Adik
March 11, 2009Minsan, may mga kanta talagang unang rinig mo pa lang, parang ang hirap pagsawaan. Iba e. Merong mga kanta na tipong, pag narinig mo, “Shit. Basura sa airwaves to a.” at maiisip mo na sana yung nasayang mong 3 minutes, tumae ka na lang o kaya nangulangot, nasulit mo pa yung oras mo kesa makinig sa kantang hindi mo maitindihan kung bakit sinulat at sumikat at kung bakit may nagkakagusto dito.
Pero yun nga. Wag mo na lang ijudge yung mga taong yun yung gusto. Kanya-kanyang trip lang talaga e. Baka yung jologs para sa kanila, cool na cool sa yo. Depende rin talaga sa mood mo or sa genre na gusto mo. Dati, nung nag-adik din ako sa isang kanta, umabot ng 300+ yung play count. Evindence - Urbandub. Decent naman yun di ba?! hahaha
Ngayon, may nahanap na naman akong song.
Siguro, maganda ang isang kanta at nakakaadik tong pakinggan dahil sinasalamin nito ang isang aspeto ng buhay mo kung kaya’t hindi mo maiwasang makita ang sarili mo sa mga salita nung kanta.
Nagplay ako ng iPod kanina e. Nagplay yung Macho Gwapito, yung tribute version ng Protein Shake ata yun.
Macho, Gwapito raw ako, Kinagigiliwan dahil may pangalan.
Pero hindi yun yung song na tinutukoy ko. Attempt ko lang ‘yan para magmukhang funny kuno yung entry na to.
Pero yun nga. May nahanap akong song. Pero di ko na lang sasabihin muna. Next time na. Suspense e. hahaha


