Breaking Up Speech Template
February 10, 2009Maraming dahilan kung bakit kailangang makipagbreak-up ng isang tao sa kanyang jowa.
At some point in your relationship, maiisip mo na hindi ka na masaya o ‘di kaya hindi mo na kilala ang sarili mo dahil naubos na ng relationship mo yung katauhan at kaluluwa mong iyo naman talaga dapat. Dito ka na magsisimulang mapaisip kung tama o kung healthy pa nga bang mag-stay sa relationship mo.
May makikilala kang bagong bagito o dalaginding na makabibingwit ng iyong atensyon at di magtatagal, mararamdaman mong in love ka na yata pero infatuated ka lang naman talaga at magdedesisyon kang iwan ang syota mo para tahakin ang landas patungo sa puso ng bago mong target.
Iba-iba ang dahilan, at pagdating sa oras na kailangan mo nang makipaghiwalay sa syota mo, isa lang ang common denominator sa lahat ng break-ups: The Break-up Speech.
Dahil disente kang tao, ayaw mong masaktan ang iyong naging irog sa loob ng mahabang panahon kaya naman, as much as possible, gagawin mong napaka-subtle ng iyong break-up speech para hindi maging ganun kasakit para sa sinta mo ang tanggaping nais mo na siyang talikuran forever.
Kung hindi mo pa naiisip ang mahinahong mga salitang iyong bibitawan upang makawala sa kadena ng pag-ibig niya, eto ang isang template na maaari mong gamitin upang mapadali at maging swabe ang iyong pakikipaghiwalay sa beybeh mo.
Hey (Insert boypren’s/gerlpren’s name), we need to talk. It has really been the greatest (Insert relationship age) of my life and I couldn’t imagine what it could’ve been like if you hadn’t been part of it. There is no (Insert synonyms for the word good) way to say this and I really don’t want to hurt your (Insert a fundamental part of a person’s being) but I think it’s not working anymore. It’s not you, it’s me. I know this hurts, but I think that you deserve someone (Insert your best quality in the form: adjective + -er). We could really use some space and I think it would make us (Insert quality you think your partner lacks or needs to possess/develop) if we’d take separate paths. I really just need to focus on my (Insert important thing that must be taken care of for your future or something you feel is more important than your partner) right now and I think it would be best for you if you did the same. This is not the end. I hope we can still be (Insert new desired relationship with him/her that preferably doesn’t involve commitment). I hope you’ll be okay. (Insert generic parting words usually used in text messaging).
For example:
Hey Jessica, we need to talk. It has really been the greatest 2 days of my life and I couldn’t imagine what it could’ve been like if you hadn’t been part of it. There is no honorable way to say this and I really don’t want to hurt your soul but I think it’s not working anymore. It’s not you, it’s me. I know this hurts, but I think that you deserve someone pogi-er. We could really use some space and I think it would make us more intelligent if we’d take separate paths. I really just need to focus on my DOTA pawning skills right now and I think it would be best for you if you did the same. This is not the end. I hope we can still be seatmates in class. I hope you’ll be okay. Sese.
Kung inyong pagmamasdan, ganun kadali makipagbreak. In less than 3 minutes, makakamtan mo ang inaasam mong kalayaan mula sa mapanlupig at walang hiyang buhay may-syota.
Habang maaga pa at bago mag-Valentine’s, let us all break up with our loved ones be and happy, alone.
Monster Guide to Moving On
February 7, 2009Uso ang maging single nowadays. Kapag hindi ka single, hindi ka cool. At dahil sunod sa uso ang boypren/gerlpren mo, magdedesisyon siya makipagbreak sa yo, tulad nung nauso yung skinny jeans, bumili siya ng pito, iba-ibang kulay pa.
Well don’t fret, dahil ito na ang step-by-step guide para makamove on ka’t hindi na isipin siyang muli kailan man.
1. Magsimula ka ng bisyo.
-Increase your nicotine and alcohol intake. Oo, miserable ihawin ang baga mo at lunurin ang atay mo, pero, hindi yun kasing miserable ng kung paano dinurog yung puso mo. Hindi ganun kadali magpa-heart transplant. Nakakatulong din na magbisyo with your friends. Uminom kayo together. Magyosi kayo together. Makakatulong to kasi madidistract ka tapos nakakabond mo pa ulit yung mga kaibigan mong minsan mong iniwan kasi single sila tas ikaw taken, pero magkasama na ulit kayo ngayon kasi nga wala kang mapupuntahang gerlpren/boypren. At hindi ka pwedeng saktan ng mga kaibigan mo.
2. Maligo ka parati.
- Kailangan matanggal ang iniwang marka sa yo nung taong minahal mo ngunit sinaktan ka. Enough ba ang sampung paligo para matanggal ang alaala ng kanyang mga haplos sa yo? HINDI. Kaya dapat, magsabon ka ng sobra hanggang mapudpod na yung sabo mo. At sabi rin kasi to ng lolo ko, “Init lang yan! Maligo ka ng malamig!”
3. Bumili ka ng supot…
-At ipasok ang lahat ng bagay na maaaring magpaalala sa iyo nung nang-iwan sa yo. Itabi ang supot sa isang madilim na sulok tulad na lang nang lugar na lagi mong tinatambayan pag nagmumukmok ka sa kalungkutan. Kapag ready ka na, pwede mo itong itapon. Kung gusto mo ng drama, pumunta ka sa bahay ng ex mo, at ibalik mo sa kanya.
4. Sumali ka sa gym
-Para the next time na magkasalubungan kayo nung ex mo, makikita niya ang katawang di na niya matitikmang muli, kasi ngayon, mas macho ka na o mas sexy ka na. Magsisisi siya bigla na pinakawalan ka niya para sa ibang lalake/babae na may excessive love handles o di kaya’y mukhang kahawig ng siko ng matabang egoy. Hot ka na ngayon. Siya hindi. Haba ng hair mo.
5. Mag-artista ka
-Para magsisi ulit siyang pinakawalan ka niya. Pag nasa The Buzz ka at tinanong kung ilan na ang naging ex mo, sabihin mo, “Wala.” O kaya wag mo siyang banggitin. Para magmukhang wala lang yung inyong nakaraan. Sampal yun sa mukha niya. O diba. Showbiz na showbiz.
6. I-increase ang Landi Tendencies
-Kung dati, introvert ka, dapat, ngayong sawi ka, taasan mo ang panglalandi mo. Okay yun kasi it brings you back to the game. At okay rin yung opener, ikaw yung bitter, vulnerable person na nangangailangan ng magcocomfort. Hindi yun attractive, pero, okay siyang pangkuha ng atensyon. Pag sawa ka na sa ganung routine, maging malandi ka lang. Period. Dadami ang friends mo at malay mo, mahanap mo ang next potential lover mo sa panlalandi.
7. Magbisyo ka
-Kailangan talaga to. Kaya mahalagang inulit ko.
8. Bumili ka ng alagang Pagong
- Hindi ka iiwan niyan. Kasi nga, alaga mo siya. Pwede mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo sa pagong na ito, at hindi siya magrereklamo. Subukan man niyang tumakas, di niya magagawa kasi pagong siya at mahahabol at mahahabol mo rin siya.
9. Magbukas ka ng blog
- Okay magblog. Pwede mong isulat lahat ng feelings mo about sa nangyari that way, may outlet ka ng negative emotions na dapat nang matanggal sa loob ng sistema mo. Pag may nakilala kang cutie, blog about it tapos make sure na mababasa to ng ex mo para makita niyang nakamove on ka na at libag na lang ng pwet ng kabayo ang tingin mo sa kanya.
10. Bumili ka at manood ng Horror Movies
- Kailangan mo na kasing masanay na wala kang kayakap o walang yayakap sa yo kapag nanonood ng horror movies. Kapag nasanay ka na, madali nang manood ulit ng chick flicks o kaya yung susunod na movie ni Richard Guttierez at KC Concepcion.
Sana makatulong ang listahang ito. Magmahal at masaktan ay parang kape at pandesal, hindi maipaghihiwalay. Humayo kayo at magmove on.
utong sa youtube
February 4, 2009Desente akong tao, malakas lang ako sa kalokohan o kung ano-anong kasabawan na usally nangyayari kapag hating gabi na. Kung ang ibang tao, sa pagpatak ng hating gabi ay nagpapalit ng anyo tipong uuwi na kasi magiging pumpkin na ulit yung karuwahe niya at magiging pangit na ulit yung itsura ng damit niya (Si Cinderella), ako, inaatake ng kalokohan.
Walang porn sa youtube. Binubura nila ang kung ano mang kalaswaan ang inilalagay dun kasi merong ibang lugar para sa kalaswaan tulad ng spankwire o redtube.
Pero ngayong gabi, nalaman ko na may utong pa rin sa youtube.
Search mo, “Breastfeeding”.
See? May utong sa youtube at kung tipong fetish mo ang makakita ng mga baby na dumedede sa dibdib ng nanay nila, puwes, ito na. Breastfeeding videos courtesy of youtube.
Sorry kung nilagyan ko ng kalaswaan ang pagpapadede ng sanggol. Bangag lang ako.
Back to work!
Let it flow, let it flow, let it flow
February 1, 2009Tinatamad pa akong gumalaw o kumilos o magtrabaho para sa mga school work na kailangan kong gawin. Pause muna sa mga gawaing pangkinabukasan na parati ko na lang ginagawa kaya madalas akong nakakatulog habang nag-aaral o napapatunganga na lang sa kama ko kapag humiga. Kapag ginaganahan akong mag-aral, hihiga ako until the feeling is gone sabay makakatulog. Yan ang buhay ko bilang estudyante sa kolehiyo.
Today is let it flow day kaya malamang-lamang, magiging mahaba ang post na ‘to. Kung bored ka rin tulad ko na walang interes mag-aral dahil sunday naman at kung magsisimula ka nang mag-aral ngayon, ano nang gagawin mo tonight or bukas, edi basahin mo na lang to para masabaw ka o baka sakaling may mapulot kang aral na mapagkakakitaan mo in the future pag di ka grumaduate tulad ng mga tambay sa kanto. Kung tama ang alala ko, sabi ng third year high school filipino teacher ko noon na kapag nagsusulat ka ng poetry, you have to let it flow, pero siyempre sa tagalog niya yun sinabi kasi filipino teacher siya. Ngayon, ibubuhos ko lang lahat ng namuong agiw mula sa aking isipan.
1. Pag nagreregister ako sa Unlitxt (Shameless plug ng sawi line: Parati akong naka-Unlitxt80, pero di ka naman laman ng Inbox ko.) at siguro napansin niyo na rin to, may unang text na sasabihing natanggap na raw nila yung request mo para magregister ng Unlitext service nila, in TAGALOG. Kapag in-approve nila yung request mo, may bagong text matatanggap na nagsasabing, You can now use Unlitxt80 blah blah blah, in ENGLISH. Bakit ganon? Hindi ko maisip kung anong logic nung shift in language na ginawa na yon. Kapag naregister ka ba sa unlitxt bigla na lang ma-oon yung english comprehension mo? At kung hindi naman, hanggang tagalog lang ang level ng utak mo. Ang labo e. Sana gawin na lang nilang straight tagalog o kaya straight english para hindi na maburat ang mga taong tulad kong napapansin ang mga ganong klase ng detalye.
2. Nabasa ko yung isang blog ng kaibigan kong si Adi na cinopy-paste niya lang ata mula sa kaibigan niya. Basta, tungkol lang yun sa isang lalakeng nag-eemote tungkol sa kanyang naging karanasan sa mga babae, yung tipong kapag sa relationships, parating lalake yung nag-eeffort at yung mga babae, madali lang para sa kanila ang lahat at madali lang sa kanila ang mang-iwan. Parang ganung drama. Napaisip lang ako nung nabasa ko yun na pano nga ba magmahal? Totoong hindi mawawala sa isang relationship ang demands o expectations pero, hanggang dun na lang ba talaga ang pag-ibig, sa pagsunod sa mga demands at pag meet ng expectations ng isa’t isa? Minsan na rin akong umibig ng tunay, at ang masasabi ko lang at hindi sa pagyayabang, pero iba ako magmahal (naks.). Para kasi sa akin, kapag pinili mong mahalin ang isang tao, hindi na mahalaga sa yo ang mga sariling interes mo dahil mas uunahin mo pa ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Dapat ang pag-ibig, selfless. Hindi ka dapat mag-expect na irereciprocate ang mga mabubuting bagay na ginagawa mo sa kanya dahil enough na sa yong napasaya mo yung tao, enough nang makita mong nabuo yung araw niya o ngumiti siya. Kung di mo magets, isipin mo, pano ba magmahal si Papa Jesus? Ganun dapat magmahal ng tao.
3. May Eraserheads concert na naman. Nung friday, bumili ako nung DVD nung una nilang reunion concert, yung inatake sa puso si Ely. Pinanood ko. Sadly, hindi ko nakita ang sarili ko. Yung susunod na Eheads concert ay sa March 7, the day after my birthday! Sana, regaluhan ako ng mga magulang ko ng tickets para maging masaya ako. Kahit isa lang, pero sana dalawa. Ang sad e. Last time, mag-isa lang ako. Mahirap tumalon o kumanta pag mag-isa ka lang, mukha kang tanga. Nakita ko nga pala si Raimund nung Friday, kasi, tumugtog yung Sandwich sa school nung kapatid ko. Ang gaspang na pala ng mukha niya, pero ayos lang, sa kanya ko pa rin ipapangalan ang isa sa mga anak ko. Kasi, idol ko siya. Wag lang sana mamana ang kutis ng pinagkunan ko ng pangalan.
4. Tinanong ako ni Jobim nung isang araw kung paano raw ba manligaw. Napaisip din ako kasi, pano nga ba manligaw. Wala namang exact science para mailatag ang step by step way to winning a girl’s heart, pero ang masasabi ko lang, wag na wag, as in never, ask for permission na manliligaw ka. Tipong, “Pwede ba akong manligaw sa yo?”. Unang-una sa lahat, ang lame nun, parang supot lang e. Pangalawa, pano pag nag-no, edi olats ka na. Pangatlo, hindi ka rerespetuhin nung nililigawan mo. Pang-apat, magkakaroon bigla ng expectations yung babae at pag hindi mo nameet yun, olats ang panliligaw mo. Kung manliligaw ka, wag mo na ipaalam. Ang hanap ng isang babae, ay isang lalakeng tratratuhin siya bilang babae, hindi yung tipong barkada lang. Sabi nga ni Salonga, casual lang dapat, subtle, at ang objective, let her fall for you. Ang panliligaw ay nasa kalagitnaan ng Attract at Close ng FMAC stages, so dapat, ready ka sa mga bagay na maiimpress siya sa yo, pero siyempre, wag mo naman baguhin ang katauhan mo para lang mahulog siya sa yo. Ipakita mo yung tunay na ikaw, at kung hindi niya magustuhan ang kung anong meron ka to offer, isipin mo na lang, her loss. Dapat may game ka. Abangan sa March.
5. Ano ba mga aaralin ko. Math 53 midterms. Socio 10 readings. Gumawa ng Socio 10 report. Gumawa ng Panpil 19 report. Gumawa ng Chem Problem set. Ayun. Konti lang pala e. Mamaya na yan. Yung math 53, wala, math lang yan. Bboy ako.


