FAIL
March 28, 2009Nasira yung charger ng laptop ko. Hindi ko alam kung marerepair pa ito, and sana, nandito si tito jun kasi alam niya kung paano to aayusin. So most likely, bibili ako ng charger. Sana affordable. Wait check ko.
http://store.apple.com/us/product/MA938LL/A?fnode=MTY1NDEwMQ&mco=MjE0ODI1Nw
Okay. $75. Magkano kaya yun sa pera natin. Powtek. Sana bilhan ako ng parents ko. lolz.
Dadalhin ko dapat tong laptop na to bukas sa UP kasi nga may meeting kami ng groupmates ko for Philo. Pero FAIL e, tangina, 57 minutes na lang ang natitira kong baterya. So sabi ko, hindi ko madadala. Fail.
Mejo nauubusan na ako ng blog topics. Nauubusan na ako ng ideas. Patapos na kasi yung school year. Kung paano yun konektado sa writer’s block na to, kayo nang bahalang mag-isip.
Yun na lang.
Kinausap na naman ako ng mga magulang ko kani-kanina lang. Ang bobo ko kasi. Ganito yun, sa bahay namin, sa attic ako nagpapausok. Today, may dumating na interior designers at boom, umakyat sila sa attic at naamoy ang pinausok ko. Nagalit ang mga magulang ko.
So yun. Ano raw bang plano ko sa buhay. Sa totoo lang, parang wala nga. Sinabi nila yun e, kung wala raw akong plano sa buhay, wag na lang daw ako mag-aral kasi wala raw mangyayari sa akin. Iniisip ko, may point nga sila, na sa buhay, kapag wala kang pangarap o kaya ambisyon, ano ang magiging motibasyon mo para bumangon araw-araw at gawin ang mga dapat mong gawin? Feeling ko ganun yung naging problema ko. Nawalan ako ng pangarap. Nawalan ako ng ambisyon. Nawalan ng bituin ang aking kalawakan.
So pumunta na naman akong attic after akong kausapin, so yun, matigas talaga ulo ko kaya nagpausok ulit ako. Nag-iisip ng kung ano mang long-term plan meron ako. Sobrang generic e. Plano kong yumaman. Plano kong magka-yatch. Plano kong maging sex symbol, ASA. hahaha.
Marami naman pala akong plano e. Pero yun nga, tamad talaga ako. Alam ko kasing matalino ako. Pero yun nga, pumapalpak kasi ang tamad-tamad ko. Hindi naman ako ganito dati. Siguro, dahil mura pa yung gas noon kaya masipag pa ako magaral. LABO.
Pero ang pinakapoint lang yata ng mga magulang ko, kailangan ko magtino. At magpagupit. At mangarap. At magmahal. NAKS. Sabay pasok ng love life e. HAHAHA FAIL.


