Blanko
March 30, 2009Ilusyon lamang ang lahat dahil sa likod ng kulay, ng musika, ng mga ilaw, ay isang malaking blankong hihigop ng buhay mo. Dahil ang buhay ay isang malaking pagpapanggap na puno ng mga maskara’t panlilinlang. Ikaw na naniniwala’y mag-ingat sapagkat ang lahat ay hindi totoo at walang patutunguhan at ikaw na aktor mismo sa palabas na ito’y mamamatay na bulag sa katotohanang ang lahat ay kathang-isip lamang.
Add a comment


