Blanko
March 30, 2009Ilusyon lamang ang lahat dahil sa likod ng kulay, ng musika, ng mga ilaw, ay isang malaking blankong hihigop ng buhay mo. Dahil ang buhay ay isang malaking pagpapanggap na puno ng mga maskara’t panlilinlang. Ikaw na naniniwala’y mag-ingat sapagkat ang lahat ay hindi totoo at walang patutunguhan at ikaw na aktor mismo sa palabas na ito’y mamamatay na bulag sa katotohanang ang lahat ay kathang-isip lamang.
FAIL
March 28, 2009Nasira yung charger ng laptop ko. Hindi ko alam kung marerepair pa ito, and sana, nandito si tito jun kasi alam niya kung paano to aayusin. So most likely, bibili ako ng charger. Sana affordable. Wait check ko.
http://store.apple.com/us/product/MA938LL/A?fnode=MTY1NDEwMQ&mco=MjE0ODI1Nw
Okay. $75. Magkano kaya yun sa pera natin. Powtek. Sana bilhan ako ng parents ko. lolz.
Dadalhin ko dapat tong laptop na to bukas sa UP kasi nga may meeting kami ng groupmates ko for Philo. Pero FAIL e, tangina, 57 minutes na lang ang natitira kong baterya. So sabi ko, hindi ko madadala. Fail.
Mejo nauubusan na ako ng blog topics. Nauubusan na ako ng ideas. Patapos na kasi yung school year. Kung paano yun konektado sa writer’s block na to, kayo nang bahalang mag-isip.
Yun na lang.
Kinausap na naman ako ng mga magulang ko kani-kanina lang. Ang bobo ko kasi. Ganito yun, sa bahay namin, sa attic ako nagpapausok. Today, may dumating na interior designers at boom, umakyat sila sa attic at naamoy ang pinausok ko. Nagalit ang mga magulang ko.
So yun. Ano raw bang plano ko sa buhay. Sa totoo lang, parang wala nga. Sinabi nila yun e, kung wala raw akong plano sa buhay, wag na lang daw ako mag-aral kasi wala raw mangyayari sa akin. Iniisip ko, may point nga sila, na sa buhay, kapag wala kang pangarap o kaya ambisyon, ano ang magiging motibasyon mo para bumangon araw-araw at gawin ang mga dapat mong gawin? Feeling ko ganun yung naging problema ko. Nawalan ako ng pangarap. Nawalan ako ng ambisyon. Nawalan ng bituin ang aking kalawakan.
So pumunta na naman akong attic after akong kausapin, so yun, matigas talaga ulo ko kaya nagpausok ulit ako. Nag-iisip ng kung ano mang long-term plan meron ako. Sobrang generic e. Plano kong yumaman. Plano kong magka-yatch. Plano kong maging sex symbol, ASA. hahaha.
Marami naman pala akong plano e. Pero yun nga, tamad talaga ako. Alam ko kasing matalino ako. Pero yun nga, pumapalpak kasi ang tamad-tamad ko. Hindi naman ako ganito dati. Siguro, dahil mura pa yung gas noon kaya masipag pa ako magaral. LABO.
Pero ang pinakapoint lang yata ng mga magulang ko, kailangan ko magtino. At magpagupit. At mangarap. At magmahal. NAKS. Sabay pasok ng love life e. HAHAHA FAIL.
Consume Before Interest Expires
March 20, 2009Ang pag-ibig o kung ano mang namamagitan sa inyo ng pseudo-jowa mo na malapit dito ay parang gamot, iba yung tama, nakakaginhawa, masarap kumbaga. Pero dahil para nga siyang gamot, may expiration date depende na lang sa takbo ng mga bagay-bagay sa pagitan ninyo.
Aminin na natin na hindi lahat ng relationships ay nagtatagal nang panghabambuhay. Hindi rin garantiya ang kasal dahil maging ang mga mag-asawa ay nagkakasawaan din at one point pagkatapos ng ilang taon at dahil marami na silang anak, hindi nila magawang makawala sa kulungang inakala nila’y panghabangbuhay na nirvana. Pero siyempre, opinyon ko lang yun. Baka nga hindi naman ito ang kaso para sa lahat ng mag-asawa, pero, masasabi nating may mga ganitong nagaganap nga sa mga naikasal na.
Okay lumayo a. Dapat pre-marriage relationships lang scope nito e. Potek. Okay back. Hahaha
Kanya-kanyang dahilan lang naman yan kung bakit nagwawakas ang relationships. Siguro, nag-uugat lang lahat sa pagkakaroon ng pagkakaiba ng gusto sa pagitan ng dalawang magjowa. Ibang kaso pa yung, simula pa lang ng relationship, hindi mo alam yung gusto mo, at talagang pumasok ka lang sa relationship para lang makita kung makakapasok ka ba o hindi. Mahalagang alam mo kung ano ang gusto mo bago pumasok sa isang relationship at sunod dun na nagkakasundo ang mga gusto mo sa gusto nung magiging partner mo, dapat, may consensus. hahaha. amp.
Pero yun nga. Hindi nga siguro talaga maiiwasan yung expiration date. Kasi, at some point, magbabago ka o siya bigla at marerealize na lang na iba na yung gusto mo ngayon kung ikukumpara sa noon.
At masasabi rin naman na isang malaking parte ng buhay ang paghahanap ng makakatuluyan, kaya may expiration date ang lahat. Tipong, pumasok kang library.
Pupunta ka muna sa Reference section, tapos, magbabasa ka ng isang volume ng kung anong madukot mong encyclopedia. Tapos, magsasawa ka, lilipat ka sa Fiction, maghahanap ng mababasa, pag tapos na, lipat sa New Acquisitions. Gets? Titigil ka lang pag may nahanap kang libro na cover pa lang, excited ka nang basahin from cover to cover tapos, kahit isang milyong beses mo na nabasa, benta pa rin sa yo yung mga punch line ng kwento at natotouch ka pa rin dun sa mga chapter na may heartfelt na eksena.
Unfair ang buhay, dahil yung ibang tao, unang pasok pa lang sa library at hindi marunong gumamit ng OPAC ay nakakahanap agad ng librong babasahin nila habangbuhay. Yung iba, nakailang pasok na sa library, pero, wala pa rin talaga e, nasanay na yata sa Wikipedia at nangangapa ulit pagdating sa tamang paghahanap ng libro.
Kaya yun, kapag sawa ka na sa libro mo, sana ibalik mo sa library para mapakinabangan naman ng iba at sana, wag kang gumawa ng bagay na makakasira sa librong dinukot mo noon at ibinabalik na ngayon. Hindi porket napangitan ka jan, pangit na rin yan para sa lahat pero pwede rin yun kasi, na pangit talaga yung libro to begin with. Inaalikabok na kasi yan nung dinukot mo. Kaya yun.
Ako. May libro yata akong nadukot ngayon. Pocket book. POTAAAAA. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
)
Pagtatapat ng Nadarama Template!
March 17, 2009Minsan, may mga bagay na mahirap sabihin kahit alam mo naman. Gusto mo siya, hindi mo pa nasasabi. Mahal mo na, natatameme.
Kung kaya’t heto na ang isa na namang speech template na maaring mong magamit sa pag-amin sa iyong napupusuan na gusto o mahal mo siya. Dahil ang mga bagay na ito’y dapat pinaghahandaan, makakatulong ang Pagtatapat ng Nadarama Template sa isang swabeng-swabe at walang palpak na pag-amin.
(Ipasok ang pangalan ng aaminan), kailangan nating mag-usap. Batid kong (Ipasok ang panahong kayo’y magkakilala) tayong magkakilala at nais kong sabihin sa iyo na buhat nang ika’y maging parte ng buhay ko, wala nang naging kasing (Magpasok ng salitang kasing kahulugan ng “saya” o “astig” o basta magandang pakinggan na salita) ang bawat pagsikat ng araw. Sa mga salitang aking bibitiwan, huwag ka sanang (Magpasok ng salitang kasing kahulugan ng “gulat”) pagka’t ang nais ko lamang ay mailabas na ang nararamdaman ng aking (Magpasok ng isang mahalagang parte ng iyong katauhan). (Ipasok ang nais mong aminin). Sapagkat sa iyong mga (Magpasok ng isang kaakit-akit na parte ng katawan ng aaminan), naakit akong (Ipasok ang iyong sexual orientation), at ipinapanalanging ika’y maging akin, (Ipasok ang petname na gagamitin mo sa kanya pag gumana) ko. (Ipasok ang kasalukuyang relationship niyo) tayo, hindi ko ipagkakaila subalit sadyang hindi ko napigilang mahulog sa iyo. (Magpasok ng bagay na iyong gagawin upang patunayan ang iyong nadarama), mapatunayan lamang sa iyo na walang halong pambobola ang intensiyon ko. (Ulitin ang iyong inamin), at iyan ang totoo. Ang hinihiling ko lamang ay (Ipasok ang nais mong gawin niya) mo ako at ipinapangako ko sa iyong (Magpasok ng isang magandang bagay na maaring mangyari kapag maganda ang tugon niya sa inamin mo). Ang nadarama ko’y totoo, hindi kita niloloko.
For example,
Juniper, kailangan nating mag-usap. Batid kong limang araw tayong magkakilala at nais kong sabihin sa iyo na buhat nang ika’y maging parte ng buhay ko, wala nang naging kasing tamis ang bawat pagsikat ng araw. Sa mga salitang aking bibitiwan, huwag ka sanang masindak pagka’t ang nais ko lamang ay mailabas na ang nararamdaman ng aking damdamin. Mahal kita. Sapagkat sa iyong mga hita, naakit akong binata, at ipinapanalanging ika’y maging akin, buko pandan pie ko. Magkapitbahay tayo, hindi ko ipagkakaila subalit sadyang hindi ko napigilang mahulog sa iyo. Tatawirin ko nang hubo’t hubad ang San Juanico Bridge, mapatunayan lamang sa iyo na walang halong pambobola ang intensiyon ko. Mahal kita, at iyan ang totoo. Ang hinihiling ko lamang ay mahalin mo ako at ipinapangako ko sa iyong hindi na magpaparetoke ulit si Madam Auring. Ang nadarama ko’y totoo, hindi kita niloloko.
Kung papalarin, matapos sabihin ang walang kasing dali at walang kasing hindi hassle na speech template na ito, magwawakas na akong buhay single mo at mararanasan mo na rin ang iba’t ibang kulay nang taong nasa isang relationship. Congrats sa mga magtatagumpay at sa mga masasawi, try again na lang. BABAY!
Can This Be Love
March 16, 2009Umiinit ang puso ko pag iniisip kita.
Mukha akong tanga kasi, makita ko lang ngiti mo, napapangiti rin ako at feeling ko, kinikiliti ako sa lahat ng pwede pagkilitian sa akin.
Hindi ko inisip na ganito ang pagkrus ng landas natin, pero masaya ako na magkaganunman, nakilala kita.
Nahuhulog na ako sa yo.
Akin ka na lang please.
) hahahaha


