
Mag-aaral na ako ng Physics ulit kahit alam kong hindi ko naman kailangan to para gumawa ng anak o ng pancakes. Tangina yan. hahaha


