Home » Archives » 08. March 2009

Aminin mo na, you deserved it

March 8, 2009

Nakakabobo talaga mapagalitan ng mga magulang mo. Pinagalitan nila ako kanina. Kasi, nagbago na raw ako. Hindi ko nga gets e. Minsan, paulit-ulit na lang yung sinasabi nila at nakakainis na kasi mga 100 times mo na yun narinig. Sisisihin mo sila, kasi hindi ka nila maintindihan. Gusto mong sumagot, pero alam mo namang babarahin ka lang nila at sasabihing bastos ka at kelan ka pa natutuong sumagot. Yung nanay mo, umiiyak kunwari tas yung tatay mo, nakatingin lang sa iyo gamit ang tiger look niya tapos nakakasindak talaga yung bigote niya. 

Bakit ba kasi hindi nila maintindihan na college ka na? Na hindi ka na bata, na may mga bagay kang ginagawa mo kasi yun yung nagpapasaya sa yo?

Pero minsan, kahit sakit sa ulo na napapagalitan, kailangan rin talaga para magising ka sa katotohanang nagiging wala ka nang kwentang anak. Okay. I deserved it. Sumobra na nga ako kagabi.

Susubukan ko nang maging masunurin ng konti. 

At the end of the day, isisisi ko na lang lahat ng mali sa akin sa mga magulang ko, yung hindi ako marunong sumayaw kasi hindi nila ako pinapapuntang party, yung pagiging mahiyain ko kasi hindi ako sanay makihalubilo sa mga tao, o yung hindi ako makapag-asawa kasi puro libro lang yung girlfriend ko ng college.

Pero siyempre, lahat ng tama tungkol sa akin, utang ko yun sa mga magulang ko, yung pogi ako kasi magaganda yung hormones na bigay nila sa akin.

Posted by chucks at 11:18 pm | permalink | comments[1]

     

March 2009
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX