Home » Archives » April 2009

Words of Beerdom

April 30, 2009

Natapos akong maggym sa Fitness First ng SM North EDSA around 9. Okay naman. Sana lang talaga, maging macho na ako. So far this week, twice na akong nagwork out, pero parang walang improvement. Payat pa rin ako na may tiyan. Buti na lang pogi ako, kung hindi, mukha siguro akong batang hindi pinapakain ng mabuti at mukhang tae na niliyaban ng gasolina. 

Pauwi na ako, tumawag ang nanay ko, sabi niya, umuwi na ako. Tinanong ko kung nasa bahay na ba si Daddy Orly pero wala pa raw, gumigimik. So ako naman, tinawagan ko tatay ko, at nasa may Quezon Avenue lang pala siya, so naisipan ko siyang sundan dahil nagugutom ako para makalibre sa kanya, at kung swertihin, magkaraon kami ng Ultimate Father and Son Bonding Moment, UFSBM for short, sa Pegasus, dahil debut na nito, 18 years of quality service and chicks, kasi magpapalapdance kami together. Aww. Love you Dad. Pero hindi yun nangyari, dahil hindi pa siya ganun kalasing. SAYANG

So pagdating ko sa inuman place na tinambayan niya, kasama niya ang kanyang bestfriend na si Mario. BFF. May BFF din pala tatay ko. hahaha. Nice. One on One sila e. So anyway, ito ang ilang mga bagay na natutunan ko sa kanila habang nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga buhay-buhay nila habang ako’y kumakain ng Chicken Curry na inorder ko, na lasang papaya.

Orlando: Masyado na akong matanda para mag-entertain pa ng bagong trabaho na makakapagod lang sa akin, kaya habang bata pa, dapat talaga, todo kayod na.

Mario: Unang kotse ko noon, 33 years old na ako. Kaya ikaw, maswerte ka kasi 19 ka palang, may tsikot ka na.

Orlando: Mahirap yung hindi naranasang maging binata. Mahirap mag-asawa agad pagkatapos na pagkatapos mong grumaduate. Hindi mo masusulit ang buhay binata.

Mario: Ang buhay binata, dapat kaliwa’t kanan ang babae mo. Pag naka-sampung gerlpren ka na, pwede ka na mag-asawa.

Orlando: Kapag binata ka, yung kita mong 10 pesos, pwede mong ubusin. Kapag may asawa ka na, yung piso, pang good time, yung 9 pesos, para sa college tuition ng anak mo.

Mario: Okay yang civil enng na course mo, para ituloy mo na lang yung negosyo ng tatay mo.

Orlando: Maswerte nga talaga ang mga bata ngayon, madali lang para sa kanila ang mga bagay.

Mario: Madali lang ang babae.

Orlando: Madali lang mag-asawa.

MArio: Kapag binata ka, pwede kang magpanggap na may-asawa, good time yun. Pero pag may asawa ka na, at nagpanggap kang binata, aba, bad yun.

Orlando: Pero nong nag-asawa ako, natuto akong mag-ipon.

Mario: Hindi problema ang chicks kapag LOADED ka (MAY PERA).

Orlando: Kami ng Tito Mario mo, kahit hindi LOADED, may chicks pa rin, kasi, MAGANDA KAMING LALAKE.

HAHAHAHA. Okay. Mana ako sa tatay ko. Pogi ko.

Posted by chucks at 11:42 pm | permalink | comments[1]

Isang Pelikulang Wala Namang Istorya

April 27, 2009

Tumigil na muna sa ako sa pagbabasa ng Physics dahil nakakalula na.

Kapag may isang bagay na bumabagabag sa isip mo, isang bagay na ilang araw nang umaalingawngaw sa paligid mong dati namang may katahimikang hindi na mahagilap, isang bagay na kinatatakutan mong maganap dahil ito’y hindi sa mga kalyo ng kamay mo nakasalalay, isang bagay na maaari mong maiwasan kung tutuusin subalit nagdududa ka pa kung nasa sa iyo ba ang lakas ng loob at tapang upang gumawa ng paraan upang takasan ang nagbabadyang panganib na sa hinuha mo’y paparating, o sa kabilang panig na maaari mo namang harapin at isugal ang sarili sa mga maaaring mangyari kahit sa huli’y di ka umuwing masaya kundi sugatan at walang kasing lungkot, ano ang gagawin mo?

Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Pero dapat siguro akong mag-aral dahil malapit na ulit mag-exam sa Physics at kailangan ko bumawi para makakuha ng mataas na grade. Bangungot ang Physics exam. Bangungot dahil una, natutulog lang ako kapag lecture, tapos, kapag gising na ko, bangungot kasi hindi ko alam yung nangyari at mga sinabi. Hay. Ang sipag ko na talaga.

Kanina nasa mall ako at dahil Linggo pala ngayon, may misa sa mall. Nakakainis yun. Una dahil ang laking harang sa daanan yung misa, na tipong kailangan mo pa umikot ng malayo para makapunta sa tindahan na gusto mong puntahan. Pangalawa, ewan ko, aaminin kong hindi ako solid na Kristiyano, pero, come on, misa sa mall? Ang labo nun e. Para sa akin, isa lang itong hakbangin ng mga may-ari ng mall para lalo pang dumami yung tao sa mall, hence, an increase on the possibility of making sales. Dahil iisipin na lang ng mga tao na sa mall magsimba para afterwards, nasa mall na sila, instant sunday gimik na kagad. Pero hindi e. Naniniwala pa rin akong dapat sa simbahan ginagaganap ang misa at dito lang dapat nagsisimba pero hindi lang ako makapag-isip ng dahilan. hahaha. sorry.

Posted by chucks at 12:39 am | permalink | Add comment

Hapag ng Pinoy

April 25, 2009

Sa hapag ng isang pamilyang Pinoy, sari-sari ang ulam. At sa hapag ng karaniwang pamilyang Pinoy, may mga bisitang nakaupo, nakikisalo. Sa mata ng mga bisita, sari-sari ang ulam ang iba ngayon lang nakita. Sa hapag ng Pinoy, mahalang mag-alok ng ulam sa mga bisita. Dahil hindi nila matututunang magustuhan ang mga ulam na takot silang tikman. At kung ikaw yung ulam, hindi naman pwedeng ikaw yung mag-aalok ng sarili mo sa kanila. Yung nagluto sa yo ang mag-aalok sa mga bisitang mapanghusga, inosente, at gutom.

Posted by chucks at 10:47 pm | permalink | Add comment

Humanap ka ng Panget at Ibigin mo nang Tunay

April 23, 2009

Kwento sa akin ng lolo ko na pogi rin tulad ko na noong unang panahon, walang kasing kamandag sa nayon nila ang kilabot ng kanyang patilya at ang alindog ng kanyang hubog. Pogi siya noong unang panahon at kwento niya, pila-pila ang mga babae sa kanya. Dahil noong unang panahon, ang pogi ay pogi, at pogi ang in demand.

Siguro iniisip niyo na chickboy ang lolo ko. Hindi siya chickboy. Pogi siya.

Bilang isang poging mamamayan ng makabagong panahon at kasama ang aking mga kaibigang pogi rin naman, napansin namin na sa ating panahon ngayon, hindi na pogi ang namamayani sa puso ng bawat chickabeybs na naglalakad at may boobs. Dahil hindi na pogi ang uso ngayon at walang halong biro kong ilalantad sa inyo na kahit saan ka lumingon, naglipana ang mga pogi, na single, at di pinapansin.

AYAW NA BA NG MGA BABAE SA POGI?

At hindi lang yan ang nakababahala, ito pa.

AYAW NA BA NG MAGAGANDANG BABAE SA POGI?

Aminin mo. Kahit saan ka lumingon, naglipana ang mga magkasintahang di mo matanto kung paano nagka-talo. Maganda si babae, tae si lalake. Maganda si babae, bakulaw si lalake. Maganda si babae, unggoy si lalake. Bakit hindi na lang kasi, maganda si babae, pogi si lalake. Mas okay naman yun di ba?

Hindi pogi ang chickboy. Ang chickboy ay isang uri pa ng lalakeng karaniwang naihahalintulad sa pogi ngunit ang dalawa ay magka-iba ng hangarin. Ang chickboy ay naglalaro. Ang pogi ay nagmamahal. Kung kaya’t hindi maipagkakailang responsable to a certain extent ang species ng chickboy dahil sa kanilang paglalaro at paramihan ng napa-iyak na chicks, nasisisi ang mga pogi.

Bukod sa dahilang iyan, di maipagkakailang in power na ang mga pangit at naiiwan na ang mga pogi. AYAW NA NG MGA BABAE SA POGI. Pansinin mo. Yung ex-girflriend mo, may bagong boylet na parang yung libag sa singit mo noong sampung araw kang hindi naligo dahil walang tubig pero kahit na, nagsosoccer practice ka pa rin kaya ang ganda lang ng itsura ng singit mo. Pansinin mo, yung bago mong boylet ngayon, hindi mo naman talaga gusto kasi mukha siya balakubak ng mamang tiga-Africa na pinatulan mo lang talaga na ewan ko ba kung bakit mo nasisikmura.

AYAW NA NG MGA BABAE SA POGI.

Pero alam niyo ba ang inaayawan niyo?

Ayaw niyo sa lalakeng may swabeng ngiti, may bigote man o wala. Ayaw niyo sa lalakeng matalino na tutulungan kang gawin yang calculus homework mo na sampung araw mo nang di masolve, i kiss mo lang siya. Ayaw niyo sa lalakeng walang ibang inatupag kundi patawanin ka’t pasiglahin ang araw mo na tipong makakalimutan mong nag-PPMS kayo o period niyo na. Ayaw niyo sa lalakeng ibibigay sa inyo ang crispylicious balat ng Chickenjoy niya na nilunod niya pa sa gravy para masamid kayo ay joke, mas katakam-takam sa inyong panlasa. Ayaw niyo sa lalakeng laging magrereply sa text mo kahit ang ikinikwento mo ay tungkol sa date niyo ng panget niyong manliligaw. Ayaw niyo sa lalakeng hahawakan ang payong niyo tuwing umuulan para hindi kayo mabasa kahit basang-basa na ang balikat pababa hanggang pantalon. Ayaw niyo sa lalakeng umaalalay sa iyo sa party kung saan kayo nalasing dahil siya lang yata ang lalakeng hindi kayo nilalasing. Ayaw niyo sa lalakeng okay lang na gawin niyong personal driver na maghahatid sa yo kung saan mo man kailangan pumunta, pero sana, kasama siya. Ayaw niyo sa lalakeng may pananalig sa Diyos na walang ibang ipinagdasal kundi ang maging masaya kayo, sa piling niya. Ayaw niyo sa lalakeng laging nariyan para sa inyo, dahil kayo ang laman ng puso niya. Ayaw niyo sa lalakeng ang gusto lang ay mahalin kayo ng buong puso, walang labis, walang kulang, basta puro pagmamahal at kapogian.

Nakakalimutan niyo na ang halaga ng isang pogi na lalake ngunit hindi pa huli ang lahat. Hindi pa naman sila extinct. Naglipana pa rin sila diyan. Naghihintay na inyong muling balikan.

At payo sa mga pogi: With great poginess, comes great awesomeness. Huwag sayangin ang kapogian. At huwag sirain ang kapogian. Use your poginess wisely.

Posted by chucks at 8:15 pm | permalink | comments[3]

Kamusta love life mo?

April 21, 2009

Eto, parang leche flan, walang kasing tamis. POTA!

Nanonood akong TV kanina. Tapos, nakita ko yung ad ng bagong teleserye ng ABS-CBN. Hindi ko na maalala yung title pero, yung bida yun ay si Diether Ocampo, si Angel Locsin, at si Sam Milby. Bigatin ang mga artista at bigatin din ang location. Sa Korea.

Hindi ko lang talaga maisip kung paano makakatulong yun sa kwento. Pwede namang sa Pilipinas na lang ilagay yung setting ng teleserye pero bakit kailangang sa Korea pa. Siguro, mas gwapo at mas maganda tignan yung mga artista kasi everytime makikita mo silang naka-jacket o kaya naka-scarf sa bawat eksena ng teleserye. Tipong, sa tipikal na Pinoy Teleserye, parating may eksena kung saan magsusuntukan yung dalawang leading men. Imagine-in mo. Si Sam Milby na nakascarf at si Diether Ocampo na naka-scarf din, nagsusuntukan, sa Korea. PANALO.

Siguro, marami lang talagang pera yung ABS-CBN kaya naisipan nilang gumastos ng ganun kalaki para sa teleserye na to. Pero feeling ko, ganun pa rin naman yung mangyayari kung sa Pilipinas ginawa yung setting. Bat hindi nila gawin sa Sulu? Para mag-cameo yung mga Abu Sayaf. Makikita pa ng maraming Pilipino yung Sulu na malamang-lamang ay hindi pa nila mapupuntahan.

Anong mapupulot ng isang maralitang Pinoy sa panonood ng isang teleseryeng naka-set sa Korea? At magiging relatable ba sa mga Pilipino ang teleseryeng ito, na nakaset sa Korea? At dahil nakaset sa Korea ang teleserye, magKo-Koreano ba si Sam, Angel, at Diether tapos may subtitles na Tagalog? At ano nang nangyari sa Takipsilim, yung tagalog version ng Twilight, hindi na ba itutuloy ng ABS-CBN yun?

Sana. Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagpapalabas ng mga teleseryeng naka-set sa isang bansa. Para sa akin, sinasalamin lamang nito ang mga kakulangan ng Pilipinas kaya kinakailangang pati teleserye, sa ibang bansa pa kukunan. Sa Korea naman, sikat din mga teleserye nila, pero sa sarili nilang bansa kinukuha, pero bat tayo, para lang masabi na maganda, kailangan pa sa ibang bansa kukunan. Tss. Kupal talaga mga Pilipino.

Posted by chucks at 11:09 pm | permalink | Add comment

     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Message Board

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Erica:

what Jio said. :) ) how old is this blog? baka naman one day, you’ll be a famous blogger, the one Pinoy pop culture books are made out of :) )

kath:

makikiran lang po

pat:

hoy may blog ka pala. sa multiply mo na ipost!!!! :) )

chucks:

Onga e. Pota. Pasensya naman a. Tangena. hahaha

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX