SCARY PAG SINABIHAN NG ‘WE NEED TO TALK’
March 13, 2009PUTEK. KANINA LANG, SOLID ANG PAGSUSULAT KO NG MGA LINYANG MAY TUGMA, TULA. TAPOS YUNG KATEXT KO, SABI, WE NEED TO TALK. AMPOTEK. NAUDLOT YUNG PAGSUSULAT KO E.
TAPOS. HINDI PA SIYA NAGREREPLY. 14 MINUTES NA ANG LUMILIPAS, WALA PANG REPLY. ISESEND KO NA ULIT YUNG REPLY KO KASI BAKA HINDI NIYA LANG NATANGGAP. WAIT.
OKAY. NASEND KO NA ULIT. BAKA MAHINA YUNG SIGNAL SA BAHAY NIYA KAYA HINDI NIYA TALAGA NATANGGAP REPLY KO. SO YUN SINEND KO NA LANG ULIT.
ANO KAYA SASABIHIN NITO. NAKAKAINIS.
SOBRANG HABA SIGURO NG TEXT NIYA, KAYA MATAGAL SIYA MAGREPLY. MALIIT KASI KAMAY NIYA TAPOS, MALAKI CELLPHONE NIYA, SO KUNG MAGTEXT SIYA, DALAWANG KAMAY, NA MABAGAL PA RIN TALAGA. TAPOS, BAKA UMALIS SIYA BIGLA KASI MAY PUPUNTAHAN YUN AT NAKALIMUTANG MAGREPLY.
SHIT. NAPAPARANOID AKO BIGLA. ANG LABO. PUKE NG PUSA.
SIGURO, NAKATULOG NA TONG TAONG TO. HOBBY NIYA YUN E, YUNG TULUGAN AKO.
WALA PALA AKONG BALAK ITIGIL ANG BLOG NA TO HANGGA’T DI DUMARATING YUNG REPLY NIYA. SO SHIT YEAH. BUHOS LANG.
UHM. NANOOD AKO NG MY BIG LOVE KANINA. INATAKE NA NAMAN YATA AKO NG KAJOLOGAN. NAKAKAHIYA MANG AMININ, NATUWA AKO SA PELIKULANG YUN. ANG GANDA TALAGA NI TONI GONZAGA, CRUSH KO NA SIYA BIGLA. SANA, AKO NA LANG YUNG BIDANG LALAKE DUN PARA NAGING KALOVETEAM KO SI TONI GONZAGA KAHIT SA PELIKULA LANG. BAKIT GANUN, KAHIT SA TV, HINDI KO MAIWASANG MALASING SA NGITI NIYA. KAYA NAKAKAALIW TALAGA MAKITA YUNG COMMERCIAL NIYA SA TV, YUNG SA TOOTHPASTE. INAABANGAN KO TALAGA YUNG ADVERTISEMENT NA YUN PAG NANONOOD AKO NG WOWOWEE E. SO YUN. KAPAG WALA KAYONG MAGAWA, PANOORIN NIYO YUNG MY BIG LOVE. MATUTUWA KAYO.
OKAY. 20 MINUTES NA. WALA PA RIN. TANGINA NAMAN O.
ANO KAYA SASABIHIN NETO AT BINITIWAN NIYA ANG NAKAKATAKOT NA ‘WE NEED TO TALK’ PERO MABAGAL NAMAN SIYA MAGREPLY.
SIGURO, TUMAE MUNA SIYA TAPOS INIWAN NIYA YUNG SELEPONO NIYA SA KWARTO KASI KADIRE NAMAN DALHIN SA BANYO TAPOS MAGTETEXT SIYA HABANG TUMATAE.
SO YUN. NANOOD NGA PALA AKO NG ERASERHEADS THE FINAL SET. SHIT. BUTI NA LANG PUMUNTA AKO. AT NAIS KONG PASALAMATAN ANG PINAKAMAMAHAL KONG TITO AT TITA NA NAGSPONSOR NG AKING HOLY PAKING SHIT.
AYAN! NAGREPLY NA. OKAY. BABAY.
Adik
March 11, 2009Minsan, may mga kanta talagang unang rinig mo pa lang, parang ang hirap pagsawaan. Iba e. Merong mga kanta na tipong, pag narinig mo, “Shit. Basura sa airwaves to a.” at maiisip mo na sana yung nasayang mong 3 minutes, tumae ka na lang o kaya nangulangot, nasulit mo pa yung oras mo kesa makinig sa kantang hindi mo maitindihan kung bakit sinulat at sumikat at kung bakit may nagkakagusto dito.
Pero yun nga. Wag mo na lang ijudge yung mga taong yun yung gusto. Kanya-kanyang trip lang talaga e. Baka yung jologs para sa kanila, cool na cool sa yo. Depende rin talaga sa mood mo or sa genre na gusto mo. Dati, nung nag-adik din ako sa isang kanta, umabot ng 300+ yung play count. Evindence - Urbandub. Decent naman yun di ba?! hahaha
Ngayon, may nahanap na naman akong song.
Siguro, maganda ang isang kanta at nakakaadik tong pakinggan dahil sinasalamin nito ang isang aspeto ng buhay mo kung kaya’t hindi mo maiwasang makita ang sarili mo sa mga salita nung kanta.
Nagplay ako ng iPod kanina e. Nagplay yung Macho Gwapito, yung tribute version ng Protein Shake ata yun.
Macho, Gwapito raw ako, Kinagigiliwan dahil may pangalan.
Pero hindi yun yung song na tinutukoy ko. Attempt ko lang ‘yan para magmukhang funny kuno yung entry na to.
Pero yun nga. May nahanap akong song. Pero di ko na lang sasabihin muna. Next time na. Suspense e. hahaha
Aminin mo na, you deserved it
March 8, 2009Nakakabobo talaga mapagalitan ng mga magulang mo. Pinagalitan nila ako kanina. Kasi, nagbago na raw ako. Hindi ko nga gets e. Minsan, paulit-ulit na lang yung sinasabi nila at nakakainis na kasi mga 100 times mo na yun narinig. Sisisihin mo sila, kasi hindi ka nila maintindihan. Gusto mong sumagot, pero alam mo namang babarahin ka lang nila at sasabihing bastos ka at kelan ka pa natutuong sumagot. Yung nanay mo, umiiyak kunwari tas yung tatay mo, nakatingin lang sa iyo gamit ang tiger look niya tapos nakakasindak talaga yung bigote niya.
Bakit ba kasi hindi nila maintindihan na college ka na? Na hindi ka na bata, na may mga bagay kang ginagawa mo kasi yun yung nagpapasaya sa yo?
Pero minsan, kahit sakit sa ulo na napapagalitan, kailangan rin talaga para magising ka sa katotohanang nagiging wala ka nang kwentang anak. Okay. I deserved it. Sumobra na nga ako kagabi.
Susubukan ko nang maging masunurin ng konti.
At the end of the day, isisisi ko na lang lahat ng mali sa akin sa mga magulang ko, yung hindi ako marunong sumayaw kasi hindi nila ako pinapapuntang party, yung pagiging mahiyain ko kasi hindi ako sanay makihalubilo sa mga tao, o yung hindi ako makapag-asawa kasi puro libro lang yung girlfriend ko ng college.
Pero siyempre, lahat ng tama tungkol sa akin, utang ko yun sa mga magulang ko, yung pogi ako kasi magaganda yung hormones na bigay nila sa akin.
Tanga lang talaga
March 5, 2009Minsan, may mga bagay kang ginagawa na kahit alam mo naman ang kalalabasan na kadalasa’y hindi maganda, gagawin mo pa rin. Halimbawa, alam mo namang hindi ka gusto ng crush mo, ilang ulit ka nang sinasabihan ng mga kaibigan mong mali lang ang interpretation mo sa mga “signals” na feeling mo binibigay niya, parati na lang “busy” o “hindi siya pwede” pag inaaya mong lumabas kahit wala ka pang day or time na sinasabi, at kahit anong pilit mo sadyang hindi masaya ang conversations niyong dahil panay tango o iling lang ang ibinibigay sa yo ng crush mo. Halata namang sablay ka na, ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Pero sa ‘di maipaliwanag na kadahilanan, at sa walang kasing sablay na pagkakataon, sasabihin mo sa kanya habang katext niya yung crush niya, na gusto mo siya at handa kang isakripisyo ang inyong pagkakaibigan para lang makuha ang pagkakataon na ipakitang karapat-dapat ka sa pag-ibig niya.
Parang ako. Kanina pa ako utot nang utot. Kinakabag ata ako. Mabaho ang utot. Pero, sa bawat utot na bitiwan ng pwet ko, hindi ko maiwasang hindi langhapin ang hanging alam ko naman ay mabaho.
Ganun lang siguro talaga ang buhay. Kahit may ideya ka na ng kung anong posibleng mangyari, lalaban ka pa rin at papatunayang mali ang inakala mo o ‘di kaya’y tama ang hinala. Pano mo nga naman malalaman kung hindi susubukan di ba?
At kung sa pag-amin mong iyan, magbago ang pagtingin ng crushable mo at maisipang patulan ka dahil nacute-an siya sa mga sinabi mo, success. Tama kang hindi ka dapat nagpapaapekto sa sinasabi ng iba at ang mga akalang likha ng duwag na nilalang sa loob ng iyong katauhan.
Ako, hinihintay ko pa yung utot ko na amoy sampaguita.


