Sa mahabang pila, mabagal at walang katuturan
April 2, 2009May mga bagay na mahirap takasan. Sana, sa buhay, pwedeng mag Ctrl + Alt + Del at may End Task para madali lang pag ayaw mo na. Pero hindi e. Mahirap ang buhay, at dinisenyo ito para mahirapan ang bawat isa para maging mas matamis ang ibang sandali, yung masasayang sandali. Dahil kung hindi ganito ang buhay, mawawalan ng value yung masasayang sandali, at magiging well, nakakasuya, walang katuturan.
Minsan, kahit naiisip mong ayaw mo na, may parteng nagsasabing gusto mo pa or hindi pa dapat dahil may mga kailangan ka pang gawin para patunayang kaya mo pala itong pagdaanan.
Kapag ang Coke, iniwan mo sa sa baso nang sobrang tagal, at may ice pa kasi para malamig, mawawala yung carbonic acid, at dahil weak acid yun, magdedecompose siya to carbon dioxide at water, at yung carbon dioxide, aalis na siya sa drink kasi gas siya at less dense ang gas sa liquid, at pag nangyari yun, hindi na masarap yung Coke, basura na, asukal na linusaw sa tubig na lang.
Ayoko na. Fuck chem. Although nagamit ko siya sa metaphor ko sa last paragraph. Hahaha. I learned something naman pala. Amazing. hahaha
Add a comment


