Aminin mo na, you deserved it
March 8, 2009Nakakabobo talaga mapagalitan ng mga magulang mo. Pinagalitan nila ako kanina. Kasi, nagbago na raw ako. Hindi ko nga gets e. Minsan, paulit-ulit na lang yung sinasabi nila at nakakainis na kasi mga 100 times mo na yun narinig. Sisisihin mo sila, kasi hindi ka nila maintindihan. Gusto mong sumagot, pero alam mo namang babarahin ka lang nila at sasabihing bastos ka at kelan ka pa natutuong sumagot. Yung nanay mo, umiiyak kunwari tas yung tatay mo, nakatingin lang sa iyo gamit ang tiger look niya tapos nakakasindak talaga yung bigote niya.
Bakit ba kasi hindi nila maintindihan na college ka na? Na hindi ka na bata, na may mga bagay kang ginagawa mo kasi yun yung nagpapasaya sa yo?
Pero minsan, kahit sakit sa ulo na napapagalitan, kailangan rin talaga para magising ka sa katotohanang nagiging wala ka nang kwentang anak. Okay. I deserved it. Sumobra na nga ako kagabi.
Susubukan ko nang maging masunurin ng konti.
At the end of the day, isisisi ko na lang lahat ng mali sa akin sa mga magulang ko, yung hindi ako marunong sumayaw kasi hindi nila ako pinapapuntang party, yung pagiging mahiyain ko kasi hindi ako sanay makihalubilo sa mga tao, o yung hindi ako makapag-asawa kasi puro libro lang yung girlfriend ko ng college.
Pero siyempre, lahat ng tama tungkol sa akin, utang ko yun sa mga magulang ko, yung pogi ako kasi magaganda yung hormones na bigay nila sa akin.
Previous Comments
Add a comment



Oks lang yan. I like the hormones part HAHA
Posted by Pico at March 11, 2009, 6:16 pm