Circus Track 7
April 2, 2009Di ako makatulog. Magbabasa-basa na lang ako. Siguro, yung nerdy Chucks ng aking subconscious ang ayaw akong patulugin kaya mag-aaral ako para antukin. Chem Chem Chem. Masaya akong ito na ang huli nating pagtutuos. Bumagsak man ako, wala akong pake, pagkat ito na ang huli, ibabaon kita sa limot, at akin ang huling halakhak, at yung tres. Labo.
So ayun. Dapat talaga magawa na yung project namin ni Jobim. Malapit nang mabura sa utak ko yung mga alam ko dahil antagal ko nang di nababasa yung mga libro at hindi na rin ako pumaparty at wala na rin yata akong dahilang isapuso pa ang mga alam ko. HAHAHA Kung bakit, secret ko na yon.
1:31 na. May test ako mamayang 9. Damn.
Sa sem na to, hindi ako masyadong driven mag-aral. There’s something about this sem na patalo at ‘di ako makapag-aral. It may be something external but still, ako pa rin yung may kasalanan kasi hindi ko nabalanse or hindi ko nacontrol. Tunganga ako minsan. Matalinong tunganga.
At sa mga usaping matters of the heart… Parang Century Tuna with Omega 3 lang yan, good for your heart.
Hindi ako lalakeng nagtataglay ng mga huwarang katangian o katwiran. Nagmamahal ako, yun lang. Ngunit kung magmahal ako’y nag-uumapaw, buong-buo, walang-kupas. Iisa ang alam kong paraan ng pagmamahal, at iyan ay sa puso, isipan at kaluluwa. Hindi ko pakay o nais ang tunay na pag-ibig; tunay akong magmahal, yun lang.
Add a comment


