Matindi Matindi
April 2, 2009
Ang friendly talaga ng mga baristas, and cute pa. May nakilala na akong barista noon, sa Starbucks siya nagtatrabaho, pero she got fired, kasi maganda raw siya, at naiinsecure ang boss niya sa kanya. Huling usap namin, naaliw siya na may kotse na ako, at sabi niya, pasakay naman. Sabi ko. Sige. Pasasakayin kita. hahahaha
Today, nagkaroon na naman ako ng engkwentro sa isang barista, ng Seattle’s Best Coffee, siguro dahil 10:45 am noon at ako pa lang ang customer pero mostly, dahil pogi ako at hindi niya napigilang makipagkwentuhan sa akin. Nakita niya rin siguro kotse ko. Ito ang kwento ng barista na itatago na lang natin sa pangalang, Barista Cheska.
Chucks: Ano bang mas masarap, Cappucino o Americano?
BC: Mas okay po yung Cappucino sir.
Chucks: Ah ganun? O sige. Americano na lang.
BC: Tinanong niyo pa ako. Mukhang antok na antok kayo a.
Chucks: Oo. Kakatest ko lang kasi ng Chem. Nakakabobo, kailangan ko magkape.
BC: Ah talaga sir? Ang dami talagang nagtetest ngayon no.
Chucks: Oo. At sa wakas tapos na ako. Huling test ko na yun e.
BC: Sana ginalingan niyo sir.
Chucks: Siyempre ako pa.
Nangyari to sa counter. Inabot niya yung sukli sa akin, tapos, lumipat na siya dun sa spot na magtitimpla na siya ng kape ko. So, sumunod ako.
Chucks: Masarap ba yan?
BC: Okay naman tong Americano sir. Kaya lang usually, nilalagyan to ng syrup, pampalasa, para mas masarap.
Chucks: Ah ganun. Palagay naman o.
BC: Sir may bayad ho yun e.
Chucks. Ngek. Hindi ba pwedeng free na lang?
BC: Sir may bayad talaga e.
Chucks: Sige na, free na lang, ngingitian naman kita e.
BC: (Lumingon sa likod, ngumiti) Sir, nandiyan kasi manager ko e. Next time na lang.
Chucks: Yay. Osige.
So inabot niya na sa akin yung kape ko. Humingi ako ng lid tas sabi niya nasa counter. Pagpunta ko sa counter, hindi siya nakapagpigil at tinawag ulit ako, at inabutan ako ng lid na galing yata sa ilalim ng mesa niya. So siyempre, hinaplos ko muna yung kamay niya nung kinuha ko yung lid. Manyak. So umakyat ako, kasi magyoyosi ako dun sa lugar na aircon. Pero, kinailangan ko na umalis kaya bumaba ako. Pagbaba ko, nakitang kong may benta pala silang chocolates kaya bumili muna ako.
Chucks: Ay isa nga rin nito.
BC: Wow. Nice combination sir. Coffee at chocolates.
Chucks: Thank you. Magaling ako e.
BC: Sa inyo ba talaga yung chocolate o para sa akin? (Ngiti)
Chucks: Ay. Pwede rin. Hahaha. Assuming ka a.
BC: (Ngiti. Pindot sa cash register) Sukli niyo sir.
Chucks: Okay. Thanks Cheska. Bye.
At diyan nagtatapos ang engkwentro ko with Cheska. Cute siya. Sayang nagmamadali ako, kinulit ko pa sana siya, at kung umepekto na ang kape sa utak ko, hiningi ko sana number niya. Aww. Babalik na lang ako, tas ipapaalala ko sa kanya yung ipinangako niyang free syrup.
Sana, nabuo ng kapogian ko ang araw niya kung kaya’t ginanahan siyang magtimpla ng kape buong shift niya. Tumalab ata ang kamandag ng ngiti ko sa kanya. Amp. Kapal. HAHAHA
~~~~~~~~
Pagdating kong bahay, dahil wala nang exams, nakatunganga na lang ako. Namiss ko to. Yung tumunganga lang na walang iniisip na kailangang gawing homework.
So binuksan ko yung iTunes, at nagplay ng mga kanta in shuffle, ganun naman parati e, para interesting. Tapos, nagplay yung isang kanta ng Silent Sanctuary. Yiz. May OPM library ko e, pasensya na. HAHAHA
O kay bilis naman magsawa ng puso mo, ganyan ka ba talaga, bigla na lang naglalaho, para bang walang nangyari, di mo man lang sinabi
So basically, pinagsawaan ‘yung persona ng song. Yun yung dahilan kung bakit siya kumakanta.
Napaisip ako. Masakit naman talaga pagsawaan, or iwan, kasi parang same thing lang naman yun. Pag pinagsawaan na, itataboy. Darating sa point na mapapaisip ka, kung saan ka ba nagkulang o kung saan ka ba nagkamali, at malungkot man aminin, sisisihin mo ang sarili mo dahil feeling mo, kasalanan mo kung bakit ka pinagsawaan kaya ka iniwan. Pero kasalanan mo nga ba? Siguro, baka kasi pangit ka. HAHA de joke lang.
Pero yun nga. Ikaw na pinagsawaan, malamang, binigay mo yung sarili mo sa taong gusto mo, which is not entirely wrong dahil part naman yun e, yung pagpapakita ng what you have to offer, the real you kumbaga sa taong gusto mo. Hindi yun equal sa usual na ginagawa ng iba, yung pinapakita lang nila yung best side nila, at mas okay pa nga yung ginagawa mo, yung simula pa lang, alam na ng taong gusto mo na may body odor ka at barok ka talaga pag sinasabi mo yung mga salitang French na hindi naman alam ng maraming tao dito sa Pilipinas.
So pagkukulang mo nga ba na pinagsawaan ka? Kasalanan mo ba na hindi ka naging sapat?
Feeling ko hindi. Oo, nakakalungkot ma-reject, kasi, dahil nga the whole time, ipinapakita mo yung true self mo sa taong gusto mo dahil yun yung tama at logical na gawin, at dahil nireject ang totoo mong sarili, masakit dahil hindi pala katanggap-tanggap para sa isang tao ang buong katauhan mo. Pero, kakulangan niya iyon, nung bumasted sa yo. Dahil hindi niya nakita ang isang totoong taong walang maskara na ang tanging nais lamang ay maipakita ang kung ano mang meron siyang maibibigay. Oo. Siguro nga kulang ka sa maraming aspeto, dahil hindi maipagkakailang merong someone better than you, at marahil, yun yung hanap nung bumasted sa yo.
Well. Tanga siya. Kasi, yung someone better na yun ay nasa Africa, nagtatanim ng kamote sa disyerto at pinaplano nang kainin ng lions at hyenas, ng tropa ng Lion King Simba. Kasalanan niya na pinakawalan ka niya at hindi ka na dapat magluksa ng sobra-sobra. Tanga siya at bulag at tanga at tanga ulit dahil pinakawalan niya ang isang gwapitong tulad mo. Hahaha. Pero yun nga, walang problema ang katauhan mo. Walang problema ang itsura mo, well, minsan baka rason to. Walang problema ang ugali mo. Hindi ka lang talaga pasok sa hinihanap nung nangbasted sa yo, at hindi mo yun kasalanan, dahil issue niya yun na masyadong mataas ang standards niya at siguro, siya mismo hindi alam kung ano ba talaga hanap niya kung kaya’t papalit-palit na lang siya. Cool daw kasi siya that way.
Alam mo naman kung anong hanap mo e. At kung anong meron ka. Huwag mong baliwalain kung ano ka tulad ng pagbabalewala nito ng taong bumasted sa yo, dahil kung ikaw mismo hindi mo mahal o gusto ang sarili mo, talagang walang magkakagusto sa yo. Nanay mo lang. Kasi, anak ka niya.
Previous Comments
Add a comment



ayun! emo! ligawan mo na yung barista…. joke… pero no matter how hard you flatten a pancake there will always be two sides…
Posted by tasha at April 2, 2009, 10:59 pm